Napalunok ako at sinubukan umiwas ng tingin pero pilit niyang hinahabol ang mga tingin ko.

"What is wrong in showing my affection towards you? I like you and I don't care kung ano isipin nila. Pasalamat ka yun lang ang ginawa ko. I really want to kiss you a while ago.." nagulat ako sa sinabi niya. 

Sobra sobra na ang pagkalabog ng puso ko dahil sa mga sinasabi niya. Linapit niya pa ang mukha niya kaya napaatras ako. Nasa dulo na ako ng upuan ko at naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. 

Para siguro hindi ako mahulog.


Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nakatingin lang ako sa mata niya at nawawala ako dito.

"And right now.. I still want to" nakita kong lumipat ang tingin niya sa mga labi ko. 

Mali to! Camille, wake up! Wake up!


Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko. Ngumisi naman siya at hinalikan ang kamay ko. Lalo akong napaurong pero humigpit ang hawak niya sa kamay ko. His kissed my hand! Okay hindi to big deal pero.. pero.. iba ang nararamdaman ko.

Humiwalay siya at tinignan ulit ako sa mata. 

"Next time.. I won't allow that anymore." Aniya.

Huminga ako ng malalim at napapikit dahil hinalikan niya ang noo ko. 

Why is he making me feel like this? 

Lumayo na siya ng tuluyan at tumayo ako.

"Umalis ka na.. baka hindi ako makapagpigil. I don't really care kung pananagutan ko ang mga ginawa at gagawin ko sayo. I'll take full responsibility but I know you are not ready kaya tumakas ka na" kaagad akong lumabas sa kwarto niya nang sabihin niya yun. Napapikit ako ng mariin sa sinabi niya.

Ang bastos talaga! I'm sure marami na tong nakama. Bakit ko ba iniisip 'to?

Biglang sumikip ang puso ko sa naisip kong yun. Well gwapo siya at sobrang attractive. Siguradong ang mga babae na ang nagtatapon ng sarili nila sakanya.


Pabalik na ako sa kwarto nang makita ko si Caly sa tapat ng kwarto ko.

"Caly.. anong ginagawa mo dito?"

Napangiti naman siya nung makita ako. 

"Aalis na kasi kami eh.. babalik na ng manila. Gusto mo sumabay? Para hindi ka na gumastos." Alok niya.

Babalik na sila.. 

Naisip ko tuloy si Francis.. ito siguro ang magandang gawin para makaiwas sakanya. Tumango ako bigla. Sa laki ng Maynila ay malabo na kaming magkita doon.

"Pwede ba talaga?" tumango siya at pumasok kami sa kwarto ko. Kinuha ko ang maleta ko at inayos na ito. Sa manila.. maikli lang ang tsansa na magkita kami. 

"Mom and dad would be really happy to know na sasama ka." Aniya.

Napangiti naman ako. Mukhang masaya siya na sasama ako. Masaya rin naman ako atleast makikilala ko pa sila lalo..

Nung naayos ko na ang gamit ko ay lumabas na kami. Pumunta ako sa front desk at nag check out. Tumuloy na kami sa kotse nila. Nakita kong nagulat sila nang makita ako at napangiti ang nanay niya.. namin?

Hindi pa ako sanay..

"Camille.." mahinang sambit niya at yinakap ako. 

Yinakap ko din naman siya. Pinasok ng daddy niya.. namin.. ang gamit ko sa sasakyan. 

"Sasabay ka Caly? How about Zicko? I thought sasabay ka sakanya?" Tanong ni Mr. White.

Umiling si Caly at nakiyakap sa amin ni mommy.

"I told him na sasabay ako sa inyo lalo na at chance na to para makabond natin si Camille" Masayang saad niya.

Natouch ako sa sinabi niya. They are really working hard para maka bond ako. I want to try my best to reach out too..

"Okay ladies.. sakay na" Ani Mr. White.. daddy.

Sumakay na kami at katabi ko si Caly sa likod.


Biglang nagpatugtog ng music si mommy. 

"Hon.. stop the music ang pangit kaya" Rinig kong pag reklamo ni daddy.

Tumawa naman kami.. hindi ko mapigilang tumawa din. Ang ganda kaya ng music..

"No dad! Ang ganda kaya" sambit ni Caly. 

"Oo nga po! Ang ganda!" nagulat sila sa sinabi ko at sabay sabay kaming tumawa. 

Pareparehas kami ng type na music ni mommy at Caly.

"Pinagtulungan niyo pa ako." linipat ni daddy ang music pero linipat ulit ni mommy. Nag agawan sila sa paglipat at kami naman ni Caly ay tawa ng tawa mula sa likod. 

"By the way.. anong meron sainyo ni Francis? I saw how he looks at you.." natigilan ako sa tanong ni daddy. 

Napalingon ako kay Caly na parang humihingi ako ng tulong.


"Wala po.." mahina kong sagot at tumawa naman si Caly. Ito ba ang tulong niya?

"Sus dad! Wag kang tsismoso please. Ganyan ka din naman daw kay mommy dati eh. Kj!" natawa kami bigla sa sinabi ni Caly. Nag apir pa kaming dalawa.

Thank you Caly!

"Basta.. No one is allowed to date you first hanggang hindi dumadaan sa akin" napangiti ako sa sinabi ni daddy. Hindi ko naramdaman paano magkaroon ng tatay kaya masaya ako na unti unti ko ng nararamdaman ito.

"Opo! Sasabihin ko sakanila na bawal muna hanggang hindi niyo pa nahahatulan" tumawa kami ulit. Feeling ko parehas kami ng iniimagine.

I never thought that I would be happy with them. This is not bad after all.

Reverseजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें