Prologue

3K 66 11
                                    





Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan,” Kanta ng bokalista namin. “Upang malunod na ang puso kong nahihirapan.”

Masaya akong pinatutugtog ang druns dito sa bandang likuran nila. Bata pa ako, mahilig na talaga akong mag tambol. May banda din kasi si Papa noon kaya sinasama niya ako sa mga gig nila nu’ng maliit pa ako hanggang sa lumalaki at tumatanda ako, minahal ko na din ang pagtugtog ng drums.

“Ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?” Gitara at ako na lang ang tumutugtog after ng last line ni Maddie.

Nagpalakpakan ang lahat ng mga customer matapos naming magperform. “Thank you, everyone!”

Inayos na naming ang mga ginamit naming instrumento at tinabi. “Cr lang ako, Mads.”

Bumaba ako sa stage at nagtungo sa banyo. Kanina pa kasi ako naiihi simula nu’ng magstart kami ng last song. Medyo madamingg nakapila ngayon, Sunday kasi kaya madaming tao.

Agad na akong pumasok sa isang cubicle at umihi. Naghugas ako at lumabas na din after.

“Ay– sorry, Miss.” Paumanhin ko sa dalaga. Nagkabungguan kasi kami.

“Hindi kasi marunong tumingin sa daan eh.” Bulong niya. Ano daw?

“Ano ‘yun, Miss?” Tanong ko. Napaawang ang bibig ko nang irapan niya ako. Inaano ko ba ‘to?

Umalis na siya sa harap ko at tuluyan nang pumasok sa banyo. Ganda sana kaso napaka sungit naman. Napailing na lang ako at pumunta sa mga kabanda ko. Nag iinuman na sila kaya naman inabutan ako ni Bea ng isang boteng beer, agad ko naman itong ininom.

“Guys, wait lang ha? Puntahan ko lang ‘yung kakilala ko.” Paalam ni Ponggay. Tumango naman kami at nilabas ko ang phone ko. Kukumustahin ko si Papa.

Nagtitipa lang ako sa phone ko habang umiinom. Kasama ni Papa si Josh at Ate Nicole sa bahay, ako kasi nakabukod ako dahil kailangan ko ng tirahan na mas malapit sa trabaho ko.

“This is my band mates.” Rinig kong sabi ni Bea, nandito na pala siya. Hindi ako tumingin dahil nagtatype pa rin ako sa phone ko. “..and this is our drummer, Deanna.”

Nag-angat na ako ng tingin sa kausap ni Bea, kakaway pa lang ako nang dumako ang tingin ko sa matangkad na babaeng kasama nila, what a coincidence, Miss Sungit.

“Hello.” Bati ko sa kanila. Ngumiti naman ang dalawa sa akin maliban kay Miss Sungit.

“Guys, this is Kamille, Caitlyn and Ivy.” Pakilala ni Bea. Hmm, Ivy pala ang name ni Miss Sungit.

Nakijoin sila sa amin dito sa table, pinagmamasdan ko lang si Ivy na tahimik lang na umiinom. Bakit kaya hindi siya jumojoin sa kwentuhan?

Lumapit ako nang bahagya sa kaniya. “Pst.” Hindi niya ako pinansin.

“Pst, Miss Sungit.” Tawag ko ulit dito, hindi pa rin niya ako pinansin kaya kinalabit ko na siya. Salubong ang kilay niya akong nilingon. “Bakit hindi ka nakiki join sa kwentuhan?”

“Wala kang pake.” Masungit niyang sagot. Grabe! Napaka sungit niya talaga huhu.

Hindi ako natinag at kinalabit ko siya ulit kaya salubong ang kilay nanaman niya akong nilingon. “Ano ba??”

“Bakit ang sungit mo?” Tanong ko.

“Bakit kasi ang kulit mo?” Naiinis niyang sagot, natawa naman ako. “Stop laughing, walang nakakatawa.”

Every Beat Of Your HeartWhere stories live. Discover now