"Ang daming order, kaya ba natin ito."gulat na sabi ko sa kaniya.

"Hindi, tawagin mo na lang sina Bea at Kathy. Sabihin mo dodoblehin ang sahod."hindi ito humarap sa akin at iyon lang ang sinabi.

Nanlaki naman ang akin ngiti at mabilis na itinext si Bea sinabihan ko rin na kasama si Kathy. Pagkatapos ay bumalik na ako sa labas at inayos ang mga kape. Halos 50 pa lang ang na andito kaya kailangan ko pa ng maraming kape.

Maya maya ay pareho kaming lumingon sa pintuan na marinig itong nagbukas. Si Kathy na naka hoodie at may dalang bag ito. Nagkangitian lang kami dahil abala talaga ako sa aking ginagawa. 

"Tulungan na kita."rinig kong sabi ni Kathy.

Matapos na ang lahat at madilim na ang kalangitan. Kita na rin ang bituin at araw ay ngayon lang kami natapos. Umupo kami sa isang lamesa rito na magkakaharap. Inaayos ang sarili.

"Tanong ko lang, bakit nga pala kayo lumipat ng university ni Bea. Eh, 'di ba may senior high rin naman roon."seryoso niyang tanong.

Pareho kaming kay Josh na may ibinaba itong cup ng coffe sa harapan namin. "Salamat."sabay namin saad.

"Sige tuloy ninyo lang pag-uusap ninyo."saad niya.

Muli kong naalala ang tanong niya. "Ah, kase gusto ko rin kumuha ng scholarship para sa engineering ko, 'di ba hindi sila tumatanggap ng mga student for scholar kapag hindi roon nagtapos."pagsagot ko.

Napatango na lang ito. "E, ikaw Josh?"baling nito kay Josh na nakikinig lang sa amin.

"Huh?"saad nito sa kawalang bago lumingon sa amin.

Napailing si Kathy, "Saan ka nga pala magka- college?"ako na ang nagtanong rito.

"Hindi ko pa alam, pero mukhang sa ibang bansa. Yung course na about sa business namin."pilit akong napatango kahit medyo walang naintindihan sa sinabi niya.

Napatingin ako sa cellphone ko at napatayo ng makitang alas osto na pala.

"Ah, uuwi na ako."paalam ko sa kanila.

Naalala kong dapat ay mag-ipon ako ng lakas dahil mas doble ang trabaho bukas. Wala naman kaming pasok pero may pasok ako sa cafe. Mabuti na ito para may pang bili ako ng projects at mga gamot ni Lola.

"Anong gagawin natin?"

Inosente kong tanong. Ngayon ay katabi ko si Lincoln na kanina pa rito sa cafe. Kumunot bahagya ang noo ko ng tapatan kami ng kamera ni Josh. Inakbayan lang ako ni Lincoln at itinikom ang tatlong dairi. Ginaya ko lang siya at sa pagbilang ng tatlo ni Josh ay pilit na ngiti ang akin nilabas. Nang matapos ay kinuha ko kaagad ang kamera nitong hawak.

"Burahin mo 'yan."seryoso kong sabi rito.

"Kasama 'to sa cafe, kailangan tayo makipag-picture sa mga customer na darating ngayon araw at mamimili sila kung sino ang favorite na tiga-surve nila ng kape."

Paliwanag nito at napatango na lang ako. Doble naman ang sahod namin ngayon araw.

"Kaya ikaw ang napili ko."pagdagdag ni Lincoln.

Matipid akong napangiti bago bumalik sa mga taong andito. Ganoon ang akin pagkagulat na may yumapos mula sa likod ko. Mabilis akong humarap rito.

"Anniversary daw nitong cafe, ahm… 'yun favorite ko."pagtingin niya sa menu rito at mabilis kong isinulat ito sa maliit na pocket book rito.

Tatalikod na sana ako na marinig ko ang boses ng isang pagak na kalapati este babae. 

"Nakalimutan mo kami."mabilis akong humarap rito.

Bully That NerdWhere stories live. Discover now