xi . Kiss in the rain

Start from the beginning
                                    

"Camille!" hinila niya ang kamay ko at dahil sa dulas ng daan ay nadulas ako. 

Buti nalang ay nahawakan niya ako sa bewang at napadikit ako sa katawan niya. Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko.

Tumingala ako at tinignan siya sa mata. This guy is making me crazy.

"Stop staying away from me. Mapapagod ka lang" ngumisi siya at nakita ko na bumaba ang mata niya papunta sa labi ko. 

Isinara ko ang labi ko at kinagat ang ilalim ng labi ko. Kinakabahan ko na baka hindi ko gamitin ang utak ko kung ganito siya kalapit.

"Francis.. b-bitawan m-mo ako" nauutal kong sabi po lalo niyang nilapit ang mukha niya.

Lumayo ako pero dahil sa pagkakahawak niya sa bewang ko ay hindi ako makalayo. Sobrang basa na rin niya.. ang gwapo niya.. Camille! This is not the time to drool!

Napakagat ulit ako sa labi ko. Hindi parin umaalis doon ang tingin niya. Tinignan niya muli ako sa mata at halong emosyon ang nakikita ko doon.

"You're making me crazy, Camille. Please let me go insane" napanganga ako sa sinabi niya. 

Unti unti siyang lumapit at hindi ko alam ang gagawin ko. Naramdaman kong lumapat ang mga labi niya sa akin. Camille! Do something! Don't be so stupid! Gusto kong umalis pero ayaw sumunod ng katawan ko. Napapikit ako.. shit! Ano ang nararamdaman kong ito!

Ngayon ko lang ito naramdaman. Banayad ang bawat haplos ng labi niya sa akin. Hindi ko namalayan na sinagot ko na rin ang mga halik niya. napahawak ako sa kamay niyang nakapalibot sa akin.

Kahit anong pigil ko sa sarili ko ay walang epekto. Nagwawala na ang buong sistema ko dahil sa halik na ibinibigay niya sa akin. Nung nawawalan na kami ng hininga ay saka palang siya tumigil. Hinihingal kaming parehas. Nakahawak pa rin siya sa aking bewang.

"I like you.. I like you so much Camille. I like you too much" napasinghap ako sa sinabi niya. 

Lumunok ako at hindi ko alam ang sasabihin ko. Ngumisi lamang siya at hinawi ang ilang buhok na nakatabon sa aking mukha.

"I don't need you to answer right now. I'm contented that your body can't resist me." sagot niya at napalitang ng ngiti ang ngisi niya. 

Hinawakan niya ang kamay ko at sinakay sa kotse. Hindi parin ako nakahupa sa sinabi niya. Gusto niya ako? Gusto ako ng isang Francis Salazar?

Pinaandar niya ang kotse habang ang isang kamay ay may kinuha sa dashboard. Isa yung tshirt at ibinigay sa akin.

"Mag punas ka.. baka sipunin ka" tinanggap ko yun at nagpunas. 

Sobra sobra pa rin ang pagkalabog ng puso ko.

Tinignan ko siya at nakita kong basang basa parin siya. Inabot ko sakanya ang pamunas pero hindi niya yun kinukuha.

Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob pero ako na ang nagpunas sa ulo niya. Itinigil niya ang kotse at nakita kong nasa harapan na kami ng bahay ko.

Tinignan niya ako sa mata at ngumiti. Hindi ko rin mapigilan nag ngumiti. Ikinalas ko ang seatbelts ko. Baba rin sana siya pero hinawakan ko ang braso niya.. nakaramdam ako ng electricity.

"Wag ka na.. uwi ka na. Baka mag kasakit ka pa. Thank you" ngumiti ako sakanya. 

Ngayon lang.. kahit ngayon lang. Maramdaman kong malapit lang kami sa isa't isa, na pwede kami..

Kahit naman anong deny ko sa sarili ko, alam kong iba ang epekto niya sa akin. Dama ko mula sa puso ko hanggang sa buong sistema ko.

Bumaba ako at pumasok sa gate namin ng hindi siya nililingon. Napatingala ako at napangiti.

Pumasok ako ng bahay at nakita ako ni mommy at daddy. Gulat na gulat sila ng makita ako. Lumapit si mommy at nagpakuha ng twalya.

"What happened to you anak? Dapat talaga ay ipinadala ko na ang kotse" ngumiti lang ako. 

Gusto ko sana siyang yakapin dahil gusto kong mailabas ang kasiyahan ko pero basa ang damit ko.

Binigyan ako ng twalya at pinunasan ako ni mommy. Ibinalot niya sakin ang twalya at doon ko siya yinakap.

"Mommy.. ang saya saya ko. Thank you" nakita kong nakangiti si daddy sa amin. Yinakap din ako ni mommy.

"Sige po.. akyat na ako. Baba nalang po ako for dinner" tumango si mommy at umakyat na ako sa kwarto ko. 

Napatingin ako sa cellphone ko bago ako pumasok sa banyo.

'Damn baby.. I can't forget your sweet lips' napapikit ako nung nabasa ko yun. Francis.. you are really dangerous.

ReverseWhere stories live. Discover now