kabanata- 4

6.7K 323 35
                                    

JANE POV

"Can you please give me your resume mr.conti? Nandito ako para sa business, hindi para makinig sa mga kwento mo about useless thing! My ghad.." Napasuklay ito sa buhok nya gamit ang mga daliri. She look stressed. panong hindi sya ma sstress kung puro kasungitan ang pinapakita nya? Hindi sya makapag relax.
Wala na akong ibang ginawa dito sa tabi nya kung hindi mapakamot. Ang sungit sungit nya, dalawang client na ang nilayasan kami dahil sa kasungitan nya

At yung isa dun ay si mr.de guzman ang may ari nang mga resort at building dito sa palawan. Yun ang gustong-gustong makuha ni maam alexandra dahil plano nyang bilhin ang resort na sya ang may ari. Tapos ito pa? Pera na naging bato pa dahil sa sakanya. For sure mapapagalitan nya ako dito. Inaasahan nya ako na tutulugan ko ang anak nya pag may hindi ito alam.

Pano ko sya tutulugan kung sa tuwing mag sasalita ako pinapatigil nya ako dahil trabaho nya daw yun.

"Can you please lower your voice miss.salvador? hindi ako nag kukwento nang kung ano ano sayo. Lahat nang kinukwento ko sayo ay about sa business ko na hinahabol nyo, But it seems like your not interested anymore. Kayo ang nag hahabol saakin tapos ganito mo ako itrato?"tumayo na ito habang inaayos ang mga gamit nya "I think my business here is already done "
Ito na nga bang sinasabi ko. Tumayo ako para pigilan ito

"mr.conti maybe we can discuss this properly. please give us one more chance" tumigil ito sa balak na pag alis at hinarap ako

"Im sorry miss but i can't take this anymore. Pakisabi nalang kay mrs. salvador im sorry"
after nya yung sabihin nag lakad na ito palayo kasama mga body guard nya. Napabuga ako nang hangin. Ito ang araw na kauna unahang nangyari ito. Naiinis na inayos ko ang mga papeles sa table namin pagkatapos kong mapasok yun sa bag hinarap ko si maam jea na tahimik na nakatingin sa mga gamit na kakaayos ko palang.
Nalipat ang tingin nito sakin at pag katapos kinunutan ako ng noo.

"What?"

"Pwede po ba sa susunod makipag usap kayo nang maayos, Malaki pong tao si mr.conti at inaasahan po ng mama nyo na makukuha natin silang lahat" kahit naiinis magalang ko paring nasabi yun sakanya. Hindi ko na kasi mapigilan dahil for sure na ako ang mapapagalitan dito.
Napaatras ako ng bigla itong tumayo
At halata ang inis sa mukha

"Pinag sasabihan mo ba ako?" Galet ang tono nito, nakaramdam rin ako ng kaba pero hindi ako pwedeng manahimik nalang dito lalo na't kasama rin ang pangalan ko sa madadawit dito.

"Hindi naman po sa ganon-"

"Wala kang karapatan pag salitaan ako miss.de leon"

"Kasama po ako sa mapapagalitan maam kaya may karapatan po akong mag reklamo. Ang tagal tagal kong iningatan ang pangalan ko sa pag seserbisyo sainyo pero masisira lang sa unang araw na kasama ko kayo"
naiinis na sagot ko sakanya, hindi ko na matago ang inis ko ngayon wala na akong pakealam kung boss ko sya dahil alam ko na nasa tama ako.
Mas lalong bumakas ang inis sa mukha nya dahil sa huli kong sinabi

"How dare you na pag salitaan ako ng ganyan! Kilala mo ba ako?"
Oo kilala kita at nakakainis kang bwesit ka. Gusto ko yung sabihin sa harapan nya pero baka mas lalo lang syang magalet at sya pa ang maging dahilan para mawalan ako ng trabaho .

"Im sorry po" pag katapos ko yung sabihin kinuha ko na ang mga gamit ko at ang bag na nag lalaman ng papeles saka ko ito iniwanan mag isa doon, narinig ko pa ang mahihinang reklamo nito pero hindi ko na ito pinansin at tuloy tuloy lang na nag lakad pabalik sa building.

Pano na ba ito? Ano nalang sasabihin ko kay maam alexandra? Na palpak ang anak nya? At ang arte arte kasi neto kaya kami nilayasan nang mga client namin? Hindi naman pwedeng ganon. hayyss

Pag pasok ko sa hotel room ko papagsak akong nahiga sa kama. Hindi ko sya kinakaya, ang sakit sakit nya sa ulo kasama.

Bumangon ako para kunin ang tumutunog na phone sa bag ko
At agad akong nakaramdam nang kaba dahil sa pangalan ni maam alexandra na nag aappear sa screen nang phone ko
Napapikit muna ako bago ko ito sinagot

"Asan kayo? Bakit hindi ko ma contact si maxine?" Bungad nya saakin. Napakagat labi ako

"Nasa hotel po ako maam and si maam maxine po iniwanan ko po sa labas" magalang na sagot ko sakanya

"Why? Diba may meeting kayo?"
Nag lakad ako palabas nang hotel Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko,

"Kasi maam ano-"napapikit muna ako bago nag patuloy sa pag sasalita
" nilayasan po kami nang ka business meeting po namin ni maam maxine nagalet po sila saamin"

"What?" Malakas na sigaw nito sa kabilang linya, ito na nga bang sinasabi ko galet na galet na sya
"oh my god jane, alam mo kung gano ka importante ang business transaction nyo dyan and you still let this to happen? Ano nang gagawin natin ngayon? Can you please call maxine! I want to talk to her"
Pinunas ko ang luha na tumulo sa pisngi ko. Ito ang kauna unahang napagalitan nya ako

"Im sorry maa-"

"Mag usap tayo pag balik nyo" galet parin ang tono nito "puntahan mo si maxine sabihin mo kakausapin k-"

"Its my fault mom."

napa abante ako dahil sa gulat ko sa taong nag salita sa may bandang tenga ko kung saan naka pwesto ang phone ko
Kinuha nya ang phone ko sakin at sya na ang nag patuloy kausapin si maam alexandra. Nag lakad ito papuntang terrace at sinundan ko lang siya ng tingin

Pagkawala nya sa paningin ko napa sign of the cross ako.

holy.

Napahawak ako sa tenga ko na feeling ko ay sobrang pula at sunod sa pisngi ko at sinampal sampal ito ng mahina

Lumapit lang naman sya saakin at bumulong pero ganito na ang nararamdaman ko.
Hindi ako makapaniwala na may ganito syang epekto saakin

Makalipas ang ilan pang minuto bumalik na ito at binigay saakin ang cellphone ko.

"No need to worry naayos ko na sya kaya wag ka ng mag isip masyado dyan" tinitigan ako nito and maya maya ngumiti sya. Ngiti na nakakalaglag panty

Oh my god,
Tanginang mukha yan. ang ganda

•••••

Edit ko lang po yung iba saka ko sya ipupublish. Pasensya na kung medyo matagal busy po kasi masyado.

"SHE'S TOO FAR AWAY"Where stories live. Discover now