Chapter 28

103 4 5
                                    

"U-nibersidad ng Pilipinas! U-nibersidad ng Pilipinas! U-nibersidad ng Pilipinas!"


Maingay nanaman dito sa Araneta Colisseum dahil nagaganap ngayon ang finals ng uaap men's basketball. At ang naglalaban ay ang UP at Ateneo, grabe ang lakas nila parehas. Pero syempre, wala pa rin tatalo sa babe ko noh.


"LET'S GO UP MAROONS!!" Sigaw ko nung natapos na yung half time. Nakita ko na si Gino na pabalik na ng court, "WOHHHH FIGHTING MY SUPREMO!"


Hindi lang siya ang napatingin kundi lahat ng nakapaligid saamin.


"Pfft, supremo, amputa." Narinig kong sabi ni Kim sabay kain nung popcorn niya.


"Let her be, minsan lang lumandi kaibigan natin," sabi ni Mia tsaka winagayway yung pompoms na binigay ko sakanya.


Wala naman akong pake sakanila at nung tumingin banda saamin si Gino ay tinaas ko yung dalawang kamay ko na parehas may hawak na pompoms then mouthed 'kaya mo yan' to him. Napangisi naman siya sabay salute bago tuluyang pumwesto sa loob court.


"Hoy, Gino! Pag natalo ka raw break na kayo ni Naomi!" Sigaw ni Kim kaya nahampas ko siya at tumawa naman siya ng malakas.


Nagtuon nalang nang pansin sa game. Medyo inaral ko pa yung mga basic rules ng basketball para naman hindi lang basta shoot and points ang alam ko noh!


"LET'S GO, UP! LET'S GO, UP!" Sigaw ko habang winawagayway yung pompoms ko at tumalon talon.


Bumili pa ako ng maroon na pompoms para dito, para full package na talaga yung pagiging cheerleader ko noh!


"Gino Dela Vega, three!!"


"AHHHHHHH! THAT'S MY BABY BOY!" Sigaw ko nung nakatres si Gino at mas umingay ang mga fans ng UP.


Lamang pa rin ang Ateneo ng anim puntos pero mukhang mahahabol pa naman ng UP dahil malayo pa naman yung oras. Sila Gino pa, kayang kaya nila yan! Magagaling naman kasi yung halos lahat ng players ng UP eh, hindi lang naman si Gino.


"Defense! Defense! Defense!" Sigaw ko at mas ineenganyo pa yung mga nasa mga paligid ko na sumigaw ng 'defense'.


"OHHH!"


Nagulat ang lahat at napatayo agad ako sa kinauupuan ko nang biglang natumba si Gino pagkatapos siyang bungguin ng isang taga-Ateneo na player kaya pumito yung referee at nilapitan nila si Gino. What the?! Tumakbo na ako pababa ng bleachers nung medyo matagal na siyang nakahiga doon, kulang nalang lapitan ko siya sa mismong court kaso bawal.


Nakahinga ako nang maluwag nung nakatayo na siya tsaka tumingin sa audience, nung nakita niya ako ay ngumiti siya sabay thumbs up, inayos muna niya yung sarili niya bago pumunta sa gitna para sa free throw. Bumalik na ako sa upuan ako na nag-aalala pa rin, mukha kasing hindi maganda yung landing niya eh.


"Nami, ayun yung nang bunggo sa bebe mo oh. Ano? Resbakan na ba natin?" Sabi ni Mia sabay turo dun sa Ateneo player sa court na nakabungguan ni Gino kanina.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora