"Okay!" sagot ni Zia at inubos ang kape para makapagbihis na. "Si Ma'am Monica, paano siya nakauwi kagabi?"

"Hinatid siya ni Marvin," sagot ni Reon. Pagkasara niya ng pinto, sinensyasan na niya si Marvin na magmaneho para ihatid si Monica saka bumalik siya para kunin si Zia.

"Hindi ko akalaing pamangkin mo ho pala si Jeric."

"Parehong mother side kaya mahirapan ka nang i-trace," wika ni Reon na salubong ang kilay. "Magbihis ka na!"

"Oo na. Alam ko naman hong ayaw mo akong makasama."

"Exactly," wala sa modong tugon ni Reon kaya nagbihis na si Zia. Nagpaalam siya pero ni hindi siya pinansin ni Reon kaya lumabas na siya at nagpahatid kay Marvin.

Pagdating sa bahay, inusisa siya nina Petra tungkol sa party pero wala siyang ganang sagutin ang mga ito.

"Saan ka natulog? Bakit ngayon ka lang?" parang nanay na tanong ni Petra.

"Sa tiyahin ko," pagsisinungaling niya. "Sinundo niya ako dahil gabi na. Buti at walang pasahero ang taxi ng asawa niya."

"Hmm? May gusto talaga si Jeric sa 'yo."

"Friends lang!" aniya saka nahiga. "Matulog ako, huwag ninyo akong istorbohin, please." Pagod talaga siya dahil kulang sa tulog at ang sakit ng buo niyang katawan lalo na ang bewang dahil sa pinaggagawa nila ni Reon kagabi.  Nagtalukbong siya saka sinikap na makatulog.









-----------------------








Kinabukasan, kakapasok pa lang niya pero mga nagbabagang mga mata na nina Trina ang nakasalubong niya kaya hindi na siya umimik sa isang tabi hanggang sa natapos ang first subject nila.

Papunta siya sa library para magbasa-basa muna nang hinarangan siya ni Jeric.

"Can we talk?" seryosong tanong ni Jeric na walang pakialam sa mga nakatingin sa kanila.

"Jeric, hindi—"

"Please, Zia!" mariing pakiusap ni Jeric kaya napatango ang dalaga at sumunod sa binata sa tree park. Malayo sa ibang estudyante sila pumwesto.

"Ano ang pag-uusapan natin at kailangan mo pa talaga akong kausapin kahit na nasa paligid lang natin ang mga kaklase natin!"

"Wala tayong tinatagong masama sa kanila kaya bakit tayo iiwas?"

"Ayaw ko ng issue, Jeric! Ano na ang pag-uusapan natin?"

"Anong mayroon sa inyo ni Tito Reon?"

Natigilan si Zia sa tanong ng kaibigan, hindi niya ito inaasahan.

"Be honest, Zia!"

"B—Boss ko siya," kabadong sagot ni  Zia at iniwas ang mga mata.

"I know. Aside from that, Zia?"

"J—Jeric, naguguluhan ako sa 'yo."

"Are you one of those, Zia?" tanong ng binata na hindi nilulubayan ang mga mukha ng kaharap.

"Hindi k—ko alam ang pinagsasabi mo!" sabi ni Zia na sinusubukang pakalmahin ang sarili niya dahil ang lakas ng pagtibok ng kanyang puso. Magsisinungaling ba siya? Eh mag tito ang dalawa.

"Please tell me na hindi ka isa sa kanila," ani Jeric. "Paniniwalaan kita."

"J—Jeric, hindi ko alam ang pinagsasabi mo."

"Ang iPhone mo, sa kanya ba galing?"

Natameme si Zia. Hindi siya marunong magsinungaling at nababasa iyon ni Jeric.

Un-tie (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon