Chapter 13

23 0 0
                                    

MIYEON'S POV

Kakabisita lang ng doctor sa kwarto para ibalita na pwede na daw si mommy ilipat sa normal na room dahil nakikitaan na daw ito ng pagbuti sa kalagayan. Halos wala pa akong maayos na pahinga dahil hindi pa ako umuuwi sa dorm. 

Hindi ko pa ulit nakakausap si Shuhua after nung umaga na pinipilit ko syang puntahan ako. Nakakapagtaka lang dahil hindi man lang nya ako makamusta dito knowing my situation here. Lalo tuloy bumigat ang pakiramdam ko.

"Let's grab some coffee."

Napatingin ako kay Kyle na kasalukuyang katabi ko. Since naaksidente si mommy, never umalis dito si Kyle. Palagi nya akong sinasamahan magbantay atsaka hinahatid sundo nya ako kahit saan man ako magpunta. Thankful ako dahil sa mga panahong kailangan ko ng kasama, hindi nya ako pinabayaan.

Tumango lang ako dito at bago kami lumabas ay humalik muna ako sa noo ni mommy.

"Starbs or Bo's?" tanong nya.

"Kahit na ano, okay lang."

Sa huli sa Starbucks din kami nagpunta. Ito lang din ang malapit sa ospital. Hinayaan ko nalang siya ang umorder ng drink ko. Pagkabalik naman nya may dala pa siyang isang sausage roll at organic lasagna. Tahimik lang kaming kumakain.

"Thank you pala, Kyle."

Ngumiti ito. "Sure, no worries. Anything for you and tita."

Gumanti lang din ako ng ngiti. "Miyeon,"

Tawag nya kaya naman napalingon ako sa kanya. "Hm?"

"Nagkausap kasi kami ni Tita two days before she got into accident," medyo alanganing pahayag nya. Nakatingin lang ako dito at hinihintay ang sasabihin nya.

"She want us to get back to each other."

Nagulat ako sa sinabi nya. Bakit naman iyon sasabihin ni mommy. Alam naman nyang matagal ng wala kami ni Kyle. After nga namin maghiwalay hindi na din kami nagkausap pa.

"What do you mean? And what did you say to her?"

"I agree. You know we broke up before because we're still too young to know what relationship is. But now, were old enough to handle it. I believe that you are still single. Wala ka pa naman sigurong nakakadate based on your interviews, right?"

"No, Kyle. We're done. And you don't have to listen to my mother just because she said that." alanganin akong tumawa.

"Actually I want you back, Miyeon. That's why I'm here for you."

Umiling iling ako dito at saka umalis na. Hinayaan ko syang maiwan don. Mabuti nalang nakapara agad ako ng taxi dahilan para hindi nya ako masundan. There's no way na makikipagbalikan pa ako sakanya.

Sa dorm ako dumiretso. Pagkarating ko sa loob ay pabagsak akong umupo sa sofa. Shit. Bakit ba ang daming nangyayari ngayon. Hinang hina na ako makitang nakaratay sa hospital bed ang nanay ko tapos  dumagdag pa si Kyle. Bakit naman kasi sasabihin yun ni mommy, sa ex ko pa. Anong gusto nyang mangyari. Tapos ilang araw na din kaming hindi nag uusap ni Shuhua, miski text hindi nya magawa.

Napamulat ako ng bumukas ang pinto sa isang kwarto. Buong akala ko mag-isa lang ako dito. Pagtingin ko lumabas sa kwartong ito si Shuhua. Halos mangilid ngilid naman ang luha ko nang makita sya. Pero parang may kakaiba sa aura nya. Mukha syang pagod, yung mata namumugto. Tapos mukhang pumayat din sya. Ilang araw lang ba kami hindi nagkita?

"Hey." sabi ko. Pero nakatingin lang sya sakin. Hindi ko maintindihan ang expression ng mga mata nya. Para syang malungkot, inis, pagod halo halo na.

"How are you lately? Busy hanging out with a "guy"?" bakas sa boses nito ang inis.

PAUBAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon