Chapter 14

185 17 71
                                    

"Color rendering scores can help designers determine how well colors will look when illuminated by a particular white light. These scales are important as they describe the quality of the light and how colors will appear when illuminated by a specific source."


Humalumbaba ako habang nakikinig sa professor namin sa Color Rendering subject na si Miss Aguilar, isa ito sa mga subjects na paborito ko ngayong sem kasi interesting siyang pag-aralan eh, matutunan mo kung tama ba yung combinations ng colors na ginagamit mo sa specific na design, hindi yung basta lagay ka lang ng kulay na gusto mo.


"Parang love lang yan. We keep on finding our ideal girl or boy. Pero ang tanong, match ba kayo? Compatible ba kayo? Siya nga yung ideal girl or boy mo pero hindi ka naman masaya pagkasama siya."


Nagparinigan at naghiyawan naman yung iba naming kaklase. Pag talaga usapang love oh haha.


Pagkatapos ng lesson ay may biglaang paquiz si Miss Aguilar, buti nalang nakapasa. Naalala ko tuloy noon, nung first time sa sobrang gulat namin halos lahat kami bumagsak, si Gabby lang ata yung pasado doon eh.


"Ilan ka, Naomi?" Tanong saakin ni Tyne.


"14 lang." Sabi ko.


"Weh? Anong lang?! Isa lang mali mo, ni-lalang mo lang yun?! Ako nga 10 lang eh hahaha. Congrats!!" Sabi ni Tyne at niyakap ako na parang big deal yun.


Medyo nagulat naman ako sa sinabi niyang ako yung pinakamataas kasi akala ko maraming nakaperfect score eh kasi mataas ang nakuha ko.


"Ikaw ba, Gabby? Ilan ka?" Tanong ni Tyne kay Gabby nung tapos na siyang magligpit ng gamit. Hindi naman siya pinansin ni Gabby at tuloy tuloy lang sa paglabas ng classroom. Nagtataka naman namin siyang sinundan nang tingin, "Anong problema nun?"


"12 lang kasi nakuha niya. Alam niyo naman kung gaano yun kaconscious sa scores niya." Sabi ni Kate.


Yun ang nahalata naming lahat kay Gabby, na grade conscious siya, hindi nga lang namin alam kung bakit at hindi namin maitanong kasi mukhang personal matter yun.


"Hay, sinabi ko naman sakanya na 'wag niyang seryosohin masyado eh. Grades are just numbers, ya know?" Sabi ni Tyne.


"For some people, grades are not just numbers. Lalo na kung naprepressure ng mga magulang." Nasabi ko nalang at ngumiti nang tipid sakanila.


Marami akong kakilala at ako mismo nararanasan ko yun sa mama ko, hindi lang sa grades kundi sa halos lahat ng aspeto ng pagkatao ko. Alam ko naman na gusto ni mama na maging better ako pero paminsan sumosobra na siya eh.


Nagpaalam muna ako na mag-C.R. kila Tyne bago kami kumain. Pero bago ako makapasok sa C.R. ng girls ay nakita ko si Gabby sa harap ng basurahan habang may tinitignan na papel. Tinapon naman niya agad iyon at naiinis na pumasok sa loob ng C.R.


Napakunot naman yung noo ko sa pagtataka atsaka siya sinundan. Pagpasok ko isang hikbi na galing sa isa cubicle ang bumungad saakin. Sinarado ko na muna yung pintuan ng C.R. para wala munang makapasok at hinintay na lumabas yung babaeng umiiyak sa cubicle na yun.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now