Chapter 5

233 6 0
                                    

Zuesma POV

"Hey, girls" napatingin kami sa likod at nakita namin sila halley. Ngumiti kami sa kanila.

"Himala at hindi niyo kasama ang dalawa" natawa naman ang dalawa dahil sa sinabi ni ria.

"Nandodoon sila sa room, may kinokopya" napatango kami sa sinabi ni halley. "Anyway, have you seen clarissa?" Sino naman yun?

"Baka nasa dean office pa nagre-report, alam niyo naman ang babaeng yun president council kaya masyadong busy" napa-isip ako sa sinabi ni ria, president council hindi kaya may impormasyon sa kaniya si charina?

"Ahm, may kukunin lang ako sa D.O" paalam ko, kumunot noo naman si ria. Ngumiti na lang ako at umalis na.

Dali-dali akong pumunta sa D.O. kailangan kong kausapin si clarissa, habang tumatakbo ako papuntang D.O may nabangga ako. Isang cute na babae.

"Ahm, sorry" tatakbo ulit sana ako ng pigilan niya ako, kumunot noo naman ako. "Hindi ko sinasadyang banggain ka---"

"Looking for something?" Hindi naman masamang mag-tanong, diba? Tatanungin ko na nga lang siya.

"Ahm, nakita mo ba si clarissa?"

"That's me. Why? Do you need anything to me?" Kaharap ko na pala ang taong hinahanap ko.

"Kilala mo ba si charina?"

"Ohh, that girl. Yes, why?"

"Alam mo ba kung saan siya noon nag-aaral?"

"Ow, miss. Walang nakaka-alam, basta na lamang siyang pumasok dito sa university" kung ganun, kailangan kong bantayan ang bawat kilos ni charina. "Why? Do you know her?"

"Slight. Ahm, by the way, I'm Esma De Sanchez"

"Good to know you, esma. Do you need anything more?"

"Kung may impormasyon na kayo kay charina, tawagan mo agad ako, ah" tumango naman siya sakin at ngumiti.

"Ow, mag-kasama na naman sila" napatingin ako sa tinitignan niya, si sabrina at drick na nag-aaral sa kalesa set. Napa-tungo na lamang ako. "Sa tingin mo, kailan siya liligawan ni drick?"

"Kung malalim ang pagka-gusto ni drick kay sabrina, liligawan niya ito kahit walang kasiguraduhang sasagutin siya. Dahil kung gusto o mahal mo talaga ang isang tao, hindi ka maduduwag na aminin ang nararamdaman mo. Mas magandang malaman mo ang kinalalabasan ng sasabihin niya kesa kinikimkim mo ito, malay mo hinihintay ka lang niya pero dahil sa sobrang bagal mo baka mapagod siya kakahintay at baka maunahan ka ng iba"

"Halatang may pinag-huhugutan ka"

"Ikaw, clarissa. Nasubukan mo na din bang umamin sa taong gusto mo?"

"Oo naman" mabilis akong tumingin sa kaniya at mapait naman siyang napangiti sakin. "But he rejected on me, yun ang hirap kung bakit minsan naduduwag ang isang taong mag-confess ng nararamdaman nila dahil natatakot sila mareject"

"Nareject ka man, at least nalaman mo ang sagot niya. Ang taong sinabihan mo magiging aware sayo, pwedeng lalayuan ka niya dahil natatakot siyang mahalin ka pabalik o talagang kapatid o kaibigan lang ang turing niya sayo at kung pina-stay ka niya ibig sabihin nalilito na din siya sa nararamdaman niya o kaya ayaw ka lang niyang layuan dahil nasanay na siyang nandyan ka parati sa kaniya. Pinalayo ka ba niya----oh, bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ko, bigla na lang kasi siyang umiiyak.

"No, I'm fine. Na-touch lang ako sa sinabi mo"

"Akala ko naman kung ano na. Ahm, huwag na nating pag-usapan ang bagay na ito" sabay hawak sa balikat niya. "Tara, kumain muna tayo habang wala pang klase"

I Love To See Your EyesWhere stories live. Discover now