kabanata-21

5.8K 300 171
                                    

JANE POV:

"ihahatid na kita" tumingin ako sa taong nag salita sa tabi ko at nakita ko si dave na nakapamulsa ngumiti ako sakanya

"Hindi na dave tyaka may dadaanan din ako ngayon at medyo matatagalan ako" ngumiti ako

"Ah ganon ba? Sige jane mauna na ako " tumango ako dito kaya umalis na sya ako naman sumakay na sa bus na kakarating lang
Pag kaupo nakita ko na umalis na ang sasakyan ni dave na nakaparada sa tabi. Sinabi ko na sakanya na tumigil na sya sa panliligaw dahil hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sakanya buti hindi na sya namilit pa at pumayag naman agad.

Nakatulog ako sa bus at sakto lang sa bababaan ko nung magising ako
Antok na antok na lang ako araw araw

Naglakad nalang ako papuntang building ni jea dahil malapit narin naman, Pag pasok ko sa building sumakay na ako ng elevator papuntang 9th floor

Hawak hawak ko ang binili kong meryenda nya kanina habang nag hihintay ako ng sasakyan

Lasagna.. Gustong gusto nya kasi to
Kaya ito nalang binili ko for her medyo napaaga rin ang uwi ko ngayon at ang alam nya mamaya pa ang out ko kaya wala syang alam na papunta ako sakanya ngayon din

Pag dating ko sa harap ng pinto nya agad ko na iyong binuksan at nakangiting pumasok

"Hi lo-" natigil ako sa pag sasalita ng mapansin ko si sir and maam salvador sa loob kausap nito si jea
Inikot ko ang mata ko sa loob at may nakita pa akong dalawang tao na halos ka edaran lang rin ng mga magulang nito nandun din si sir axel at dylan na tulog ata sa bisig ni sir axel

Agad na napatayo si jea at tinignan ako ng makahulugan. Bakas din ang kaba sa mga mata nya

"Hija. I thought hindi ka na nag tatrabaho dito?" Agaw attention ni maam alexandra saakin nilipat ko ang tingin ko sakanya at ngumiti

"M-may pinabili lang po si je- maam jea at dinaan ko lang po " palusot ko

"Yeah mom" nalipat ang tingin ko kay jea ngumiti ito sa mga magulang nya bago nilipat ulit saakin ang mga tingin nya na may pag aalala

"Balik nalang po ako mag hintay nalang po ako sa labas, pasensya na lo sa istorbo" sinulyapan ko si jea ng isang beses. Bago ko isara ang pinto narinig ko pa ang binitawan na salita ni sir frank

"You need to decide jea umuwi na ang family ni axel para pag usapan ang about sainyong tatlo ni axel at dylan"

Tuluyan ko ng sinara ang pinto saka tahimik na nag lakad papunta sa dati kong office , ayaw ko mang isipin yung narinig ko pero hindi ko maiwasan. Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang ibig sabihin nun, pero umaasa parin ako na ako ang pipiliin ni jea yun ang sabi nya saakin nung mga nakaraan na kahit anong mangyari hindi nya ako iiwan
Kaya sobra sobra akong umaasa na ako parin ang pipiliin nyang makasama. Pero kahit ganon pa man hindi ko rin maiwasang matakot dahil pano kung sila nga ang piliin nya?
Hindi rin imposible yun kahit pa sabihing tanggap kami ni dylan

Ano ba to mababaliw na ako kakaisip dito. Huminga ako ng malalim bago pumikit hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako nagising lang ako dahil sa mahihinang pag haplos sa pisngi ko

Minulat ko ang mata ko at nakita ko si jea na nakangiti saakin ngumiti ako dito bago ko sya niyakap sa bewang

"Asan na sila?" Inaantok na tanong ko sakanya,

"Wala na sila umuwi na kakaalis lang, lets go to my office" hinila ako nito patayo kinuha nya ang paperbag na dala ko kanina saka kami mag kahawak kamay na nag lakad papasok sa office nito

"Anong pinag usapan nyo? I heard na magulang yun ni sir axel" pag open ko sa topic ayaw ko sana syang pangunahan pero hindi ko maiwasan
Seryoso kasi yung usapan nila pero as her partner siguro naman karapatan ko ring mangialam or malaman ang totoo sa pinag usapan nila

Napansin ko na natahimik ito pero kalaunan ngumiti rin at pinagpatuloy ang pag bukas sa tupper na nag lalaman ng lasagna

"Tinanong nila ako kung gusto kong buoin ang family with dylan and axel ofcourse i said no. i dont want since wala na nga akong nararamdaman kay axel at wala ng saysay pa kung mag sasama lang kami para kay dylan. ikaw ang gusto kong makasama jane"

mahabang lintanya nya ngumiti ako dito ang saya saya naman sa pakiramdam na malaman na gusto nya rin akong makasama.

"Anong sabi ng parent nya nung sinabi mo yun?" Tanong ko ulit, for sure na nagalet yun lalo na si sir axel

"Nagalet ofcourse dahil pinaasa ko lang daw ang anak nila sa mga pangako ko noon." sabi na nga ba tama ang hula ko

"Sila tito and tita nagalet ba?" Tanong ko ulit

"No, pinapapili lang nila ako ng mabuti, pag isipan ko daw. Pero gusto rin nilang mabuo ang pamilya for dylan pero desisyon ko na daw ang masusunod" ngumiti ito saakin kaya hindi ko rin maiwasang mapangiti
Lumapit ako dito at hinalikan sya sa noo "im so glad that they didn't force me this time "
Dugtong pa nito ,

"Ofcourse Magulang mo si-"

"I know ang ibig kong sabihin kasi is i grow up na sinusunod ang gusto nila saakin kaya nag taka ako na hindi nila ako finorce na makipag balikan kay axel para kay dylan," sabi nito
Nilapag nya ang wala pang bawas na lasagna sa table at tinitigan ako ng mabuti

Hinila ako nito

Palapit sakanya

"Ikaw lang ang gusto kong makasama mi amor" napangiti ako sa sinabi nito
Napapikit ako ng dahan dahan nyang ilapit ang labi nya saakin hanggang sa tuluyan na itong mag lapat agad rin naman akong tumugon sa binibigay nyang halik

"MAXINE"

agad akong natulak ni jea dahilan ng pagkalaglag ko sa sahig
"Aray" ungol ko

"M-mom."

•••

Iyak nanaman ang mga vading...

Umagang kay sakit..

"SHE'S TOO FAR AWAY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon