kabanata-34

4.7K 281 225
                                    


JANE POV:

"Im r-really s-sorry if i h-have to do this m-mahal ko" nanatiling nakapikit parin ako kahit gustong gusto ko ng sumabog dahil ang sakit sakit ng damdamin ko, ayaw kong imulat ang mga mata ko. ayaw kong makita sya na umiiyak habang nag papaalam saakin.

Ito ba ang dahilan bakit ganong sakit nalang ang nararamdaman ko kagabe? At nung mga nakaraan habang kasama ko sya? Ito ba ang dahilan bakit ko sya laging nahuhuli na tulala at umiiyak?

"I love you mahal ko" naramdaman ko ang pag lapat ng labi nya sa noo ko sunod sa labi ko
Hanggang sa narinig ko na syang nag lakad palayo at sunod ko naring narinig ang pag bukas at sara ng pinto
At doon narin nag si unahang bumuhos ang luha ko

Parang sasabog ang puso ko sa loob ng dibdib ko sa sobrang sakit.

Jea bakit ganito? Open na open naman ako sayo about sa anak mo sinabihan kita na kung gusto mo silang piliin, piliin mo sila pero sabihin mo naman saakin
Hindi yung ililihim mo saakin ang lahat. Hindi sa ganitong paraan jea.

Umupo ako at kinulong ang mukha ko sa mga palad ko
Ang sakit sakit. Gusto ko syang habulin at kausapin pero natatakot ako na baka iwan nya parin ako,
Buo na ang desisyon nyang iwan ako
At ayaw ko ng sirain pa yun

Bumaba ako ng kama at umupo ako sa gilid para doon mag patuloy sa pag iyak. Napuno ng iyak ang buong madilim na kwarto

Hindi ko na mabilang kung ilang sakit na ang binigay nya saakin. Hindi ko na mabilang kung nakailang iyak na ako dahil sakanya
Palagi nalang ganito. Ang hilig nyang mag lihim kung hindi ko pa sya nahuli hindi ko pa malalaman na aalis sya ng walang pasabi, kung hindi pa ako nagising sa mga haplos nya sa mukha ko hindi ko pa malalaman na iiwanan nya ako
At pipiliin sya si dylan

Pinatong ko ang ulo ko sa tuhod ko habang nakakulong ang mukha ko sa palad ko

Narinig ko na bumukas ang pinto at kasunod nun ang pag bukas ng ilaw. hindi na ako nag aksaya pang tignan ito. Hindi ko sya kayang tignan pa hindi ko kaya dahil baka lumuhod lang ako sa harapan nya para makiusap na wag nya akong iiwan tapos sa huli aalis parin sya.

Narinig ko ang takong nito palapit sa pwesto ko pero hindi ko parin sya nililingon

"i-i l-left s-something" rinig kong sabi nito pero hindi ko parin sya nililingon at tahimik lang akong umiiyak
Halata rin ang pagka garalgal sa boses nya "i d-didn't k-know that y-your a-awake" dugtong pa nya

"K-kunin mo na a-ang g-gusto mo at u-umalis k-ka na." Umiiyak na sabi ko dito "w-wag mo n-na a-akong kausapin, I-iwan mo n-nalang ako. D-dyan ka n-naman m-magaling." hirap na hirap sa pag sasalita na dugtong ko pa, pinalo palo ko ang dibdib ko dahil ang sakit sakit ng nararamdaman ko.

Sunod kong naramdaman ang pag yakap nya ng mahigpit saakin, kaya mas lalong lumakas ang pag iyak ko kagaya ng sakanya. Bumalot sa buong kwarto ang iyak naming dalawa

"J-jane im s-sorry" umiiyak na sabi nito inangat ko ang ulo ko pero hindi ko sya nilingon tulala lang ako sa bintana ng kwarto pinunas ko ang luha ko at huminga ng malalim para pigilan ang pag iyak ko

"Hindi mo kailangan humingi ng sorry sa bagay na gusto mong gawin jea." Seryosong sabi ko sakanya

"A-ayaw ko n-namang gawin to b-but i d-dont have a c-choice jane. I c-cant lose dylan"

"Naiintindihan kita jea. Pero sana nag paalam ka ng maayos saakin" nag umpisa nanamang tumulo ang luha ko "k-kung hindi pa ako n-nagising h-hindi ko pa m-malalalaman n-na aalis ka? A-akala ko ba nag u-usap na tayo? Sinabihan na kita diba? Na mag p-pakatotoo ka saakin jea. Okey lang na umalis ka. Okey lang na isakripisyo mo ako. pero sabihin mo saakin para mag kausap tayo ng maayos jea"

"Im sorr-"

"U-umalis k-ka na jea."muli kong kinulong ang mukha ko sa palad ko
" tinatapos ko na ang kung anong meron tayo ngayon jea" yun nalang ang nasabi ko sakanya bago ako pwersahang lumayo mula sa pagkakayakap nya saka tumayo.
Narinig ko na mas lumakas ang iyak nya pero hindi ko na ito pinansin. mabilis akong pumasok sa banyo at nilock ang pinto

Umiiyak na sumandal ako sa pinto at doon tahimik na umiyak
Maya maya nakarinig ako ng katok

"Please open the door for the last time jane" rinig kong sabi nito sa labas kumatok itong muli pinunas ko ang luha ko bago tumayo

Binuksan ko ang pinto para sa huling request nya, puno ng luha ang mukha nya lumapit ito saakin at niyakap ako ng mahigpit ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya saakin dahil sa yakap na yun
Kusa ko naring pinulupot ang braso ko sa bewang nya at niyakap din sya ng mahigpit at doon nanaman nag unahan ang luho ko sa pag landas pinuno ng iyak namin ang buong banyo halos 10 minutes kaming mag kayakap walang salita na labas sa bibig namin dinamdam lang namin ang pag mamahal ng bawat isa tinapik ko ito ng mahina sa bewang nya kaya bumitaw na kami sa isat isa
Lumayo ito saakin at sunod kong naramdaman ang mga labi nya sa labi ko agad kong tinugon ang halik na binibigay nya saakin
Puno ng pagmamahal ang halik na pinag saluhan namin wala kang mababakas na pag kasabik
After 3 minutes ako na ang kusang pumutol sa halikan namin
Hinawakan ko ito sa mukha

"Just go jea" pilit ang ngiti na sabi ko sakanya tinitigan ako nito sa mga mata at sa buong mukha

"Always take care mahal ko" ngumiti ito saakin umiiyak na tumango ako sakanya

"Ikaw rin jea, always be happy jea ko"
Muli ako nitong niyakap ng mahigpit bago sya lumayo saakin

Isang halik rin sa noo ang binigay nya saakin bago sya humakbang paatras saka tuluyan ng tumalikod
Sumunod na rin ako sakanya palabas may kinuha ito sa center table.
Yun yung kwentas na binigay ko sakanya noong nasa yacht kami for scuba diving. sakto nga lang dahil may binigay din syang kwentas sakin kahapon

Binili ko pa yun sa night market nung hinanap ko sya nung nag lasing sya
Mumurahin lang yun wala pang 1k yun at masaya ako na kahit mumurahin pinapahalagahan nya. Binalikan nya pa talaga.

Pag kakuha nya nun muli syang lumingon saakin at ngumiti at masasabi kong hindi na talaga umabot sa mga mata nya

"Susunduin ka ni dave jane"

Umupo ako sa kama at pinag masdan syang lumabas hanggang sa sumara ang pinto agad kong pinilig ang ulo ko dahil parang gusto nanaman lumabas ng mga luha ko tumayo ako, binuksan ko ng konte ang pinto para silipin ko sya. Nakapikit ito habang nakatingala maya maya huminga ito ng malalim bago tuluyang lumabas ng suite

At doon nanaman ako nakaramdam ng matinding panghihina hanggang sa tuluyan nanaman akong naiyak

Jea ko.

•••••

A/N: Kaya ayaw ko pa sana mag update e kasi ayaw kong makadamay ng sakit Naming tatlo huhuhu

"SHE'S TOO FAR AWAY"Where stories live. Discover now