kabanata-14

6.4K 326 347
                                    

JANE POV:

1 month had past at nililigawan ko parin sya. Kailan nya ba ako sasagutin? Mauubos na pera ko kakabili ng bulaklak nya araw

Pakipot pa sya, palagi nya naman ako hinahalikan ayaw nya pa ako sagutin kainis. Mas maganda siguro kung hindi na ako mag papahalik sakanya para mapilitan na syang sagutin ako. Tama yun nalang ang gagawin ko, akala nya ah.

Kung mautak sya mas mautak ako.

"Jane, palagi kita nakikitang may dalang bulaklak araw araw. Ang swerte mo naman sa manliligaw mo" ngumiti lang ako kay ate rona. Ako po ang nanliligaw ate rona. Gusto ko sanang sabihin yun sakanya pero hindi pwede

"Hindi po, para may maam maxine po ito may nag papabigay sa labas." Palusot ko

"Ah" yun nalang ang nasagot nya kaya tumuloy na ako sa office ko para ilagay ang mga gamit ko saka ako muling lumabas para puntahan sya sa office nya pero wala ito doon pag pasok ko

Pumunta rin ako sa may banyo dahil baka nasa banyo lang sya pero wala naman kaingay ingay. Bumalik ako sa table para ilagay sana ang bulaklak sakanya pero napakunot ang noo ko nang may makita akong bulaklak sa flower base na nasa table nya. Dito nya palagi nilalagay ang bulaklak na bigay ko sakanya. Pero ngayon mukhang hindi dahil may nakalagay na doon at mukhang bagong bago pa ito. Mukhang kakalagay lang

Napakunot ang noo ko bago tumingin sa basurahan, kanino naman kaya ito galing nag lakad ako palapit sa basurahan at kinuha ang pinag lagyan nito pero wala itong pangalan kung kanino galing.

Bumalik nalang ako sa table para ilatag ang bulaklak ko doon, napansin ko ang isang card sa may di kalayuan kinuha ko yun at binasa ang pangalan

" thank you for your time last night, i really enjoy it. Cant wait to be with you again

-Axel james buenaventura"

Halos hindi ako makagalaw dahil sa letter na nabasa ko,
Natawa ako ng pagak sa nabasa ko.
So ito pala ang dahilan bakit hindi sya pumayag na mag date kami kagabe? Niyaya ko sya for dinner last night pero hindi sya pumayag dahil marami daw syang gagawin na papeles sa bahay nila. At ako biglang isang maintindihin na manliligaw hindi na ako nag pumilit pa dahil naiiintidahan ko sya. Tapos ngayon ito pala ang rason?
Bakit hindi nalang sya nag sabi ng totoo? Bakit kailangan nya pa mag sinungaling?

Nakakapagod na..

Kahit papano hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng galet sakanya.
Pinag lalaruan nya nalang ang nararamdaman ko. Bakit hindi pa sya
Mag sabi na wala talaga akong pag asa dahil bumabalik na ang nararamdaman nya sa ex nya.

Pinunas ko ang luha ko ng may marinig akong nag bukas ng pinto. Huminga ako ng maluwag

"Jane" malumanay na tawag nito saakin. Bakit ganito?

Binitawan ko ang card na hindi ko na namalayang na nagusot ko na dahil sa higpit ng pagkakakuyom ko dito

Pinunas ko muna ang luha ko bago ko sya nanghihinang hinarap
Bakas na bakas ang pag aalala sa mga mata nito. Ang galing, ang galing nyang mag panggap

"Im really sorr-"

"Sorry nanaman, palagi nalang jea, sa tuwing may ginagawa kang hindi ko nagugustuhan palagi nalang sorry. Bakit? Kasi alam mong sa isang sorry mo lang nakukuha mo na agad ang loob ko" ngayon hindi ko na naiwang hindi humagulhol sa harapan nya
" n-nakakapagod ka ng m-mahalin jea" pinunas ko ang luha ko
"Bakit kailangan mo pang mag sinungaling sakin?" Umiiyak na tanong ko sakanya lumapit ito saakin at hakmang hahawakan ako pero agad kong tinapik ang kamay nya.
"For once of your life jea... Please mag pakatotoo ka naman saakin." Inayos ko ang sarili ko at seryoso syang tinignan "stop playing with my feeling jea. Hindi ako laruan. Sabihin mo nalang saakin kung may aasahan pa ba ako"

