Chapter 34

91 3 0
                                    

"Oh, ayan na sila! Tara na, picture na tayo!"


Hinatak na kami ni Mackey para mas mabilis yung pag-akyat namin dito sa isang chapel sa may Caleruega Church. Para siyang isang malaking tent na may mga naglalakihang batong poste sa gilid. Open space din siya at napapaligiran ng magagandang pananim at dahil nasa taas kami ng bundok ay kitang kita namin yung mga halaman, kalsada, at bahay sa baba.


Nagpicture na kami gamit yung may tripod stand na hawak yung camera ni Mackey. Hilig talaga nitong babaeng ito sa mga pictures, pero for memories din naman kasi.


"Putangina, yung araw!" Sigaw ni Kim dahil biglang umaraw at talagang nakatutok pa saamin yung araw.


"Tiis ganda para sa picture," sabi ni Rachel habang nakangiti pa rin.


Panigurado mukha kaming nasisilaw na nakangiti na ewan sa mga pics na dito hahaha.


Lumipat pa kami ng pwesto para lang maayos yung itsura namin tapos nag-iba ibang pose pa.


"Oh! One, two, three! One, two, three! One, two, three!" Mabilis na bilis ni Kenzo habang pinipicturan kaming mga babae.


"Pota, teka!" Sigaw ni Kim hanggang sa marealize niyang asa tapat pala kami ng chapel. "Ay, sorry po, Lord."


"Minus points ka nyan sa langit!" Sabi ni Mackey kay Kim.


"Hindi na nga sa langit pupunta, minus points pa hahaha," tumawa kaming lahat, except si Kim, sa sinabi ni Ava.


Nawala yung ngiti sa labi ko nung biglang nahagip ng mga mata ko si Gino sa hindi kalayuan, may kausap siyang isang matandang babae na parang staff dito. Napatingin siya dito sa direksyon namin kaya agad akong tumingin sa taas at kunyaring may tinitignan.


Baka sabihin niya tingin ako nang tingin sakanya at akalain na may gusto ako sakanya, psh. Siguro kaya ayaw niyang makipagkaibigan saakin? Akala niya siguro may gusto ako sakanya pero wala naman. Psh, hindi porket gwapo siya ah!


Since dumaan sila Gino sa likod nila Kenzo na nagpipicture saamin ay hindi ko mapigilang sundan siya nang tingin. May sumunod pang isang babae sakanila, namukhaan ko na yun yung babaeng sexy na kasama niya kanina.


"Oh, kami naman. Kami naman!" Sabi ni Kenzo at nagpalit na kami ng pwesto.


Parang may dinidiscuss yung matandang babae at sila Gino naman ay tumitingin lang sa paligid hanggang sa mapatingin banda rito yung babaeng sexy na kasama ni Gino. Umiwas ako nang tingin at tumingin nalang sa parang ewan na pose ng mga lalaki. Paano ba naman naabutan ko sila na binubuhat pabridal style nila Edwin at Thomas si Kenzo. Jusko.


"Rachel?" Biglang may tumawag at pagkalingon ko ay nagulat ako nung halos sa tabi ko na pala yung babaeng kasama ni Gino.


"Omg, Ashley!" Masayang bati ni Rach at nakipagbeso beso. "Long time, no see. How are you?"


A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now