Chapter 3

431 39 195
                                    

"Go USTe! Go USTe! Go USTe! Go, go, go, go, go USTe! Go USTe! Go USTe! Go, go, go, go!"


"U-nibersidad ng Pilipinas! U-nibersidad ng Pilipinas! U-nibersidad ng Pilipinas!"


Hindi lang pala palakasan sa basketball itong napuntahan namin, kundi palakasan din sa chant!


Grabe haha, halos hindi na magkarinigan at magkaintindihan sa lakas ng sigaw ng dalawang university. Syempre, nakikisabay na rin kami doon. 


"WOH! Go USTe!" Sigaw ni Tyne na may patalon pa nung biglang nakashoot yung isa sa mga varsity namin, "OMG! Go, Gino!"


Natawa naman ako kay Tyne dahil hindi mo alam kung kanino talaga siya nakapanig, kaloka hahaha. Ang lakas pa ng cheer niya sa kabilang school, pinagtitinginan tuloy siya ng mga kaschoolmates namin.


"Tyne, nakakahiya ka." Bawal sakanya ni Gabby dahil tuloy pa rin siya sa pagcheer kay Gino na may hawak nanaman ng bola.


"Bakit ba?! Bebe ko yan noh! Go Gino!!!" Sigaw pa ni Tyne kaya hinayaan nalang namin siya tutal naman si Gino lang yung chinecheer niya sa kabila.


Hindi ko rin naman maiwasang mamahang sakanya dahil may ibubuga rin naman pala siya kahit na mukhang sakit sa ulo lang dala niya.
Kahit ata nakapikit siya ay nashoshoot niya pa rin yung bola, tsaka ang galing niya mag defense.


No wonder, maraming humahanga sakanya. Halimaw nga siya sa court.


But, at the end of the game, nanalo pa rin ang UST at mas lalong lumakas yung chant namin. Grabe, nakakapagod din palang magcheer, sakit sa lalamunan pero worth it!


"Gusto mo pa ba makita si Gino, Tyne?"


"Oo naman! Bakit?" Tanong ni Tyne habang nagaayos na siya ng gamit niya.


"Siya yung pinunta ko dito eh. Tara?"


Parehas naman kaming nagulat ni Tyne sa sinabi ni Gabby at dali-daling sumunod sakanya pero bago yun nagpapicture muna si Tyne sa mga varsity namin dahil may crush din siya doon. 


Bigla akong nakaramdam ng ihi kaya nagpaalam muna akong umihi sakanila at text text nalang kung nasan sila mamaya dahil mukhang madaling madali itong si Tyne na mameet si Gino.


Nung tapos na akong umihi at lumabas ng C.R. ay tinignan ko muna yung reflection ko sa salamin. Grabe hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay sa itsura ko.


I am wearing a simple oversized yellow and black striped t-shirt tucked in a pair of high waisted black pants partnered with a pair of black rubber shoes. 


Pagkatapos mag-ayos ay agad kong kinuha phone ko para tawagan sila Gabby pero hindi pa man nadidial yung number nila ay may bigla nakabungguan.


"Hey! Watch where you're going." Pataray na sabi nakabunguan ko. Teka? Parang familiar yung voice niya.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now