"Jane alam mo naman na mangyayari to diba? Sa una palang alam mo na posibleng mangyari to"
Tangina.... Ngayon saakin pa nya isisisi? Kasalanan ko ba na naniwala ako sa mabulaklak na salita nya kinausap ko sya noon na ayusin nya ang pamilya nya pero sya itong ayaw

"Kinausap kita jea, alam mo yan.. mapaglaro ka lang talaga" naiinis na sabi ko sakanya

"J-jane-" napatingala ako dahil sa pag crack ng boses nya ito nanaman sya.
Kinalma ko ang sarili bago ko sya nilapitan pinunas ko ang luha na dumaloy sa pisngi nya

"Jea mahal na mahal kita alam mo yan.. Pero kasi hindi pwedeng ganito.
Ayusin mo ang sarili mo at balikan mo sila kung gusto mo silang makasama. Hindi kita pinupwersa saakin pero sana sabihin mo naman. Mag pakatotoo ka naman sakin.. Kasi hahayaan naman kita" pinunas ko ang luha na muling dumaloy sa pisngi nya

Wala na akong nagawa ng yakapin ako nito ng mahigpit sa batok ramdam na ramdam ko ang panginginig nya dahil sa pag iyak at ganon din ako sakanya

After ilang minuto kusa na akong bumitaw sa yakap nya.. Ayaw nya pa sana pero pinuwersa ko ng makawala sakanya

"Goodluck jea "
Hinalikan ko ito sa noo bago ako lumabas ng office nya..
Gusto ko man syang ilaban pero kung ganito matatalo parin ako, walang chance para saaming dalawa

Ito yung kinakatakutan kong mangyari noon pa man pero dahil sa pinapakita nya saakin nagawa kong kumapit sa nararamdaman ko para sakanya

Umasa ako na may chance dahil sa pinapakita nya saakin. Pero ano ito?
Lugmok na lugmok nanaman ako dahil sakanya

Pag dating ko sa office kinuha ko lahat ng gamit ko dahil hindi ko na kayang mag tagal pa dito kasama sya.
Baka bukas ipapasa ko na ang resignation letter ko
Para tuluyan na akong makawala sakanya

Ayaw ko mag paka masokista. Dahil kung mag s-stay pa ako dito mas mahihirapan lang ako sa pag recover
Mula sakanya

After kong makuha ang gamit ko lumabas na ako ng office, isang sulyap pa ang ginawa ko sa pinto ng office nya bago ako nag lakad umiwas pa ako sa cubicle ni ate rona para wag na syang mag usisa pa
Pag dating ko sa labas ng building napatingin ako sa kakaparada pa lang na sasakyan. At lumabas doon si sir axel na ang laki ng ngiti sa labi
May dala itong paper bag at naka coat din sya

Tinakip ko ang gamit ko sa mukha ko para hindi ako nito makilala at nang makalagpas na sya saka ko lang sya tinignan ulit papasok

Malayo layo pa ang nilakad ko para makarating sa sakayan
Pag tawid ko nakarinig ako ng malakas na busina at halos lumabas pa ang puso ko dahil sa sobrang kaba dahil muntikan na ako nitong mabangga kung hindi lang ito lumiko ng direction

"Hey miss" napatingin ako sa sa sumigaw ng pangalan ko sya yung lalakeng nag dadrive ng sasakyan

"Mag papasagasa ka ba?" Tanong nya habang naka silip sa nakababang salamin "kung mag papasagasa ka wag mo akong idadamay sayang ang gwapo kong mukha kung magagalusan lang"

Tsk. Hindi ko pinansin ang kayabangan nito. May naalala lang ako sa kayabangan nya
Ganyan din sya nung una pero anong nangyari? Sinaktan lang nya ako

Nag lakad na ako palayo

"Hey.. What the fvck ngayon lang may hindi pumansin sa kagwapohan ko ah" rinig kong bulong nito, kung hindi lang ako badtrip ngayong araw baka natawa pa ako sa kayabangan nya pero pasensya sya badtrip ako "sayang ang gwapo gwapo ko pa naman"

Sumakay na ako ng jeep
Pauwi sa bahay

•••••

"SHE'S TOO FAR AWAY"Where stories live. Discover now