CHAPTER 8

38 4 1
                                    

SHUHUA'S POV

Kasalukuyan kaming nasa dance practice room at 2am na. We stayed up late para aralin yung bagong choreo ng aming last song para sa group. Yep, we're all aware na hahantong kami sa last song kasi yun ang kontratang pinirmahan namin simula palang. If we want to renew then we can still be a group. But I'm thinking if I'm going to renew my contract. 

"Paano nga ulit yun jinjin-ah. Ganto ba?"

Lumapit ako kay Soojin para itanong kung tama ba yung ginagawa ko. May isang routine kasi na hindi ko makuha kanina pa.

"No. Spread mo nang malawak yung arms but still control it. Tas medyo loose mo na sa part na to then tugs tugs tak" sabi niya habang dinedemo ito. I can't help but to laugh and admire her at the same time because una natawa ako dun sa tugs tugs tak nya, dancer na dancer talaga ang datingan. Tapos pangalawa ay yung willing niyang pagtulong sa akin kahit na mahirap ako turuan. At ang galing pa niya sumayaw. Grabe.

"Did you get it?" tanong niya kaya naman nawaksi ang iniisip ko kanina pa at tumango nalang sakanya. Pero muntik ko na makalimutan ang pakay ko sakanya kaya ako lumapit.

"Our plan later, don't mess it up." tumawa ito at tumango.

Plano kong isupresa si Miyeon mamaya. Nauna kong nalaman sakanya na nakapasa siya sa audition bilang leading actress dahil kinuntsaba ko na agad si Alex. Ang alam ni Miyeon bukas pa iaannounce sakanila kaya naman naeexcite na ako sabihin sakanya ang magandang balita. At para naman sa supresa, kinuntsaba ko naman si Soojin na aliwin muna si Miyeon sa labas habang nagpeprepare ako sa unit namin. Gusto ko sana sa labas o mamahaling restaurant kaya lang baka hindi maging kumportable siya.

Nakipag-apir nalang ako sakanya nang mapansin ko sa gilid si Miyeon na nakatingin sa amin.

"Water?" alok ni Miyeon.

"Thanks, love." masayang sabi ko at ininuman yung water bottle niya bago binalik sakanya at bahagyang tinapik siya sa braso bago umalis siya para ibalik naman iyon sa table.

Lumapit sa akin si Yuqi at doon nagsimula kaming magkulitan. Napagalitan pa kami nang choreo namin dahil sa kaharutan nito at nakisama pa si Minnie unnie.

5pm natapos ang rehearsals namin. Nagpaalam agad yung tatlo dahil may meeting pa sila as producer ng company. Naks, malalaking tao pala tropa ko pwera lang dun sa isa (Soyeon)

Kakapasok lang namin sa elevator at nagsenyas na ako kay Jinjin-ah.

"Samahan nyo ako sa mall may bibilhin lang ako." basag niya.

Ngumiti ako nang alanganin. "I can't, medyo masama pakiramdam ko." bumaling naman agad ang atensyon ni Miyeon sa akin at tumingin ito na para bang nag-aalala. Opps mukhang wrong move iyon.

"Why? Ano nararamdaman mo?"

"Uhhm. -- " alanganin akong napatingin kay Soojin bago bumalik kay Miyeon.

"Napagod lang. Oo tama, grabe kasi si Teacher Hershey. Tunog friendly lang pero ang strikta."

"Ikaw Miyeon unni, pwede mo ako samahan?" sabi ni Soojin.

"Paano si Shuhua--"

"Okay lang ako, love. Samahan mo nalang si Jinjin-ah, hindi naman siguro kayo magtatagal."

"You sure?"

Tumango ako. Pagkababa sa lobby ay naghiwalay na kaming tatlo. Nung makasakay sila sa van ay dali dali akong tumakbo papunta sa building namin. Pagkarating ko sa unit namin tumawag agad ako para umorder ng food. Hindi ko na kakayanin pa kung magluluto ako tsaka baka mamaya hindi pa makain yung magawa ko dahil sa pangit ng lasa.

PAUBAYAजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें