"Come! I'll show you your room!" excited na sabi ni Caly at tumango nalang ako bilang sagot.

Hinila niya ako paakyat ng hagdan at dinala sa kwarto na sinasabi niya. Lalo akong napanganga. Kasing laki yata ng bahay namin ang kwarto ko.

"Nagustuhan mo ba? Uy! Talk to me" napatango nalang ako sa sinabi niya. 

Hila hila parin niya ako at nilibot sa buong kwarto ko. Puro tango lang ang sagot ko sa mga paliwanag niya.

Napakalaki nito. May sarili pa akong walk-in closet. May mga damit doon kaya natigilan ako.

Totoo ba ito? Parang hindi ata ako nararapat dito..

"Bakit may mga damit na dito? May tumira dito?"nagtatakang tanong ko pero inilingan niya ako.

"Tuwing bumibili ako ng damit or si mommy ng damit.. laging may sobra para sayo." napangiti ako at yinakap ko siya. 

Kakaiba ang nararamdaman ko. Sa dati kong pamilya ay masaya ako, sobra sobra ang pagmamahal na binigay sa akin ni nanay at ate. Hindi ko naman ipagkakaila yun pero ngayon I feel so complete siguro ay dahil may nawala sa akin at ito yon.

"Look!" biglang may binuksan siyang pintuan sa kwarto ko at nagulat ako dahil isang kwarto pa 'to.

"Connected ang kwarto mo sa kwarto ko para pwede natin puntahan agad ang isa't isa" natawa naman ako. Halos parehas kami ng disenyo ng kwarto kaya lang ay puti ang sakanya, ang akin naman ay baby blue.

"Mag bihis ka na ah.. try mo yung mga binili naming damit sayo. Magbibihis na rin ako." Tumango ako at pumasok na ulit ako sa kwarto ko.

Linibot ko ulit ang tingin ko sa buong kwarto at napaupo sa kama.

Napakagat ako sa labi ko. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay pakiramdam ko.. panaginip lang ang lahat. Hindi makatotohanan..

Namimiss ko sila nanay.. idadagdag ko nalang sa schedule ko ang pagpunta sa kanila para matahimik na ako. Kailangan ko ng adjustment period.


Pumunta ako sa walk-in closet ko at namili ng damit. Nagbihis ako at nagulat dahil pag talikod ko ay nakatayo si mommy sa may pintuan ng walk-in closet.

"Bagay sa'yo" nakangiting sabi niya at lumapit siya sakin. Hinawakan niya ang mukha ko at parang naiiyak nanaman.

"Mommy.. wag na po kayong umiyak. Hindi nanaman po ako aalis. Bawiin po natin ang mga panahong nawala sa atin.." bigla siyang napangiti at yinakap ako. Yinakap ko rin siya. I suddenly felt home..

"Tinawag mo akong mommy.. I am so happy baby. Thank you. I thought I'll lost you forever.. but you're here. Thank you so much anak." masaya ako na napasaya ko siya.

Ramdam ko naman sa ikabuturan ng puso ko ang koneksyon namin.

"Come let's eat" hinila niya ako palabas at bumaba na. 

Nakita kong nandun na rin si Caly at daddy.

"Wow! Bagay sayo! Ako namili niyan!" masayang masaya wika ni Caly. 

Ngumiti ako at tumango. Tinapik niya ang katabi niyang upuan kaya doon ako umupo.

"Let's pray.." ani Caly.

Nagdasal kami at kumain na. Biglang may tumunog na telepono. Tatayo sana si daddy pero tumayo din ako.

"Daddy kain na po kayo. Ako na" natigilan siya sa sinabi ko. Siguro ay dahil tinawag ko siyang daddy. 

Lalong lumawak ang ngiti ko at dali daling tinungo ang telepono. Sinagot ko ito at nakarinig ako ng mahihinang pag uusap sa kabilang linya.

"Hello?" bungad ko sa tumawag.

"Hello? Caly? Wait.. hindi ka-boses ni Caly. Ikaw ba yung kapatid niya? Hey! Cousin! I am Alina!" gusto kong matawa dahil walang preno ang pag sasalita niya.

"Hi Alina. Kumakain kasi kami eh. Tawagin ko si Caly?" nahihiyang sabi ko at tinignan si Caly na tumatawa.

"No! Tawag nalang ako later. See you soon!" sambit niya at binaba ang telepono. Bumalik na ako sa upuan ko.

"Sino yun?"tanong ni Caly.

"Alina daw eh. Tawagan ka daw niya ulit. Pinsan daw natin siya" tumango naman si Caly at kumain na ulit.

Wow.. ang laki pala ng pamilya namin..

Hindi ako sanay talaga.

"James naman.. ang kalat mo kumain" pinunasan ni mommy ang bibig ni daddy at natawa kami.

"Daddy para kang bata" nagulat din ako sa sinabi ko kaya napatakip ako ng bibig. 

Natawa naman sila kaya natawa din ako. Minsan talaga ay walang preno ang bibig ko. Nauubusan ng break.

Nagbiruan kami ng nagbiruan kaya medyo matagal kami sa kusina. Napagdesisyunan namin ni Caly na tabi kaming matulog.

"Mom.. akyat na kami" yinakap at kiniss namin sila para mag goodnight na.

"Goodnight kids." yinakap nila kami at umakyat na kami ni Caly.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext sila nanay ng goodnight. Si Caly naman ay may kausap sa phone. Binaba niya na ito pero may tumawag ulit sakanya.

"Omg! Wait lang Cams ah? Nasa baba si Zicko!" kinikilig na sinabi niya kaya natawa ako. 

Tumango ako at nagmadali siyang lumabas. Umupo naman ako sa kama niya at napatingin sa cellphone ko.

Nagreply si nanay kaya napangiti ako. Atleast ayos ang lahat, hindi naman nila ako tuluyang binura sa buhay nila. Inayos ko na ang higaan pero natigilan ako. Nagulat ako nung may tumawag sa akin na unknown number. Hindi ako sumasagot dati pero naisip ko.. paano kung importante ito?

"Hello?" bungad ko sa tumawag. 

Narinig kong nag buntong hininga ang nasa kabilang linya at aaminin ko. Nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko.

"Where are you?" natigilan ako at napasinghap. 

Si Francis..

Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko at dahil doon ay napahawak ako sa puso ko.

"Bahay" yan lang ang tanging sinabi ko. Hindi siya sumagot pero ayoko pang ibaba.

"I want to see you. Umalis ka nalang agad sa tagaytay ng hindi man lang nagpapaalam" napapikit ako.. iniiwasan ko siya diba. 

Napakagat ako sa ilalim ng labi ko.

"Matulog ka na. Magpahinga ka na" mabilis kong sabi at pinatay na ang call. 

Napahiga ako at huminga ng malalim. Mariin akong pumikit at pinigilan ang puso ko na makaramdam.

Hindi ko kailangan ng Francis sa buhay ko.. makakagulo lang to.

Pumasok si Caly sa kwarto ko at tumabi sa akin. Yinakap niya ako at yinakap ko rin siya.

"Goodnight sister. Thank you for being here"

Napangiti ako.

"Goodnight." pumikit na ako at dinalaw na ako ng aking panaginip.

ReverseWhere stories live. Discover now