kabanata-19

6.6K 371 367
                                    


JANE POV:

"Pwede ba wag mo akong hahalikan nakakadiri ka" sabi ko dito bago ako nag talukbong ng kumot pano ba naman pag kagising nya ginising nya rin ako sa mga halik nya sa pisngi ko at inasar ako na bakit daw kami mag katabi

"Nakakadiri?"
Hindi na ba nya naalala na nakipag make out sya doon sa lalake sa bar kagabe?

"Oo, pag katapos mong makipag make out doon sa lalake sa bar hahalik halikan mo ako? Nakakadiri ka talaga umalis ka nga dito mag toothbrush ka muna" tinulak ko ang mukha nito na nakasilip sa kumot na nakatalukbong saakin

Dahil sa sinabi ko mabilis itong tumakbo papuntang cr at sunod kong narinig ang pag duwal nya. Wala sa sariling napangiti ako

Pinikit ko nalang ulit ang mata ko dahil antok na antok pa ako, buti nalang sabado ngayon at wala akong pasok sa opisina napuyat ako dahil sakanya ang daldal kasi pag naka inom kung ano anong pinag sasabi. Pati mga hinanakit nya saakin dahil sa pag papaligaw ko kay dave naungkat

Tinanggal nya ang kumot ko at maya maya lang sakop na nya ang labi ko.
Agad kong binaling ang ulo ko sa kabila

"Jea ano ba ang aga-aga " saway ko sakanya naka pout na lumingon ito saakin

"Nag toothbrush na ako sabi mo mag toothbrush muna ako" muli ako nitong hinalikan sa labi, tangina talaga..
Sinusubukan nya ang karupokan ko
hinapit ko ito sa bewang at mabilis na pinag palit ang posisyon naming dalawa
Gigil na pinasok ko ang dila ko sa bibig nito naramdaman ko ang pag ngiti nito kaya lumayo ako sakanya

Tinitigan ko ito at napalunok ako dahil sa paraan ng pag kagat nya sa ibabang labi nya

"stick out your tongue" sabi ko dito pinatakan nya ako ng isang halik sa labi bago nya sinunod ang sinabi ko, nilabas nya ang dila nya kaya wala na akong sinayang na oras, sinubo ko ang dila nya at after ilang minuto nilayo ko ang labi ko sakanya at tinignan sya ng seryoso at ganon din sya saakin inangat ko ang kamay ko para ayusin ang buhok nya

Isang patak ng halik ang binigay ko sakanya bago ako sumubsob sa leeg nya naramdaman ko naman ang pag yakap nya saakin

I miss her

"Jea?" Mahinang tawag ko sakanya

"Yes mi amor?" Sagot nito sa mahinang tinig andyan nanaman sya sa mi amor nya, nung unang tawag nya sakin nyan malaki laking re-search pa ang ginawa ko para malaman ang salitang yun at sobra sobra akong kinilig nung nalaman ko ang ibig sabihin nun

"I want us to be real right now, please be my girlfriend jea"
Madamdaming sabi ko sakanya at mas lalo kong siniksik ang mukha ko sa leeg nya pumikit ako para pakiramdaman ang pag bilis ng tibok ng puso nya

Andami daming araw na ang nasayang para saaming dalawa at ngayon ayaw ko nang dagdagan pa iyon. Tama na ang pag papanggap
Nakakapagod ng mag panggap na hindi ako nasasaktan sa tuwing nasasaktan ko sya. nakakapagod ng mag panggap na parang wala lang sya saakin.

Maybe its time for us to be official.

Mahal na mahal ko si jea at hindi ko kakayanin kung mawawala pa sya saakin. Ngayong araw tutuldukan ko na ang pagiging duwag ko maybe its time for me to take the risk.

Natigil ako sa pag iisip ng marinig ko na humihikbi ito agad kong inangat ang ulo ko para tignan sya at nakita ko ito na tahimik na umiiyak pinunas ko ang luha nito sa gilid ng mata nya
At tinignan sya ng may buong pagmamahal

Hinalikan ko ito sa noo

"Bakit ka po umiiyak?" Tanong ko sakanya habang patuloy na pinupunasan ang hindi matigil na daloy ng luha nya

"SHE'S TOO FAR AWAY"Where stories live. Discover now