Chapter 16

154 1 0
                                    

Lezdrick POV

Nakatitig lang ako sa kaniya, napaka-ganda niya, I mean maganda naman talaga siya, mas lalo lang siyang gumanda ngayong gabi.

Hindi ko alam kung bakit biglang nag-slow motion ang lahat kanina ng papalapit siya sakin, wala akong ibang nakikita kundi siya lang at wala akong ibang naririnig kundi ang mabilis na pag-tibok ng puso ko lang.

Tumingin ako sa suot niya at napakunot noo ako, bakit strap ang manggas na suot niya? Hindi niya ba alam na nakaka-agaw pansin ang kaputian niya? Kita din medyo ang dibdib niya, what is that dress?! Fuck, what am I feeling this way?!

Wala naman dapat akong paki kung anong suot niya, pero bakit naiinis ako?!

"Tutulo na laway mo, bro" bulong sakin ni louie, sinamaan ko naman ito ng tingin.

Tumingin ako sa suot ni sabrina, tube gown ito at halata masyado ang dibdib niya pero bakit hindi ako naiinis sa suot niya? Samantalang si esma---argh! Ohhhh, drick calm down!

Hindi manlang ba niya naisip na baka may mang-bastos sa kaniya? This lady is fucking insane!

"Waahhh, your so gorgeous, girl!" Tumayo si clarissa, denise at amber para puriin lalo si esma.

"Yeah, nice dress" tuwang sabi ni louie sabay siko sakin.

"Your so beautiful tonight" puri din nila dase, napabuga na lamang ako ng hangin.

"Right, bro?" Sabay akbay sakin ni louie kaya napatingin sila sakin.

"What?!"

"She's beautiful, right?" Nguso niya kay esma, napa-irap naman ako kay louie.

"Y-Yeah, she's beautiful" kita ko kung paano mamula ang pisngi ni esma, naghahallucinate lang atah ako dahil bakit naman siya magba-blush sa sinabi ko?

"That's my soon to be sister in law!" Bulong sakin ni louie, huminga na lamang ako ng malalim.

"Tsk. Panira talaga siya lagi" bulong ni sabrina pero narinig ko, hindi ko na siya pinansin dahil baka mag-away na naman kami.

Umupo na sila esma at kumain na rin, naging maingay lalo ang table namin dahil sa kanila. Kumuha ako ng carbonara at nilagay yun sa plato ni sabrina.

"Your so sweet talaga" sabi sakin ni sabrina sabay hawak sa braso ko.

"You want more?"

"That's enough, I think?" Tumango na lang ako at kumain na ulit.

Tumingin ako kay esma at nahuli ko siyang nakatitig sakin, mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin kaya napangisi ako. Inakbayan ko si sabrina kaya ngumiti sakin si sabrina kaya ngumiti din ako, nagpanggap akong hindi ko napapansin si esma.

"So, esma. Saan mo balak magtrabaho? U.S? HONGKONG?" sabi ni clarissa, napatingin naman kami kay esma ng mapalunok ito.

"Ahm, hindi ko alam. Hindi ko nga alam kung maaabutan ko pa ang graduation dito, may hinahanap lang kasi ako kaya pansamantala akong nag-transfer dito"

"What? What if, mahanap mo na siya bigla? Aalis ka na ba agad?" Gulat na tanong ni lilly, napakunot noo naman ako at sa hindi mai-paliwanag na dahilan kinakabahan ako sa posibilidad niyang sasabihin.

"Siguro? Hindi naman kasi talaga permanenteng andito ako, tulad nga ng sabi ko may hinahanap ako kaya ako nandito"

"It's sad to hear that" sabay punas pa ng kunwaring luha ni sabrina.

"Hey girl, where is your country ba? Maybe, we can visit you if we have a free time" tanong ni amber dito.

"Malayo amber, kaya huwag mo ng tanungin" sagot ni ria, napakunot lalo ang noo ko ng marinig ko yun. What?! Bakit hindi niya sabihin? Kahit saang lukalop pa ng mundo si esma, hahanapin ko pa rin siya.

I Love To See Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon