CHAPTER 14 [LAST CHAPTER]

23 0 0
                                    

SOOJIN'S POV

After nang shoot namin sa isang variety show ay biglang naging mailap si Miyeon at Shuhua sa isa't isa. Minsan nalang din sila umuwi sa unit. Mukhang may matindi silang pinag awayan at ayokong manghimasok kaya naman hahayaan ko nalang muna sila.

Narinig ko na din ang balitang hindi magrerenew si Shuhua at nalulungkot ako pero wala naman akong magagawa. May mga bagay syang mas kailangan unahin. Nakikita ko kung paano sya kastress nitong mga nakaraang araw. Halos walang pahinga. After ng shoot uuwi sa province nila tapos babalik ulit. Naaawa akong makita syang ganyan. Kung pwede lang sana kunin ko na lahat ng nararamdaman nya para gumaan man lang yung dinadala nya.

May one time nung lumabas ako ng kwarto, mga madaling araw na nun nahuli ko syang umiiyak sa may living room. Gustong gusto ko syang lapitan at icomfort kaya lang baka ayaw nyang may makakakita sakanya sa ganung sitwasyon kaya nanatili nalang ako doon sa kinatatayuan ko at inintay syang tumahan.



THIRD PERSON'S POV

"My sister is dying."

Natahimik si Miyeon sakanyang narinig. Agad syang lumapit kay Shuhua at hinawakan ito sa magkabilang braso. Nagulat ito nang maramdamang mainit ang temperatura na nanggagaling sa balat nito kaya naman sinipat din nito ang noo at mas lalo pa itong mainit.

"You have a fever. Come on, I'll drive you."

Umiling dito si Shuhua. "No, I can manage. Mag-usap nalang tayo pagbalik ko."

"Stop pretending that you are okay all the time, that you are strong enough to stand on your own. Please, just this once. Let me help you."

Wala nang nagawa si Shuhua kundi tumango dito. Naglakad na sila palabas ng condo. Walang umiimik sa kanilang dalawa.

"Uhm..." basag ni Miyeon sa katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa. Lumapit ito at marahang niyakap si Shuhua habang nakalagay ang isang kamay sa likod ng ulo nito at ang isang kamay ay nasa likod. 

"Your sister will be okay." bulong ni Miyeon sabay halik sa ibabaw ng ulo ni Shuhua. 

Nagsimula na syang magdrive. Panay ang sipat nito kay Shuhua na nasa passenger side. Kapansin pansin ang pagkabalisa nito. 

"Are you okay? You look so pale." bulalas ni Miyeon. 

Nanghihinang tumingin dito si Shuhua at nagawa pang ngumiti sa kabila ng sakit na nararamdaman ng kanyang sikmura. 

"Keep driving. As long as you are here, I'll be okay." pagsisigurado nito

Nabalot ng katahimikan ang dalawa. Lumipas ang isang oras ng pagbabyahe. Habang tinatahak nila ang pa-zigzag na kalye ay nagising si Shuhua.

"Miyeon-ah," pukaw nito na tila ba hirap na hirap magsalita.

"Hm?" sagot nito habang nakafocus sa daan. Madilim at iilan lang ang poste ng ilaw sa daan kaya naman doble doble ang pag-iingat ni Miyeon magdrive.

"Sorry sa lahat ng nasabi ko. Sorry kung hindi na ako yung dating tao na minahal mo."

Mabilis na napalingon dito sa Miyeon habang si Shuhua ay nakatitig lang sakanya, namumutla at tila ba hinang hina.

"Save your energy, love. Take a rest please."

Ngumiti ng tipid si Shuhua at kinuha nito ang kanang kamay ni Miyeon.

"If only I could be given a chance to put a ring on your finger, would you say yes?" nanginginig na pahayag ni Shuhua. May luha na ding pumatak sa mga mata nito.

Hindi alam ni Miyeon ang kanyang gagawin kaya naman napatigil ito sa gilid ng kalsada at tumingin kay Shuhua.

Hindi na rin napigilan ni Miyeon ang pagtulo ng luha at agad nitong niyakap si Shuhua. "Ofcourse. I do."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAUBAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon