Chapter 20

198 2 0
                                    

Drick POV

Maaga kong sinundo si esma dahil excited na ako sa first date namin. Pumunta kami sa mall tulad ng plano ko, sinabi ko sa kaniya na manood kami sa cine kaya doon kami unang nag-tungo. Bumili ako ng tickets at popcorn, may kasama na din itong drinks.

Pumasok kami sa loob ng cine at konti pa lang ang tao. Mamaya pa kasi magsisimula ang palabas. Umupo kami ni esma sa gitna para maganda ang pwesto.

"Ayos lang talaga sayo?" Tanong niya sakin, action kasi ang pinili niya kaya akala niya hindi ko gusto iyon. Tumango ako at kumain ng popcorn. "Ayos lang naman kung aalis tayo"

"No, esma. I love action too" hindi na siya sumagot sakin.

Nagsimula na ang panood kaya nagfocus na kami dito. Napapatingin ako sa kaniya sa tuwing naamaze siya sa bida, ngumiti ako ng tumingin siya sakin.

"Hindi ako ang panood, drick" tumaas ang kilay ko at sumandal.

"But I want to watch you"

"Sige, sa susunod mag-aartista ako" natawa ako sa sinabi niya.

"You want to be a artist?"

"I want to be a doctor" napatango ako. Sabagay, yun ang kinuha naming kurso.

"Akala ko, magiging pasyente kita" ngumuso siya kaya napangisi ako.

"Kung sakaling magiging pasyente ako. Ikaw ba ang magiging doctor ko?"

"Of course. Ako lang ang pwedeng gumamot sayo" napangiti siya ng palihim kaya tumingin na lang ako sa panood. Inakbayan ko siya kaya naramdaman kong natigilan siya.

Pagkatapos ng panood niyaya ko siya sa department store. Nagtataka pa siya kung bakit kami naroon. Kinuha ko ang red dress at tinapat iyon sa kaniya.

"B-Bakit yan?" Gulat niyang tanong, ngumiti ako at inabot yun sa kaniya.

"I will buy that"

"Ah?"

"That's my gift for you" niyaya ko na siya sa counter at binayaran iyon.

Lumabas kami sa department store at pumasok kami sa jewelry. Pumili ako ng kwentas at ng may mahagip ang mata ko, tinuro ko iyon kaya kinuha ng sales lady iyon.

"This is our newest necklace, sir" sambit niya. Kulay silver iyon at may diamond sa puso. Napaka-simple pero maganda.

"I will buy that" tumango siya at nilagay sa box iyon. Inabot ko ang card ko kaya nagsimula na siyang magkulikot sa computer.

"Why are you doing this?" Nagtatakang tanong ni esma, ngumiti ako at humarap sa kaniya.

"Because, I like you" napalunok siya kaya ngumisi ako. Kinuha ko na ang box at card ko sa cashier at hinila ko na si esma palabas ng jewelry.

Huminto kami sa gilid at nilabas ko ang kwentas sa box.

"Turn around" sumunod naman siya sakin, nilagay ko sa leeg niya ang kwentas kaya napangiti ako. "Turn around again" mas lalo akong napangiti ng makita kong bagay sa kaniya. "I can't wait to see you wearing that" turo ko sa shopping bag.

"Thanks for your gift"

"Your welcome. Anyway, nagugutom ka na ba? Let's eat to the restaurant" hinila ko na naman siya papunta sa resto. Resto ito nila dase.

Umupo kami sa pangdalawahang upuan, may lumapit naman saming crew at binigyan kami ng menu. Hmm, mukhang masarap ang seafood nila. Sinabi ko sa crew na bigyan kami ng the best dishes nila at sinabi naman ni esma na desert ang order niya. Umalis na ang crew at sabi na maghintay kami ng 10 minutes.

I Love To See Your EyesWhere stories live. Discover now