CHAPTER 2

49 5 0
                                    

SOOJIN'S POV

Pagbaba ko sa lobby nakareceived agad ako ng text kay Hui at sinasabing nakatigil na yung car nyasa may gilid kaya naman dali dali kong inayos ang cap ko at casual lang na naglakad papunta sa direksyon nya. Safe naman akong nakapasok. Wala akong napansing kakaiba. Medyo lagay loob parin ako na lumbas sa panahon ngayon dahil hindi pa naman masyadong kilala ang grupo namin lalo na ako.

"Hi Babe." bungad nya sabay kiss sa cheeks ko. Naamoy ko tuloy ang pabango nyang matapang.

Sinakitan yata ako ng ilong don. Gusto kong amoy ay yung parang soft lang na medyo matamis, parang peaches. Hindi ko nalang sinabi sakanya yun baka maoffend pa. Alam nyo naman bago palang kami.

"2 hours binigay na breaktime samin. Let's just grab some dinner nalang muna."

Tumango ako dito. Idol din at parehas kami ng entertainment ni Hui kaya mabilis kaming nagkamabutihan. Hindi namin to pinaalam sa management dahil bawal na bawal magkaroon ng dating scandal ang mga artist nila lalo na kung kagaya namin na babago palang nagawa ng pangalan.

Napili naming kumain sa restaurant na pagmamay-ari ng pinsan nya dahil dito alam naming safe.

"Kumusta promotions nyo kanina? I heard sa isang make up artist bilib na bilib daw sainyo yung PD nung show. I guess sunod sunod na guesting nyo nyan, Babe." natutuwang pahayag nya.

"I hope so. Nakakapagod pero sulit naman. Wala kaming sched ng 3 days kaya naman malupitang practice ng sayaw para sa mga darating na promotions,"


"I heard mag iinternational promoting kayo?" kapag kuway tanong ko.

"Yeah. The day after tomorrow aalis kami. One week lang naman daw."

Nalungkot ako dahil matagal tagal ko din syang hindi makikita pero at the same time ay masaya dahil gaya namin na bago palang nagsisimula ang grupo nila, malaking opportunity ito na makapagpromote sila international.

"I'm so proud of you Babe." malambing na pahayag ko.

Hinawakan nya ang pisnge ko at mataman akong tiningnan sa mata. "Thank you, Babe. Proud din ako sayo, lagi."

*click* (sound of camera)

Napalibot ang mata ko nang marinig ang tunog ng parang nagclick na camera. Hindi nga ako nagkakamali. May isang lalaki ang kumuha ng picture namin. Hindi ko alam kung nakuhanan nya ba kami ng malinaw, kumg kita ba ako o kita si Hui pero bigla akong nakaramdam ng kaba.

Nataranta na din si Hui at tinawagan yung pinsan nya para sabihin na icheck yung lalaking kumuha ng picture namin pero hindi na daw nila ito naabutan. Napasapo nalang ako sa aking noo dahil maaaring kumalat agad ang mg pictures namin.

"Are you okay?" bulong ni Hui. Nakatigil kami sa may lobby ng dorm namin. Nasa loob parin kami ng sasakyan. Bakas sa mukha nya ang pag-alala.

"No, I was just thinking of what happened earlier."

"Don't mind it. My cousin is already tracking that guy at the restaurant. There's no need for us to worry,"

Ngumiti sya na para bang sinasabi nyang wag akong mag-alala kaya naman nawaksi ang pag-iisip ko. Isa to sa mga nagustuhan ko kay Hui, yung pagiging positive nya sa mga bagay bagay. Napapagaan nya ang pakiramdam ko sa twing nagwoworry ako.

Napabuntong hininga nalang ako nang makapasok sa loob ng unit namin. Didiretso na sana ako sa kwarto ko nang mapansin kong nakabukas pa ang ilaw sa may kitchen. Akala ko naiwan lang na bukas pero nagkamali ako. Nandoon pala si Shuhua. Mukhang kanina pang namomroblema dahil panay ang kamot sa ulo. Natawa naman ako na madatnan syang ganito.

"Late na, ano pa ginagawa mo dyan?" napahawak sya sa dibdib sya sa bigla kong pag-imik. Nagulat ko ata siya.

"Nakaramdam kasi ako ng gutom pero hindi ko alam kung anong lulutuin ko. Ayoko naman na gisingin si Miyeon dahil alam kong pagod sya."


"Aba, sana all pagod." pagbibiro ko.


Nangunot ang noo nya sa sinabi ko at bigla naman syang namula nung magets nya yung ibig kong sabihin.


"Hoy dumi ng isip mo, grabe ka jinjin." sabi nya habang nagpapaypay ng sarili. Natawa tuloy ako sa itsura nya.

"Ano ba gusto mong kainin?" sabi ko. Ibinaba ko muna ang sling bag ko sa table at isinuot ang apron.

"Baka pagod ka din?" malokong tanong nya. Ako naman ang nakaramdam ng init dahil sa malokong usapan namin ni Shu.

"Parang ayoko na pala magluto. Gusto ko nalang magpahinga." sabi ko at akmang aalisin na ang apron pero mabilis akong nilapitan ni Shuhua at niyakap habang tumatawa.

"Jinjin naman di na mabiro. Sige na pagluto mo na ako." malambing na pahayag nito. Aish. Cutie.

Dahil sa pagyakap nya, naamoy ko tuloy yung light at sweet na natural scent nya. Diko alam pero napangiti ako sa amoy nya.

Alam nyo ba kung paano kami naging magkaibigan ni Shuhua nung trainees palang kami? Sa halos 200 na trainees daw kasi, yung mukha ko lang yung naalala ni Shuhua. Kaya naman after nun, lagi nya akong hinahanap. Tapos since galing sya sa malayong probinsya, hindi sya masyadong sanay magsalita ng tagalog kaya naman kahit hindi kami nagkakaintindihan pinipilit ko parin syang intindihin. At dahil dun naging close kami.

SHUHUA'S POV


Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano ni Jinjin habang pinagluluto nya ako ng Chicken Alfredo Pasta. Magaling magluto si Jinjin sa aming anim kaya naman maswerte kami ni Miyeon dahil kasama namin sya sa bahay hihi.

"Nginingiti mo dyan?" pukaw nya.

"Tagal naman nyan, gutom na ako."

"Eto na po kamahalan," sabay lapag nya ng pan sa lamesa. Kumuha naman ako ng dalawang plate at fork.

Tahimik niyang nilagyan yung plate ko. Nakaabang lang sya na tikman ko.

"Aren't you gonna eat?" umiling siya at ngumiti lang. Para syang nanay na iniintay kumain ang anak.

Sumubo ako at napapikit nalang sa sarap ng luto sya. Napathumbs up tuloy ako. Natawa sya sa ginawa ko pagkatapos napansin kong nakatitig lang sya sakin. Medyo matagal din kaya naman nailang na ako. Hindi ko nalang yun pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.


Tumayo sya at kumuha ng paper towel bago lumapit sa akin at pinunasan nya yung bibig ko. Medyo nabigla lang ako dahil sa gesture nya, napigil ko tuloy ang paghinga ko.

"Para ka paring bata kung kumain. I'll go sleep na. Wash the dishes, okay?" tumango ako kaya naman umalis na sya. Don ko lang naibuga yung kanina ko pang pinipigilang hinga.


What's wrong with me?

PAUBAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon