Chapter 2

357 12 0
                                    

Zuesma POV

"Pili ka lang ng pili diyan" turo ni ria sa mga damit, tumango naman ako. Tumingin ako sa credit card ko, buti na lang dala ko ito.

Kumuha ako ng mga kakailanganin kong gamit, hindi ko alam kung hanggang kailan ako rito. Lumapit sakin si ria na may dala-dalang mga sapatos, nilagay niya yun sa pushcart. Napapa-iling na lamang ako.

"So, saan mo balak mag-aral? Sa tingin ko mapapatagal pa ang balik mo sa italy"

"Saan ka ba nag-aaral?" Dito ko na lang siguro itutuloy ang college total graduating na rin naman na ako.

"Sa Miz University, doon mo rin ba gustong mag-aral?" Tumango na lamang ako, wala akong alam na ibang eskwelahan dito. "Kung ganun, eenroll na agad kita mamaya" ngumiti na lamang ako, pumunta na kami sa casher para makapag-bayad na.

Agad kong inabot ang credit card ko sa casher ng ibibigay na dapat ni ria ang kaniya.

"Inunahan mo pa ako, ah" natawa na lamang ako sa kaniya.

Pagkatapos naming mag-bayad, kinuha na namin ang pinamili namin at lumabas na kami sa boutique shop. Pumunta kami sa national book store para bumili ng gamit kong pang-eskwela.

"Alam mo, hindi pa din ako makapaniwala" saad niya habang naglalagay ng ballpen sa basket.

"Huh? Saan naman?"

"Dito. Hindi ako makapaniwala na, makakasama ulit kita"

"Same with me"

Naglagay ako ng notebook sa basket at namili ng bag pack, siguro yung katamtaman lang para hindi masyadong malaki at hindi masyadong maliit.

"Tapos ka na ba?" Tumango ako kaya nagbayad na kami sa casher.

Habang naglalakad kami ni ria dito sa mall, nadaanan namin ang mga bilihan ng cellphone. Huminto ako dahil kailangan kong bumili, nabasa kasi yung cellphone ko kaya hindi na gumagana. Maraming magagandang cellphone pero mahal kaya yung mura na lang ang binili ko, kailangan ko ding magtipid dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito.

"Wala ka na bang bibilhin?" Umiling ako sa sinabi niya, ngumiti naman siya sakin.

"Tara sa street food"

"Huh?"

"Masarap mga pagkain doon"

"A-Ah, okay. Tara na" hindi ko alam yun kaya sumunod na lamang ako sa kaniya.

Lumabas kami ng mall at naglakad pa ng ilang metro, natigil lang kami sa paglalakad ng makarating kami sa ihawan at sa mga fishball na nagtitinda. Alam ko ang tawag dito dahil minsan snacks namin ito tuwing uwian sa U.S.

"Pili ka lang ng gusto mo, treat ko" masayang sabi niya, hindi na ako pumalag dahil libre naman daw niya.

Kikiam ang pinili ko kaya sinabi niya sa nagtitinda na fifteen pesos na kikiam, nag-tanong pa siya kung ano pang gusto ko pero sabi ko ayos na ito. Isaw at dugo naman ang pinili niya, bumili din siya ng palamig naming dalawa.

Maraming tao dito sa street foodan, hindi ko sila masisisi dahil masarap naman talaga ang mga pagkain dito. Habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada kumakain kami, masarap talagang gawin ang mga ganitong bagay. Nakakabusog din kasi ang mga pagkaing ito.

"Sana maulit ito, noh" tumango ako, hindi ko alam na magugustuhan ko dito sa pilipinas. "E-enroll kita mamaya, para sa lunes pwede ka ng pumasok" Saturday pala ngayon kaya wala silang pasok. "Sure ka bang hindi ka hinahanap sa inyo?" Hindi na ako sumagot sa kaniya, hindi ko kasi alam ang isasagot. Napabuntong hininga naman siya. "Gusto mo bang makita ang mama mo?"

I Love To See Your EyesWhere stories live. Discover now