X: TEATRO (3)

4 0 0
                                    



Sumigaw si Tiya Pelina sa nakita. Balak ng binata na hampasin ang baul.

"Camillo... mahal, bitawan mo yan..."

Kinalas ni Tiya Pelina ang pagyakap ni Antonette sa kaniya at dahan-dahang nilapitan ang binata.

Nagulat ang dalaga sa ginawa ng tiya at agad pinigilan ito sa paglapit sa galit na si Camillo ngunit pilit paring lumakad ito palapit sa kaniya.

Ganoon din ang reaksiyon si Frances. Kailangan niyang ilayo si Camillo mula sa baul. Ang baul na iyon ay isang napakahalagang pamana sa mga Romero. At ito ay mas mahalaga pa kaysa sa kaniyang buhay.

"Anak, makinig ka...Ibaba mo ang upuan na iyan ngayon din."

"AHAHAHA!"

Hindi na niya mapigilan ang kaniyang sarili. Napatawa nalang si Camillo bilang pagtugon sinabi ng kaniyang ama. Walang ni isang salita ang lumabas sa kaniyang bibig, ito'y pagtawa lamang.

"HAHAHA!"

Pagkaraan ay kaniyang ibinagsak ang upuan sa tabi at nagtungo na sa hagdanan. Hindi parin maawat ang kaniyang pagtawa. At ito ay umalingawngaw sa pasilyo ng bahay na ngayon ay puno na ng mga sirang bagay.

*KLAAK

Pagsara ni Camillo sa pintuan ng kaniyang silid ay tulayan na siyang humalakhak.

"Ahh...ang mga Romero talaga ay madaling mauto."

Ikinandado ni Camillo ang pintuan at kaniyang isinandal ang likod niya rito. At mula sa kaniyang nakadaop na kamay ay naroon ang isang antigong susi- ito ang duplikadong susi sa silid na pinagtataguan sa baul ni Pablo.

Siya ay nagwagi.

Ang kauna-unahang palabas pang-teatro na kaniyang binuo ay mahusay na nagtapos.

"Sinabi ko na saiyo, Anette. Masisisi ka kapag iyong ibibigay ang sulat kay tiya. Hindi ako nagbibiro", pagtawa ng binata.


Ang totoo niyan ay nakagawa na siya ng plano. Ito ay isinaulo niya bago pa man sila nagtungo sa Montelban.

Magmula nang nawala si Barbara tatlong taon na ang nakakaraan, isa lamang ang naging layunin ni Camillo- ito ang sirain ang kanilang pamilya. Kung gayon ay napagpasyahan niyang wasakin ang pamanang baul ng mga Romero at suwayin ang Unang Utos ni Pablo:

'Ang baul na aking iiwan at ang laman nito ay kailangan ninyong ingatan.'

Ito lamang ang kautusang nais niyang suwayin. Ito ay dahil nais niyang galitin si Pablo. Dahil sa mga utos ng ninuno niyang ito ay nawala ang taong pinakamamahal ni Camillo. Kung gayon ay sisirain din niya ang pinakamamahal na bagay ni Pablo at ito ay ang baul. Napagpasiyahan niyang sunugin ito.

' Lahat ay pantay mula sa mundong ibabaw hanggang sa ilalim, kaya't ang mga bagay na naramdaman ko ay ibabalik ko sa iyo.'

Ngunit nais man niyang gawin ito agad, may dalawa siyang problema. Una, ang baul ay inilalabas lamang tuwing Abril 19. Pangalawa, ang silid na pinagtataguan sa baul ay laging nakakandado at ang susi at ang duplika nito ay nasa kamay ng kaniyang tiya at ng pinakamalapit niyang utusang si Regina.

Kung gayon, hinintay ni Camillo ang araw ng Abril 19. Sa araw na ito lamang niya maisasagawa ang kaniyang mga plano. Ngunit bago pa man ang lahat, kailangan niya ang susi upang makuha ang baul.

Batid niyang hindi ito magiging madali. Mahirap lokohin ang kaniyang tiya lalo na si Regina. Dahil diyan ay hindi na niya inisip pang pasukin ang kanilang silid upang hanapin ang susi at nag-isip na lamang siya ng paraan upang makuha ang susi ng hindi nila nalalaman.

La Casa de RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon