kabanata-13

6.3K 327 212
                                    


JANE POV:

Pag dating ng 10 lumabas na ako sa office ko at sakto rin kakalabas lang rin nya kasama si sir axel. Agad na nag tama ang mga namin pero ako narin ang unang nag iwas at nag lakad narin nauuna ako sakanila
Pero natigil rin ako dahil sa pag tawag nya sa apelyedo ko. Ano yun back to last name na kami? Porket kasama nya ang dating boyfriend nya?

"Dala mo ba lahat ng paper na kailangan ko?" Tanong nya

"Yes maam salvador" formal na sagot ko dito napansin ko ang pag lingon nito sakin

"Is that my coffee?" Tanong nya akma nya sanang kukunin ang kape pero nilayo ko ito sakanya.

"Hindi po" plain na sagot ko sakanya
Naramdaman ko na hinawakan ako nito sa braso pero agad kong binawi ang braso ko sakanya at mas binilisan ang pag lakad

Nakita ko si kuya janitor sa hallway at naisipan kong sakanya nalang ibigay ang kape

"Ay salamat po maam tamang tama hindi pa ako nag kakape ngayong umaga"

"Walang anuman kuya"
Tumango sakin si kuya bago tumabi sa isang gilid para inumin ang kape na binigay ko

" Tsk " rinig kong palatak ni maam jea
Hindi ko nalang ito pinansin hanggang sa makaabot kami sa board meeting

Parang badtrip pa itong umupo sa pinaka dulo ako naman naupo sa sofa kasama ng iba pang mga secretary ng mga board director na nandito para mag sulat ng mga importanteng pinag memeetingan nila

••

Natapos ang meeting na ngalay na ngalay ang mga braso, likod at kamay ko sa kakasulat idagdag mo pa ang nararamdaman ko na kanina pa nasasaktan kaming tatlo nalang naiwan dito

Pano ba naman kasi nag pakilala itong si sir axel sa board director as her boyfriend,

"Love mauna na ako susunduin ko pa si dylan for our family lunch"

"Go axel" parang wala sa hulog na sagot nito sa kasintahan habang inaayos ang mga gamit nya sa ibabaw ng mesa. Natigil naman ang isa sa pag ayos rin ng nga gamit nya at nilingon si maam jea

"I thought we already talk about this-"

"Sino ba nag sabi sayo na boyfriend kita? Please axel we are not. Pinakilala mo pa talaga ang sarili mo as my boyfriend" nagagalet na ito, hindi ko tuloy maiwasang mailang. Nandito ako habang nag aaway sila

"Bakit hindi mo ako pinigilan or binawi yung sinabi ko? As far as i remember we dont have an official breakup jea. Hinayaan kita dahil yun ang g-gusto mo noon kahit na handa naman akong panindigan at p-pakasalan ka" umiiyak na rin ito mabilis kong inayos ang mga papel ko
"Binigay ko sayo ang oras na hinihingi mo at wag mong isisisi sakin yung nangyari bakit nabuo si dylan dahil we both want it jea we are not drunk that night, i didn't force you"

"Stop axel."

"May usapan tayo noon jea. Sana wag mong e-break yung promise mo na once you fullfill your dreams you will comeback to me to give dylan a complete family. Or else hindi mo na makikita pa si dylan. Alam mo kung bakit jea.."
After nya yung sabihin nag lakad na ito paalis. Pag labas nya narinig ko ang mahihinang iyak ni jea kaya agad akong humarap dito
Nakakulong ang mukha nya sa mga palad nya

Nag aalalang nag lakad ako palapit saakanya at agad syang niyakap
Agad rin naman itong yumapos sa bewang ko

"Tahan na" pag papatahan ko dito hinaplos haplos ko ang buhok nito
Ano bang meaning nung usapan nila?
Hindi nya na makikita si dylan? Baka nakapangalan ang bata sa papa kaya siguro hindi ito kasama ni jea,

••

"I loved him so much before that I was able to give him my first, I always said that he is the one I want to be with but as the days and months passed, I think that I also want to achieve something and then mom and dad said that they want me to be like them, and that's what put pressure on me, they didn't know that I was pregnant at that time and I didn't want to disappoint them so I hide it from them until I gave birth. then I thought that I couldn't have a family yet that im not ready yet to have a family, so I talked to Axel about that and he said that it's okay to have the child with him first if I'm not ready yet. As I was still scared, I agreed to let him name the child after him and I promised him that when I'm okay, when I'm ready we can build our family so that Dylan can have a complete family, " ngumiti ito. Mas hinigpitan ko ang pag kakahawak ko sa kamay nya uminom ito sa alak na hawak nya
"There was even a time when I wanted to abort the child because I was so scared, but Axel told me not to because it was bad. Axel is a good person, but my feelings for him are not the same as before. I don't love him as much as I loved him before" but you still have the slightest feeling for him jea at pwede pa yang mag grow once na gumawa sya ng action
To win you back
Natawa ako sa naisip ko

"Gusto mo pa bang bigyan ng complete family si dylan?" Tanong ko sakanya

Tumingin ito saakin pero agad din nang iwas

"I dont know merong parte saakin na gusto ko dahil gusto ko syang makasama Pero meron ring parte na parang ayaw ko dahil feeling ko hindi na tama kung mag sasama kami ng daddy nya na wala ng pagmamahal mula sakin. I mean the child will be more affected if he always hears that we fight over incomprehensible things but i also scared na hindi ko na sya makita pa" muli itong uminom sa wine in can na hawak nya, tulala lang ako sa city light habang nakikinig sa kwento nya gusto kong maramdaman nya na nandito lang ako through up and down nya.
"Noong unang try ko mag aral ng law i used to live with them in one roof in newyork without my parents knowing pero doon ko rin nasabi sakanila ang about dylan pinakilala ko sya through videocall and natanggap naman sya nagalet nga lang nung una but they also accept it "
Napatingin ako sakanya ng marinig ko na umiiyak nanaman sya.
"Natatakot ako na baka mawala sya saakin jane" sinandal nya ang ulo nya sa balikat ko

"Then why dont you try to work it out? Malay mo may chance pa na bumalik ang feeling mo for him, sabi mo nga may feeling ka pa sakanya pero hindi na kagaya nung dati na pag mamahal mo sakanya"

Naramdaman ko ang pag yakap ng mga braso nya sa bewang ko
Hinaplos ko ang pisngi nya na nakapatong sa balikat ko

"Bakit ganyan ka?"
Tanong nya saakin, anong ganyan ka

"Ano?"

"Bakit nasasabi mo yan sa kabila ng pag papantasya mo saakin?" Mahina kong sinampal ang mukha nya
"Its so easy for you to say that sa kabila ng pag kakagusto mo saakin"
Yabang. hirap na hirap nga akong sabihin yun pinipilit ko lang maging matatag. Ayaw ko kasing matulad si dylan saamin ng mga kapatid ko na naiwan ng mga tatay namin dahil mas pinili nilang mag hiwalay

"Akala mo lang yun."

"Anong akala?" lumingon ito saakin kaya ngayon sobrang lapit na ng mukha nya saakin
Nagulat ako ng patakan ako nito ng smack na halik sa labi

"Tumigil ka nga, ang sabi ko subukan mong e work out yung sainyo kung gusto mong makasama ang anak mo hindi yung minamanyak mo nanaman ako" narinig ko itong tumawa

"Ayaw ko nga. May iba na akong gusto" agad na kumabog ang dibdib ko sa sinabi nito
Talanding puso na to o.

Humarap ako sakanya at isang patak nanaman ng halik ang binigay nya saakin

"Tumahimik ka na." Nakakagat labing sabi ko sakanya napatawa ito

"Yung satin ba ayaw mong e work out? Bakit pinag tutulakan mo ako sa iba? Ang lakas ng loob mong sabihan akong e try e work out yung samin kung gusto ko syang makasama e ikaw nga duwag din. Why dont you try to work it out kung gusto mo akong makasama de leon?"

Agad akong namula sa sinabi nito. So its means?
O the M to The G.... OMG

"Papayag ka ba?" Tanong ko sakanya. Agad akong nakatanggap ng kurot sakanya "aray" ungot ko

"I give my everything to you deleon" naiinis na bira nito saakin
Kaya natawa ako. Nainis ata sya dahil iniwanan nya ako pumasok na ito sa loob ng condo nya habang ako naiwanan sa terrace at walang pag sidlan ang saya

Omg.. So meaning pwede ko na syang ligawan?

•••••

"SHE'S TOO FAR AWAY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon