Chapter 1

956 19 2
                                    

Lezdrick POV

"Hey, drick" napatingin ako sa nag-tawag sakin at nakita ko ang tatlo, ngumiti ako at nakipag-fist bump sa kanila.

"Watsup, kanina ka pa namin hinahanap at dito ka lang pala namin makikita" sabi ni dase.

"Well, nagpapahangin lang ako. You know last few days we're to much busy for doing that report" napatango naman sila sakin, mas maganda kasing magpa-hangin dito sa park dahil wala masyadong tao unless doon sa university na napaka-daming tao at ang ingay pa.

"Yeah. But I think it is better if we go to the resort" suggest ni kevin, tumingin ako kay clyde. Siya ang pinaka-tahimik samin pero siya ang mas pinaka-matinik sa babae.

"What do you think?" Tanong ko sa dalawa.

"Yeah, we better go there. I need fresh air too" sagot ni dase habang si clyde naman ay tumango.

"Okay, let's go then" sumakay na ako sa sasakyan ko, sa resort na lang nila kevin para mas malapit, isang oras lang kasi ang byahe papunta doon hindi tulad samin na malalayo pa ang mga resort.

Nakasunod na sakin ang tatlo, lagi naman naming ginagawa ito kaya alam na namin ang daan kahit sino pa ang mauna samin ang papunta doon. Minsan nga tuwing hindi kami busy tumatambay kami doon, bukod sa tahimik ang paligid napaka-ganda pa ng tanawin. Private resort ang resort nila kevin kaya maganda talagang tumambay doon.

Nang makarating kami, bumaba agad ako sa kotse ko ganun din naman ang tatlo na feeling pa-cool, tsk mas cool kaya ako. Dumeretso kami sa mansion nila kevin, mga maid lang ang andidito dahil nasa ibang bansa ang mga magulang ni kevin.

Pagka-pasok namin, bumungad agad si manang lole ang laki ng ngiti niya ng makita kami. May pagka-matanda na din si manang pero kahit ganun napaka-lakas niya pa din, close din namin si manang dahil para na namin siyang pangalawang nanay dahil simula pagka-bata kasama na namin siya.

"Mga hijo mabuti at napadalaw ulit kayo dito. Ayy, ipagha-handa ko kayo ng meryenda. Magsi-upo muna kayo alam kong napagod kayo sa byahe" masayang bungad niya, napangiti naman kami.

"Thank you manang"

"Kayo talaga, o sige na. Maiwan ko muna kayo dito" naglakad na siya papuntang kusina kaya naiwan kaming apat dito.

"I'm going outside, who come with me?" Tumingin naman sila sakin.

"Nah, just go, I fine here" sagot ni kevin, tumingin ako sa dalawa at tumango naman sila.

"Okay, kung gusto niyong sumunod nasa tabing dagat lang ako" tumango naman sila kaya naglakad na ako papuntang labas, bumungad naman sakin ang sariwang hangin. Kaya ang gandang tumambay dito, eh.

Pumunta ako sa tabing dagat dahil mas maganda ang view dito, kulay asul ang dagat at berde. Sinuot ko din ang shades ko para mas magmukha akong napaka-gwapo. Naks, kaya maraming naghahabol saking babae dahil ang gwapo-gwapo ko.

Zuesma POV

Kakarating ko pa lang sa pilipinas, sila na agad ang bumungad sakin sa airport, inaasahan ko na talaga ito. Kinuha ko ang baril ko sa pocket bag, what a nice welcome, tsk. Maraming sumusugod na kalaban kaya maingat akong nagtatago at nakikipag-putukan din ng baril. Aba, akala ba nila papalampasin ko ito? Tanga na lang ang taong ganun.

Nagkalat ang mga kasamahan ko at sumugod din sa mga kalaban, napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong mag-ring. Wala akong oras para sagutin ang tawag, mas maganda pang makipag-patayan dito kesa sa taong tumatawag, tsk.

Nagkaka-gulo na din dito sa airport dahil sa amin, may nakita akong magshota na halos ayaw maghiwalay sa halik kahit na nagbabarilan na kami dito, ano ba yan! Hindi na lang sila pumunta sa kwarto, sabagal pa ang mga ito at bakit dito pa nila naisipang maglandian.

I Love To See Your EyesWhere stories live. Discover now