💡 OPERATION: SAVE THEM 3.19

247 5 1
                                    

ALARA'S POV

"You want to have dinner? Nagpabili ako ng food kay Charles.." pagtutukoy ko sa pinsan ni Lucas.

Umiling lang siya at binaling muli ang tingin sa ama.

"Tito oh! Si Lucas pasaway nanaman! Tsk tsk" sinubukan kong magbiro.

Umiling iling si Lucas at bahagyang natawa.

"See?" napa ngiti ako. "I'll get food for you.." tinapik ko siya at tumayo.

Napapatingin ako sa may entrada habang kumuha ng pagkain para kay Lucas. Isa isa na dumadating ang mga tao, karamihan sakanila ay naka pang business attire pang matatanda. Batid kong ka sosyo eto ng Daddy ni Lucas.

Mabilis kong pinakain si Lucas para ma entertain niya ang mga kaibigan ng Daddy niya.

Ilang oras makalipas at natanaw ko na din sa entrada ang mga kaibigan ko. Agad niyakap ng mga babae kong kaibigan si Lucas habang ang mga lalake ay tinapik nalamang ang balikat niya.

Ginawaran ko sila ng makakain at pinaupo sa mahabang sofa.

"Alara.." pagtawag sa akin ni Lorin.

"Hmm?" sagot ko at naupo sa tabi niya. Nakatingin ako sa harap kung saan kinakausap si Lucas ng isa sa mga business partner ng Daddy niya.

"Kanina ka pa ba dito? Asan si Huey?"

Bumuntong hininga ako bago balingan siya ng tingin. "Nasa bahay.. pero pupunta sila dito, baka malapit na yun." Ngumiti ako.

"O-okay lang ba kay Huey to?" Nilingon niya si Lucas, may pagaalala sa boses.

"He understands.. nagusap na kami about this." Ngumiti ako.

Tumitig siya bago makatugon muli. "O-okay.." mahina niyang sabi.

"Ela.." pag tawag sa akin ni Lucas kaya napatayo ako agad. Tumango siya sa akin signaling me to come near him.

Di naman sila malayo isang sofa lang ang pagitan nila mula rito kayna Lorin.

"Tito, this Alara Aviela Ochoa.. I hope you still remember her." Ngumiti pa siya habang pinapakilala ako.

"Ofcourse! How's your Dad, hija? I haven't seen him lately.." sabi ng matanda.

"Busy po si Daddy these past few months.. nasa states sila ni Mommy ngayon may ka meeting na investors."

"Di parin nagbabago ang Daddy mo! He always brings your Mom around.." tumawa eto. "Di malayong ganyan din mangyayari sa inyo ni Lucas!"

Biglang nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Do you have kids now?" Tanong pa neto.

Di ako makatugon sa tanong ng matanda, binalingan ko ng naiilang na tingin si Lucas. Nanatili etong naka tingin sa matanda at malawak ang ngiti.

"Nako Tito.. maybe next year." Natawa siya. "How's tita? Pagiiba niya ng usapan.

Halos kurutin ko ang tagiliran niya dahil sa inis. Why did he answer that?!

Biglang may umubo sa likuran namin.

"Shit!" Pabulong kong mura, alam ko na kung sino to. Mariin akong napapikit at binaling ang ulo sa gilid ko.

"Alara." Buo ang boses niya nung sambitin niya ang pangalan ko.

"Lucas, Tito? I'll go entertain the rest. Maiwan ko po muna kayo." Di ko na inantay ang sagot nila at mabilis nang tumalikod.

Pilit akong napangiti kahit sinalubong agad ako ng matatalim na tingin ni Huey.

"Hi.." sinubukan kong hindi iparamdam ang kaba sa tinig. "Kanina pa ba kayo?" Nilebel ko ang sarili kay Zayden at hinalikan ang noo neto.

HUEY & ALARA Where stories live. Discover now