kabanata- 5

6.9K 307 74
                                    

JANE POV:


"Im really sorry mr. Conti for my bad behavior the last time we talk
Its just-" kinunutan ko sya ng kilay nang tumingin ito saakin
"Medyo masama lang pakiramdam ko that time im really sorry for my bad behavior i didn't mean it"
napahinga ako ng maluwag nang sa wakas matapos nya ang mga salita na prinactice pa nya kanina.

Mabuti naman at sumunod sya saakin, humingi kasi ito nang tulong saakin kung paano pa nya makakausap si mr.conti, yun kasi ang promise nya sa mama nya na senermonan ata sya kahapon dahil sa ginawa nito sa mga ka business meeting namin.

Napakagat labi ako ng hindi umimik si mr.conti bagkos sumimsim lang ito nang coffee nya at muling pinag patuloy ang pag basa ng mga papeles.
Parang ayaw pa kami nitong kausapin Pero kalaunan tumingin din ito kay maam jea

"Ang mama mo ang gusto kong makausap miss salvador"
tumayo na ito at nag lakad palabas ng office nya, napabagsak balikat ako sa naging pahayag nito, we failed for the second time.
Tinignan ko si maam jea at bakas na bakas na ang pagkainis sa mukha nya

"Fucksh*t! That old man"

Galet nanaman sya, lumapit ako dito
At hinawakan sya sa braso na

"Okey lang po yan, ang importante pumayag na syang kausapin ulit ang mama nyo." mukhang gumaan naman ang loob nya dahil tumingin na ito saakin at medyo gumaan na rin ang aura ng mukha nya

Sabay kaming napatingin sa babaeng kakapasok lang and its mr.conti secretary

"Im sorry maam pero pinapa assist na po kayo sakin ni mr.conti palabas" tumingin ako kay maam jea hinawakan ko ito sa kamay at sabay na kaming lumabas ng office

"Salamat ate"
pasasalamat ko sa secretary. habang nag lalakad sa hallway hindi ko maiwasang mahiya sa mga tingin na binibigay samin ng mga empleyado.
Hala bakit sila samin nakatingin?

Tinignan ko si maam jea at parang wala lang itong pakealam sa mga mata na nakatingin saamin. Normal na siguro sakanya ang mga ganitong pangyayari, sa sobrang ganda ba naman nya sinong hindi titingin saamin?

"I think our hands are the reason why they looking at us"
dahil sa sinabi nya automatic na bumaba ang mga mata ko sa kamay namin at mabilis na napabitaw sa realization na mag kahawak kamay kaming dalawa.

Narinig ko ang mga mahihinang tawa nito na mas lalo pa atang ikina-init ng mukha ko.

Wala nang pag lagyan ang kahihiyan ko, hindi ko man lang napansin na mag kahawak kamay kaming dalawa habang nag lalakad. Baka kung ano pang isipin ng mga tao saamin

At sya alam naman pala nya na mag kahawak kamay kami pero hindi man lang sya bumitaw or nag sabi man lang? Isa din sya

Pag dating namin sa labas ng building rinig na rinig ko parin ang mahihinang tawa nito. Hindi parin sya tumitigil sa kakatawa nya. Enjoy na enjoy yarn?

"Bakit hindi nyo po sinabi?"
Tanong ko sakanya, inarapan ko pa ito ng palihim, tumingin ito saakin

"Tell what?" Nang aasar parin ang tono nito lumipat pa ito sa harap ko at tinitigan ako habang naka kagat labi.

Oh my god help me please.

"Yung about sa kamay natin." nahihiyang sagot ko sakanya lumayo ito saakin at napatakip ng bibig

"Ahh? Akala ko kasi gustong gusto mo, Ang higpit kasi ng hawak mo" nang aasar na sabi nanaman nito. Feeling ko mas lalong uminit ang pisngi ko sa sinabi nito

Tinulak ko ito ng mahina at nag lakad sa kakaparada palang na sasakyan. Hindi ko na sya makaya.

Bumaba ang driver ng sasakyan at binigay nya kay maam jea ang susi

"Drive safety maam"

Yun ang narinig kong sinabi ni kuya kay maam jea bago ko sinara ang pinto. maya maya pumasok na si maam jea sa driver seat tumingin sya saakin at nginitian ako

"Pulang pula ka" mapang asar nanaman na sabi nito

"Mainit po kasi sa labas" palusot ko. Baka kasi mas lalo nya lang akong asarin oras na malaman nya na may epekto sya saakin.

"Ang hot ba naman ng kasama mo natural maiinitan ka talaga." mayabang na sabi nito at nag smirk pa talaga na mas nakadagdag sa pagiging hot nya. tinignan ko ito nang hindi makapaniwala look.
Seryoso ba sya?

Hindi ko nalang sya pinansin at tumingin na sa labas ng bintana. Ayaw ko nang gatungan ang kayabangan nya baka kung saan na kami makaabot,

"I said wear your seatbelt, hindi ka nakikinig" labis ang pag pipigil ko na wag huminga sa sobrang lapit nito saakin ilang pulgada nalang ang layo namin sa isat-isa, kinukuha nito ang seatbelt sa kabilang side ko
Napalunok ako ng humarap ito saakin at ngumisi
"Kalma ka lang, hinga malalim"
Pinag lalaruan nya talaga ang pasensya ko.
Konteng konte nalang talaga.
Sunod kong narinig ang pag lock ng seatbelt isang titig pa ang ginawa nito sa labi ko bago ito lumayo

Pagkalayo nito napahinga ako ng malalim narinig ko pa ang mahinang tawa nito bago nag drive paalis.

Ang pasensya ko parang load ko, paubos na.

Nakakainis. Habang sya enjoy na enjoy sa pang tetease saakin ako hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nag simula ito sa lintik na holding hands na yun e. Ang tanga tanga ko kasi hindi ko napansin

Pinatong ko ang siko ko sa bintana ng sasakyan at hinilot hilot ang noo ko. Sumasakit ang ulo ko sa mga pinag gagawa nya, hindi ko sya makaya

Wag nya lang talaga ako maganon ganon pag ubos ang pasensya ko dahil papatulan ko talaga ang laro na gusto nya.

Obviously shes teasing me.

Pasimple akong Tumingin sakanya. Naka sunglasses na sya habang seryosong nag da-drive.

"Baka matunaw ako. Sayang ang ganda ko pa naman"

Natawa ako sa sinabi nito, Grabe ang hangin talaga para na akong liliparin palabas ng kotse nya.

"Baliw" mahinang bulong ko

"Baliw? Baka ikaw? Baliw na baliw saakin"

OH.... MY...GOD.....

this isn't you maam jea, Your better than this.

"Ewan ko sayo"

Hindi ko na ito kinausap pa. Hindi narin ako tumingin sakanya hanggang sa makarating kami sa hotel. Pag pasok namin sa hotel dumeretso na ako sa kwarto ko para makapag bihis at makapag linis.

Ano bang nakain nun at ganon nalang yun ka hyper?


•••••

Another one po. Baka later yung next UD ko. Medyo maganda ganda sched ko ngayon

"SHE'S TOO FAR AWAY"Where stories live. Discover now