In Another Life

24 6 0
                                    

Madilim ang paligid, ang mga ulap ay madilim na tila ba nagbabadyang pumatak anumang sandali. Hindi na rin ako mapakali, pakiramdam ko ay naninikip ang aking dibdib na hindi ko maintindihan. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay tila ba nais nang kumawala at pumatak ng aking mga luha mula sa aking mga mata. Hindi ko rin alam kung bakit. Ang tanging malinaw lang sa akin ay tila ba naghihinagpis ang aking puso at parang maiiyak ako sa tuwing makulimlim ang langit.

"Dreams can be a premonition, it can also be a memory from our past life. In our dreams, lahat ng mukha na nakikita natin habang nananaginip ay nakita na natin, our minds cant create faces" iyan iyong sabi noong nabasa kong article, and facts about dreams. Is it even possible? Posible kayang ang laman ng panaginip ko gabi-gabi ay may kinalaman past life ko?

Ang totoo hindi ko alam. Hindi ko rin masabi.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad pauwi sa aming tahanan sa gitna ng makulimlim na paligid at hindi alintana ang paninikip ng aking dibdib at gustong gusto ko nang lumuha. Subalit hindi yata magandang ideya ang umuwi nang ganito ang panahon dahil habang naglalakad sa kalsada ay biglang may isang sasakyang papalapit sa aking kinaroroonan, at sa hindi ko malamang dahilan ay tila dinuduyan ako. Namimigat ang talukap ng aking mga mata at ang bigat sa aking damdamin ay mas lalong sumidhi na para bang anumang oras ay maaari akong mawalan ng ulirat. Hindi ko maintindihan ang nangyayari, liyong-liyo na ako halos hindi ko na rin maigalawang aking mga paa na tila ba napako sa aking kinatatayuan. Ang aking mga tuhod ay nanlalambot at tila gusto nang bumigay, hindi ko na namalayan pa ang sumunod pang naganap dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.

___
Here I am back to the place where my weary heart belongs. Masyadong makaluma ang paligid. It felt like I was in 19th century. And I know in an instant that I was inside my dream. Though this time it is more vivid.

Makulimlim ang paligid, ang ulan ay nagbabadya na ding pumatak maging ang aking mga luha. Hindi ko din alam kung bakit mabigat sa kalooban ko pero ito yung nararamdaman ko sa gabi-gabing napapanaginipan ko ito.

Inilibot ko ang paningin at natagpuan ko ang aking sarili na nasa dulo ng ilog na para bang may hinihintay. Maya-maya pa dumating ang isang lalaki na s'yang palaging laman ng panaginip ko, kaagad akong niyakap ng makarating sa pwesto ko. Kitang-kita ang saya sa mukha ko sa tagpong iyon. Tagpong tila ba isang nakaw na sandali.

Pero ang masayang tagpong iyon ay biglang napalitan ng masakit na pangyayari. May dumating upang sirain ang masayang tagpo, isang banyaga na sa tingin ko ay may mataas na katungkulan sa lipunan at isang pinay na sa tantya ko ay mga magulang ng binatang kasama ko. May kasama silang isang dalagang banyaga na base sa kasuotan ay isang ding Espanyol at maraming kawal.

"Mierda, mierda, mierda"  malutong na mura ang lumabas sa bibig ng lalaking kasama ko, tapos maya maya ay malalim na napapa-buntong hininga.

"Franco" matigas na anas noong lalaki na sa pagkakaintindi ko ay ama ng binatang kasama ko na tinawag nila sa pangalang Franco, base na rin sa pagkakahawig ng kanilang mga wangis.

"Papá, Mamá, ayokong sumama sa inyo. Mas gugustuhin kong mabuhay ng kasama si Estrella. Pakiusap hayaan nyo na ako"

"Gillipolas, tonto del culo! Volvamos a España " anang ama nya sa mas matigas na tono na tila ba ay inuutusan sya. Well it sounds like a command.

Tinapunan nila ako ng masamang tingin kasabay ng paghigpit ng pagkakawahak sa akin ni Franco.

"Estúpida anong ginawa mo sa anak ko"

Hindi ko magawang umimik, kahit gusto ko silang sagutin ay hindi ko magawa. O mas tama sabihing wala akong lakas na sagutin sila pabalik dahil sila pa din ang mga magulang ng lalaking kasama ko at kung tama ang pagkakaintindi ko sa panaginip ko, ang lalaking kasama ko ay s'yang itinitibok ng aking puso.

SCARLET INKWhere stories live. Discover now