💡 OPERATION: SAVE THEM 3.16

448 9 3
                                    

ALARA'S POV

Di ko na hinayaang maubos ang pangalawang bote namin. Sinabihan ko si Lorin na magpasundo na siya kay Luke at ako nalang ang maghahatid ng kotse niya sa bahay nila bukas.

"Siguradong matutuwa si Luke!" halos mapapalakpak pa eto sa excitement. "Tagal niyo nang hindi nakakabisita dun eh.

Ngumiti ako. "Matutuwa din si Zayden for sure." i hugged her one more time bago siya sumakay sa kotse nila.

"Alara!" Tawag ni Luke mula sa loob. "Thanks for inviting Lorin over! Sana next time kasama na kami." Pabiro niyang sabi pa.

Tumawa ako at tumango. "Oo naman.. after ng moving up ng mga bata.. let's drink! Tayo lahat.."

Nanlaki ang mata nila at napalawak ang ngiti, halos di makapaniwala. "Really?!" Sabay pa nasambit bg dalawa.

"Oo nga.." tumawa nalang ako. "Sige na.. umalis na kayo. Breakfast tayo tomorrow ha? Good night!"

I watched them drive off at inantay munang makalayo layo sila before I went inside.

Saktong pagkapasok ko ng pinto, rinig ko ang mga yapak mula sa hagdan.

"Maaga pa ah? Umalis na si Lorin?" tanong ni Huey nung makarating sa baba.

"Oo eh.." ngumiti ako. "But we'll have breakfast at their place tomorrow."

"Talaga?" napangiti eto. "Wait— Mag asawa na si Lorin at Luke?" Lito netong tanong.

Oo nga pala. Huey still needs to catch up.

"Oo.." i nodded.

"Wow.." mangha netong sambit. "Anyways.." bigla netong iniabot ang kamay sa akin. "It's Huey's time na? Right?" He smiled at tinaas taas pa ang mga kilay.

I can't remember the last time he asked me that. It felt like years.. napaka sarap pakinggan. It's like Huey is back on his clingy side.

"Don't tell me wala nang Huey's time?" Kumunot ang noo neto at ngumuso ng parang bata.

Dahan dahan akong lumapit sakanya at napayakap nalang ng mahigpit. My head was placed on his chest habang ang pisngi niya ay nakalapat sa noo ko. Both our arms are wrapped around each other's waist.

Malalim akong napabuntong hininga at pumikit as I felt this moment. I was calm.. my heart was on it's normal pace. In short, it felt like home. I felt like I already surrendered everything. My walls all went down again.

"W-what's wrong?" bakat sa tono ang paalala.

Umiling ako, bahagya kong inangat ang tingin at binuksan ang mga mata. Pag dilat ko, nakababa na siya ng tingin sa akin.

With our faces so close to each other, maramdam namin ang parehong maiinit na hininga.

Hinawi niya ang buhok ko papunta sa likod ng tenga ko and caressed my cheeks with his thumb. "I love you, Larolove.." mahina, napapaos niya sabi as he looked deep into my eyes. "I can't imagine a day without you. I can't even stand the thought of it alone."

Inilayo niya ako bahagya dahilan para mapabitiw ako ng yakap. Magkaharap kami, still close to each other. Patuloy niyang hinahaplos haplos ang pareho kong pisngi at nakatitig parin sa mga mata ko.

"Kung ano man ang nagawa kong katangahan dahilan para humantong tayo ganito, please know that I am so sorry.. I may not remember the reason for my doings.. I sincerely apologize. There's one thing I know for sure.. mahal kita at walang kahit anong bagay ang makakapagpabago nun.." madamdamin niyang sabi.

Tipid akong ngumiti na may pamumuo ng luha sa mata.

"I am sorry.." he said as his tears slowly rolling down his face. "I love you.." paulit ulit niyang hinalikan ang noo ko ng ilang beses bago muling humarap sa akin.

HUEY & ALARA Where stories live. Discover now