CHAPTER 11

27 3 0
                                    

SOOJIN'S POV

"Anong oras na ba?" tanong ko sa make up artist ko ngayon na si ate Gladys.

"Panlabing limang tanong mo na yan beh ngayong araw. Ano bang meron at hindi ka mapakali sa oras?"

"Just answer it, Ate." pangungulit ko.

"2pm na. Don't worry malapit na matapos 'to."


Napailing nalang ako dahil hindi naman yun ang concern ko kaya ko tinatanong ang oras. Nakarating na kaya si Shuhua sa kanila? 8am is my estimated time that she will get into their hometown pero hanggang ngayon wala akong update kung nandon na ba siya.

Gusto ko man siya tawagan kaso sobrang busy ko at hindi ako payagan humawak ng phone ni Kim. Ugh.

Lumapit sa akin si Kim at nag-abot siya ng mga coffee sa make up artist.


"Kim, do you have Jea's number?" tanong ko. Tumango ito.

"Can you contact her for me?"

"Why? Is it urgent?"

"Tanong mo kung nakarating na si Shuhua sa kanila" tumango lang ulit to at umalis muna saglit.

Bumalik agad si Kim sa akin kaya lang bago ko pa matanong kung anong napag-usapan nila ni Jea ay tinawag na agad ako nung director para magstandby na.

Around 4pm nang matapos ang sched ko ngayong araw kaya naman agad kong kinuha ang phone ko kay Kim at tiningnan kung may message ba akong natanggap mula kay Shu pero nalungkot ako nung wala. Siguro ay busy na sya. Sabagay, ang tagal din niyang hindi nakauwi sakanila baka ineenjoy niya lang bawat moment na nandoon siya.

I was about to sleep kasi maaga pa ang alis namin bukas dahil mahaba ang byahe papunta dun sa shooting ng variety show namin ni Shuhua. Nakakaexcite na kinakabahan ako. Hindi ko alam pero feeling ko baka magkamali ako, baka mabash na naman ako ng mga tao.

Nagulat ako ng magring ang phone ko. Natuwa ako ng makita sa caller ID na si Shuhua iyon.

"Hello?"

[Did I wake you up?]

"No," iling ko.

[Then why are you still awake? Hindi ba maaga kayo bukas aalis?] tapos narinig kong tumawa siya ng mahina sa kabila. Napangiti nalang ako sa hindi malamang dahilan. Nakakakalma lang yung boses niya.

"Yeah... but why did you call?"

[Miyeon is not answering my calls, is she home?]

"Wait, I'll check on her." 

Bumangon ako at nagtungo sa kwarto ni Miyeon. Kumatok ako dito pero after ng ilang minuto ay walang sumagot kaya naman pinihit ko na ang doorknob nito at doon ko lang nakita na wala palang tao sa loob. 

"She's not here, Shu." sabi ko, pero hindi ito sumagot. Naghintay pa ako ng ilang minuto, pero hindi siya umimik. Tinignan ko tuloy ang screen ko baka namatay na pala ang call pero on-going parin naman. 

"Uhm Shu? Is there something wrong? Are you still there?"

[Yeah I'm here *sniff* mahina lang yung connection ko dito sa probinsya.]

Liar. Tuya ng isipan ko.

Ilang minuto din ang lumipas pero pagsinghot lang ang naririnig ko sa kabilang linya.

"Are you crying?"

[No. *sniff* Ano.... sinipon lang ako bigla, iba kasi ang hangin dito. Malamig. Tama, malamig tapos fresh na fresh]

PAUBAYAWhere stories live. Discover now