"Psh! Halika na nga" hinila ko siya paalis sa field at pumunta kami sa parking lot. "Get in" binuksan ko ang pinto at pumasok naman siya agad. Umikot ako papuntang driver seat at umupo doon. Pinahina ko din ang aircon dahil baka magkasakit kami.

"Kailangan nating bumalik dito"

"Yeah, I know. But first we need to change"

Pagkadating namin sa bahay, bumaba agad kami sa kotse at pumasok sa loob. Walang ibang tao dito bukod kay manang.

"Follow me" nanginginig siya tumango, tsk.

Dumeretso kami sa kwarto ko at binigyan ko siya ng damit at short. Nagtataka naman siya sakin.

"You need to wear that kundi magkakasakit ka" tumango siya at pumasok sa banyo, hinintay ko muna siyang matapos bago ako pumasok sa banyo.

Saglit lang ako naligo dahil sobrang lamig, nagbihis na din ako dito bago ako lumabas. Nakita ko naman siyang nagpapatuyo ng buhok. Tinignan ko ang suot niya at napangisi ako. Maluwang at malaki sa kaniya ang damit at ang short naman ay lagpas tuhod niya.

"Hindi ba pwedeng kay lilly na lang ako humiram ng damit?" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Maliliit ang damit ni lilly, kita mo namang hindi matangkad ang kapatid ko. Kung ganun ang susuotin mo baka lumabas na ang pusog mo" ngumuso siya at nagpatuloy sa pagpapatuyo. Kinuha ko sa kaniya ang towel at ako na ang gumawa. "Sabrina and I had a talk"

"Nakita ko nga"

"She's pregnant" natigilan siya sa sinabi ko, tumingin siya sakin kaya agad akong umiling. Kung ano-ano iniisip niya. "I'm not the father! Ayaw niyang sabihin kung sino ang ama kaya hindi ko na siya pinilit"

"May boyfriend ba siya?" Napa-isip ako. May pinakilala siyang lalaki sakin, eh. Ah! Oo! Si ace. Yung gagong yun kaya?

"I don't think so. Hindi na din kasi kami nakakapag-usap" hindi na niya ako inimik. "Gutom ka na ba?" Tumango siya. "Then, let's go eat downstairs"

Bumaba kami at dumeretso sa dinning table. Pina-upo ko siya at kumuha ako ng plato, kutsara at baso. Kumuha din ako ng kanin at ulam na adobo. Umupo ako sa tabi niya at nagsimula ng kumuha ng ulam.

"Ano yan?" Nagulat ako sa tanong niya. Gusto ko tuloy matawa sa kaniya. Hindi niya alam ang adobo? Saan ba ito nakatira noon?

"Adobo. Ang the best recipe sa buong pilipinas" kumuha siya at tinikman iyon, kita ko naman ang kinang sa mata niya.

"Ang sarap. Sino nagluto?"

"Niluto kanina ni mommy"

Halos siya ang nag-ubos sa pagkain, wala naman akong nagawa dahil natutuwa ako sa kaniya. Really this woman.

"Ah, sorry. Ako na naka-ubos" hiya niyang sabi ng maubos niya. Ngumiti ako at pinisil ang ilong niya.

"It's okay. Want more? Magpapaluto ako kay mommy bukas para ito ang pananghalian mo ulit"

"Gusto ko ngunit nakakahiya sa mommy mo"

"It's okay, esma. I will tell her later" ngumiti na lang siya sakin. "Basa yung mga gamit mo, diba?" Tumango siya.

"Papatuyuin ko na lang mamaya"

"Pinapatuyo ko na kay manang. Don't worry, ibibigay ko na lang sa iyo yun bukas"

"Salamat. Ahm, tara na? Baka malate pa tayo" tumango ako at nilagay sa lababo ang pinag-kainan namin. "Sa tingin ko hugasan ko muna yan"

"No. Your a guess---esma"

"Madali lang ito" nagsimula na siyang mag-hugas, napasandal na lang ako sa sink. "Ikaw, hindi ka marunong maghugas ng pinag-kainan mo"

"Andyan naman si manang, eh"

I Love To See Your EyesWhere stories live. Discover now