Chap. 26 Her New Love

Comenzar desde el principio
                                    

" Ahahahah...galing mong manghula." Sabay halakhak ni Oliver.

Kasunod nun ay sabay sabay silang naglakad lakad sa loob ng Airport.

Napadako si Shiloh sa isang tindahan ng mga laruan. Nakita n'ya ang isang teddy bear. Napangiti s'ya ng bahagya. Sa tagal ng panahon na lumipas..minsan pang sumagi sa isip n'ya si Noah.

Lumapit s'ya sa teddy Bear. Kukunin n'ya na sana nang..May kamay na mas naunang kumuha ng laruan. Napatingin si Shiloh sa taong kumuha at nakilala n'ya...Napatingin naman ang lalaki sa kanya..

"Kiko?"

"Shiloh?"

Pareho silang hindi makapaniwala sa isa''t isa. Sa tagal ng panahon na di sila nagkita..hindi nila akalaing muli silang magtagpo.

Mistulang umabot hanggang langit ang ngiti ni Kiko nang makita si Shiloh..Hinawakan pa nitong bigla ang mukha ni Shiloh.

"Lilo, ikaw nga..." Sabay yakap.

Parang tumigil ang pagpintig ng puso ni Shiloh sa binata.

"Kumusta ka na?"

"Heto, mag-isa parin sa mundo. Ikaw, nag-asawa kana ba?"

"No." Agad na sagot ni Kiko.

"Good. Nakakatakot kasi baka mamaya biglang may sasabunot sa akin na di ko alam. Alam mo naman, ang lakas ng karisma mo sa mga babae; nakakabali ng leeg ang kagwapohan mo." Palingon lingon pa si Shiloh sa paligid habang kinakausap si Kiko.

"Binubola mo naman ako, eh."

"Hindi ah."

Ginulo ni Kiko ang buhok ni Shiloh; sabay kurot sa pisngi nito.

"It's really nice to see you, Lilo." Hinawakan ng binata ang kamay ni Shiloh.

" Yeah, I'm glad to see you, too."

Naputol ang pag-uusap ng dalawa nang..

" Kiko, ari kaman lang gali dire; gaina pa kita ginapangita."

( Kiko, nandito kalang pala; kanina pa kita hinahanap. )

Lumingon si Shiloh sa babaeng  lumalapit sa kanila. at...

"Aling Trining!" Halos mapatili si Shiloh.

"Shee-lu?" Mabilis pa sa alas-sinco at nakilala agad ni Aling Trining ang dalaga.

Tumango tango si Shiloh at napayakap sa matanda.

"Dios ko, ang ganda ganda mo parin." Tuwang tuwa si Aling Trining na muling makita si Shiloh. Hinipo pa nito ang mukha ng dalaga.

"Naku, Meron na namang 'di makakatulog nito dahil sa 'yo." Dumulas ang dila ng matanda.

"Ano po? Sinong hindi makakatulog?"

"Ahhh..ang ibig kong sabihin..mmmm sigurado ang nobyo mo hindi makakatulog sa kakaisip sa 'yo." Paliwanag ni Aling Trining.

"Ahhh..wala po akong nobyo." Sabi ni Shiloh.

"Ay..that's a good sign. Ibig sabihin pwede kang ligawan ni Kiko." Muling nadulas ang dila ng matanda.

"Ya, tama na. Makahuluya sa iya."

( Ya, tama na. Nakakahiya sa kanya. )

Simpleng bulong ni Kiko. Dumating naman sina Abebet at Oliver.

"Shiloh, halika na." Tawag ni Abebet.

"Abebet?" Kunot noo kinilala ni Kiko ang dalawang kasama ni Shiloh.

The BearerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora