"Ahh!" Napatigil kami sa pagkwekwentuhan nang biglang may sumigaw.


"Gabriel!" Sigaw ko at napatakbo doon nung nakita ko yung anak ko na muntikan malaglagan ng studio light stand pero buti nalang nahawakan agad nung isang staff na andun. Nanghingi naman ako ng sorry agad sakanya pagkatapos kong icheck kung okay lang yung anak ko. "Okay ka lang? Sorry po, sorry po."


"What happened? Did he get hurt?" Nag-aalalang tanong ni Thomas.


"He's just being Gab, ninong," sabi ni Aika kay Thomas.


Nakita kong nagmake-face si Gab sakanya kaya gumanti rin si Aika at nagmake-face din.


"Hay nako. Tumigil na kayong dalawa. Bakit ka ba andito, Gab? Asan si daddy or si yaya?" Tanong ko dahil alam ko kasama nitong pumunta dito sila Gino.


"Me and yaya left them in the car because I really need to pee."


"Eh asan si yaya?" Tanong ko at exaktong kakarating ni yaya na mukhang pagod na pagod.


"Andito ka lang pala," sabi ni yaya na hingal na hingal pa. Mukhang tinakbuhan at tinaguan nanaman ni Gab, hays.


"Tinakbuhan ka nanaman, ya?" Tamong ko pero hindi ako direktang sinagot ni yaya kahit obvious naman yung sagot. Tinignan ko ulit si Gab at pinalo ng mahina sa gilid. "Tsk. Bad yun ah! Paano kung mapahamak ka tapos hindi namin alam? Wag mo na uulitin yun. Understood?"


"Opo," Tumango naman siya habang nakayuko at nakapout.


Huminga ako ng malalim at niyakap na siya. "Buti nalang walang nangyaring masama sa Gabriel ko."


Apat na anak namin ni Gino at itong isang ito ang pinakamakulit at pasaway, manang mana sa tatay.


Musika Quinn or Aika is our oldest then sumunod sakanya ay yung 5 years old naming kambal na lalaki na sila Eugene Gabriel at Eugene Gerard. Then ang 3 years old naming bunso na si Quinn Natalia.


Pagkarating sa hotel ay nag-ayos na kami sa hotel room namin, may mga hairstylist na rin nakahanda doon sa kabilang kwarto. Parang manila hotel ang dating nitong hotel na ito, malaki at may pagkalumang style na may halong modern na rin.


"Hey, gorgeous."


Nabaling yung tingin ko sa pintuan ng kwarto namin dito sa hotel suite kung saan kakapasok lang ni Gino. Two rooms, one bath room and a family area yung suite.


Nilapitan ako ni Gino at hinalikan sa cheek sabay yakap saakin mula sa likod. Tumingin ulit ako sa harap at nakita yung repleksyon naming dalawa sa full length mirror. I'm wearing a gold bandage mermaid trumpet gown while he's wearing a blue suit and a gold necktie.


Malaki na rin ang pinagbago ng mga katawan at itsura namin, lalo na ako na nag-gain na talaga ng weight pero hindi ko na rin yun pinapansin dahil normal lang naman daw yun dahil nanay na ako tsaka hindi naman nakabawas yun sa ganda ko.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now