CHAPTER 6

38 4 0
                                    

SOOJIN'S POV



Kinakabahan ako ngayon dahil first ever appearance ko which is fan sign event pa after ng temporary hiatus ko dahil sa dating issue. Sana naman maging smooth lang at walang umepal.


Nakaupo na kami sa mahabang table at may kanya kanyang hawak na pen. Sa kanan ko nakaupo si Shuhua at sa kaliwa ay si Miyeon.


"Ang daming tao nakakatuwa" narinig kong bulong ni Shu kaya naman napangiti ako.



Nagsimula na ang fan sign event. Isa isa nang lumapit ang mga tao sa amin para sa mabilisang signing ng album at interaction. Nakakatuwa lang kasi halos lahat nang nakakausap ko ay sinasabi na masaya daw sila at bumalik na ako dahil namiss daw nila ako. Mababaw man pero para akong nateteary eye na dahil sa overwhelming nilang pagtanggap ulit sakin. Pero hindi ko ito pinakita sakanila. Kaya naman nung mag breaktime para sa second batch naman ay saglit akong tumalikod at nagpunas ng kanina pang nagbabadyang luha. Mukhang napansin yata yun ni Shuhua dahil agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso.

"Okay ka lang?"


Tumango ako at ngumiti. "Masyado lang ako natutuwa," natawa naman sya sa akin at niyakap ako.


"Drama mo naman Jinjin."  hinampas ko tuloy siya sa braso.



"Ayiiiieeee"

"Ang cute nila"

"Oh my god the ship is sailingggg"



Napaharap ako nang bitawan ako ni Shu dahil sa ingay na nanggagaling sa crowd.


Hindi ko namalayan na kami pala yung pinaparinggan ng mga tao. Eh? Tama ba ako ng narinig?



Napatingin tuloy ako sa gawi nila Soyeon na nakatingin din pala sa amin at nakangiti na para bang nang-aasar.



"You guys are shipping us?" malokong tanong ni Shu dahilan para maghiyawan ang mga tao. Karamihan pa dito ay nanggagaling ang sigaw sa mga kababaihan.


"Kumalma kayo, kami lang to" sabay akbay ni Shu sa akin at lalo pang lumakas ang hiyawan. Grabe ano bang ginagawa ng babaeng to. Masyado naman syang extra kung magfanservice ngayon. Sulit na sulit binayad ng mga tao.



Atsaka I don't have any idea na siniship pala kami ng mga tao sa isat isa.



"So you guys like me and Jinjin together?" sumang ayon naman ang crowd.



"Eh kami ni Miyeon?" I think she's pertaining about shipping her with Miyeon. Iba din dumamoves ang Shushu nyo. May mga sumang ayon din pero iilan lang.


Tapos inisa isa nya ang mga members. Natatawa nalang ako kasi game na game yung mga tao.



Natapos ang fansigning event namin na hindi na ako nilubayan ni Shu. Ewan ko ba sa pakana ng babaeng to. Hindi ako sanay kaya naman nagugulat nalang ako pag bigla syang lalapit sa tenga ko at bubulong. Pero ang binubulong lang naman ay gutom na daw sya at inip na. Kaya naman natatawa nalang ako.  Tapos eto pa, sa twing bumubulong sya, nagwawala ang crowd n akala mo ay sikat kaming loveteam.

Nakasakay na kami sa van pauwi sa dorm. Katabi ko si Minnie tas sa likod namin si Yuqi at Soyeon tas sa pinakalikod ay si Miyeon at Shu.


SHUHUA'S POV

Napansin kong kanina pa walang imik si Miyeon. Tulugan na halos lahat dito sa van dahil malayo at matagal pa ang byahe namin. Tiningnan ko naman sya sa tabi ko at nakapikit lang ito pero nakasandal sa may bintana.


Kaya naman marahan kong kinuha ang ulo nya at ipinatong sa balikat ko para mas kumportable siya.  Nagising siya dahil dun. Umayos sya ng upo pero hindi man lang ako tiningnan.



"Okay ka lang ba, Love?"

Hindi siya sumagot. Nakadiretso lang syang nakatingin sa harap. Seryoso at hindi ko mabasa ang expression nya.


"Kausapin mo ako, may problema ba? May nararamdaman ka?"


Still wala paring imik. Napahilamos nalang ako sa mukha. Kinuha ang kamay nya at pinagintertwined ko sa akin bago ako sumandal sa balikat nya para matulog. Mukhang wala din naman siyang balak na kausapin ako.


MIYEON'S POV

Tinapik tapik ko lang ang pisnge ni Shu nang makarating na kami sa dorm. Nagising din naman siya agad. Nauna siyang bumaba, pero nauna na akong maglakad sa unit namin.

Bakit ba ako nag iinarte? Actually hindi ko din alam. Basta nagsimula to kanina sa fansign.





Oo na. Nagseselos na ako. Takte. Hindi ko alam kung tama ba na makaramdam ako ng selos e kaibigan ko si Soojin. Pero hindi ko mapigilan. 



Pagkaakyat ko dumiretso agad ako sa kwarto ko. Siguro mamaya nalang ako maghahalf bath kapag medyo okay okay na ako. Kasi baka mamaya makita ko pa si Shu, which is hindi naman malabo dahil magkasama lang kami sa bahay pero ayoko muna syang kausapin kaya iiwas muna ako.



Ano naman sasabihin ko kapag tinanong nya ulit ako? Kanina nga hindi ko alam sasabihin ko. Tsaka parang nagiging immature lang ako ngayon kaya palilipasin ko nalang muna to.

Feeling ko pati, parang ang sama kong kaibigan kung pati si Soojin ay pagseselosan ko pa. 


Ipipikit ko palang sana ang mata ko nang may kumatok.  Hindi ko na sana siya papansinin dahil alam kong si Shu to kaso mukhang wala siyang balak akong tigilan.

Kinuha ko ang phone ko at nagtipa ng message para kay Shu.


To: My Love

magpapahinga na ako. bukas nalang tayo mag-usap.


Pagkasend ko ay pumikit na ulit ako pero makalipas lang ang ilang minuto ay may kumatok na ulit.

"Love please talk to me." Hindi ko nalang siya pinansin at pumikit na.


Naalimpungatan ako at nakita kong may isang oras na pala akong nakaidlip. Naalala kong nakamake up pa pala ako kaya naman kinuha ko muna ang bath towel at naghanda para maghalf bath.


Pagkalabas ko nagulat ako nang makitang nakahiga sa sofa si Shu. Nakapalit na siya ng damit.

Nakaramdam ako ng konsensya dahil sa inasal ko. Napakaarte ko sa part na yon. Naiiyak tuloy ako dahil naiinis ako sa sarili ko.


Lumapit ako sakanya at marahan akong umupo sa may ulunan nya. Dahan dahan kong inalis ang mga buhok na humaharang sa mukha nya. At dahil don nagising sya. Ngumiti siya sakin at ipinatong nya ang ulo nya sa lap ko at hinawakan ang kamay ko.


"Sorry love." sabi nito kahit nakapikit.

"Bakit ka nagsosorry?"

"I think naging insensitive ako kanina sa fansign. Hindi ko naisip yung pwede mong maramdaman, "


Nagmulat siya at ikiniss ang likod ng palad ko bago diretsong tumingin sa akin. "Pero alam mo ba kaya ko ginawa yun, kasi gusto ko malaman yung reaction ng mga fans natin kung halimbawa idate natin ang kapwa members. And natuwa ako na okay sa kanila yung ganon. Ibig sabihin love, sooner or later kung malaman nila yung satin. Alam kong susuportahan parin nila tayo."


Ngumiti ako ng tipid at umiling. Hinaplos haplos ko pa ang buhok nya. "No, suportado lang nila yung sainyo ni Soojin."


"That's only for now. We can work with it naman. Wag lang natin sila bibiglain."


"Okay. Sleep ka na, maghalf bath lang ako."


Tumayo na kaming dalwa. Niyakap nya ako ng mahigpit kaya naman gumanti ako. "Can I sleep in your room?" mahinang bulong nya.

Tumango lang ako. Hindi na naman yun bago samin.

*******************************************************************
A/N: napa-update ako bigla kasi trending sa twitter ang "SOOJIN FREEDOM" omg Nevies!!!!! be better ready yourself because soojin is coming and idles comeback also!!!!!

PAUBAYAUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum