CHAPTER 12

27 2 0
                                    


SHUHUA'S POV

Kung pwede lang ako lumipad sa manila ngayon para lang puntahan si Miyeon ay gagawin. Kaso hindi. Kaya kahit na alam kong nagtatampo ng sobra yun, siguro hahayaan ko na muna. Lilipas din naman yun. Babawi nalang ako. 


Nagising ako around 7am. Agad akong pumunta sa kwarto ni ate. Kumatok ako ng tatlo bago buksan ito. Nakaupo lang sya sa kanyang kama habang nakalapag ang laptop table nya sa ibabaw at tutok na tutok itong naglalaptop.

"What are you doing?"

Lumingon ito sakin at ngumiti. "As usual, work."

Napakunot ako ng noo. "Seriously? Can't you just take it easy. Focus on your treatment."

"It's not like I'm dying," nagawa pa nyang tumawa.

"Chill sis. Ngayon ka na nga lang pumunta dito, sesermunan mo pa ako. Come on, let's eat breakfast."

Gaya ng sabi niya sabay na kaming kumain ng breakfast. Wala si mommy kaya naman kami lang dalwa at ang mga maid lang ang nandito.

Hindi ko naman maiwasan mapapikit habang tinitingnan ang kalagayan nya ngayon. Sobrang laki ng ipinayat pa nga lalo kumpara dun sa huling kita ko sakanya. Tapos yung mga visible na pasa nya.

"Mamaya na ulit ang alis mo papunta sa kabilang barangay para magshoot right? Magpahatid ka na sa driver natin." suggest nya. Umiling ako.

"No thanks. Dadaanan ako nila Jea dito."

Tumango tango sya. "Okay, ilang days nga kayo dun? Para mabisita kita at mapanood sa set."

"No. You will stay here and magpahinga ka ng ayos."

"You're still such a bossy." pagbibiro nito. After namin kumain bumalik na ulit sya sa kwarto nya. Ako naman ay nagbihis na at nag ayos ng mga gamit dahil mamaya lang ay nandyan na sila Jinjin.


Nabago ang memo about sa ishoshoot namin na variety show, bale magkakaroon lang kami ng kaunting guest appearance kaya naman baka matapos agad yun ngayong araw. Gusto ko mang magstay sa bahay para mabantayan si ate pero hindi pwede. Dahil marami pakong naiwan na trabaho. Buo na ang desisyon ko, tatapusin ko lang ang pinirmahan kong kontrata tapos babalik na ako dito sa amin sa probinsya. Mahirap din kasi ang kalagayan ni ate, meron syang lower respiratory infections. Sakitin kasi talaga sya mga bata palang kami. Palagi siyang may pneumonia, kaya doon nagkaroon ng infection ang respiratory nya. Delikado sya minsan kaya kailangan talaga maingat. Kaya naman ang mahalaga ngayon ay nakapahinga lang sya para maiwasan yung mga mabibigat na gawain sa kanya. Kaya lang pasaway si ate, kahit alam nyang nahihirapan sya pinipilit parin nya magtrabaho para sa business namin kaya naman siguro tama na para ako naman ang tumulong sa kanila. 


"Shuhua?" pukaw si Soojin. Lumingon ako dito. Napatingin naman ako sa kamay nyang nakahawak na ngayon sa kamay ko. 


"Okay ka lang?"


Tumango ako dito. Ngumiti naman siya at hindi na ulit umimik. Siguro ramdam din nya na wala akong balak mag-open sakanya. Siguro sasarilinin ko nalang muna ito. Ayoko naman makadagdag pa sa isipin ng ibang tao. May mga problema din sila. 


"Standby na kayo ha, malapit na magsimula." paalala nung PD sa amin. Pumuwesto na kami at nang tawagin na nga ay magkasabay lang kami na nagpunta sa unahan. Magalang kaming bumati sa mga hosts at audience. 


Kahit wala ako sa mood pinilit kong gawin ang best ko para lang sa show. Who would've thought na ito na pala ang una at huli kong variety show. At masaya ako na ginawa ko ito kasama si Soojin. 

PAUBAYAWhere stories live. Discover now