💡OPERATION: SAVE THEM 3.21

273 5 1
                                    

HUEY'S POV

I tried my best to understand the situation, but it's slowly killing me inside. Ayoko magaway kami everyday tuwing uuwi siya ng bahay. It's the least thing I want right now habang we are slowly building up our family again.

That's why I decided to take these next few days away.. oo mahirap, but I had to do it.

Nakahawak ako sa manubela ng hagpit dahil sa pa unti unting pagkirot ng puso. Wala akong kausap dahil nakatulog nanaman si Zayden habang nasa byahe kami. Kaya laging lumalayag ang isip ko sa di pagkakaintindihan namin Alara.

I have the right to demand that she'd stop going there pero di ko din magawa. I wanted to trust her.. but it's that Lucas I don't trust. Naiintindihan kong Alara is just being nice cause of what she has said, Lucas' dad has always treated her nicely when he was still alive. But I can see him taking advantage to all of this. Sinasamantala niya ang pagmamalasakit na pinapakita ng asawa ko sakanya. I bet he thinks na sa ganitong sitwasyon makukuha niya ulit si Alara. I'd like to think na hindi naman magpapadala si Alara sakanya dahil alam kong mahal niya ako at si Zayden. But I can imagine all the things Lucas will do just to get her back.

"Dad?" inaantok pang boses ni Zayden habang kinukusot kusot ang mata. "Are we there yet?"

"Almost.." inabot ko ang ulo niya para guluhin ang buhok. "We'll eat first when we arrive, then.. what do you want to do?"

"I want to swim, ofcourse!" Masaya netong sagot, excited.

Tumango ako at ngumiti. Ganun nga ang ginawa namin. After putting down our things sa kwarto, naghanda agad ang caretaker namin ng makakain. Matapos kumain at tinulungan ko si Zayden na magpalit ng swimming trunks niya at nilagyan siya ng floaters sa magkabilang braso.

He was busy down the shoreline building his sand castle habang ako nasa ilalim ng beach umbrella reading a book about business.

"Anak! Wait!" Sigaw ng pamilyar na boses mula sa di kalayuan. I watched how the little kid run towards Zayden and sat beside him.

"Hi! I want to play with you!" masayang sabi ng isang bata.

"Anak. Don't run off like that!" Hingal na sabi. Nanliit ang mata ko at napagtanto kung sino ang babaeng iyon.

Napatayo ako at lumapit sakanila. "Sandrine?"

Nanlaki ang mata niya nung nagbaling ng tingin sa akin. "H-hi!" She didn't expect to see me here.

Nagbaba ako ng tingin sa batang kasama niya. "Your son?" Inosente kong tanong.

"Hmm" she nodded. Sumulyap siya kung saan ako nanggaling at parang may hinahanap. "Kayo lang?"

I nodded. "I wanted to visit the beach house.."

"I heard what happened to Lucas' dad.."

I know where this is going.

"Asan asawa mo?" May bahid na ilang sa tanong niya.

"At home." Napa ngiwi ako.

"Oh.. o-okay.." bumaling ulit siya ng tingin sa anak at lumebel sa bata. "Let's go? Mamaya nalang ulit tayo mag swim, okay?"

Agad nag protesta ang bata sakanya. Nakailang pilit pa siya pero hindi nagpatalo ang anak.

"Just let him.. kusa nalang yan magaaya umuwi pag pagod na." tumalikod na ako matapos sabihin iyon at bumalik sa pagupo sa pwesto ko kanina.

Pinag patuloy ko ang pagbabasa at naramdaman ang pag upo niya malapit sa akin. I just glanced at her pero inosenteng nagbalik ng tingin muli sa libro.

I don't mind her presence here. Wala lang naman sa akin iyon.

HUEY & ALARA Where stories live. Discover now