Napalingon siya kay Jeric na nakatayo sa likuran niya. "Pwede bang maupo sa tabi mo?"

"Not now, Jeric, please." Pakiusap niya.

"Zia..."'

"Utang na loob, gusto kong mapag-isa."

"Okay. Pasensya ka na kung nadamay ka pa."

"Tapos na. Kaya sana ay iwasan na natin ang isa't isa at kalimutan na naging magkaibigan tayo!" giit ni Zia.

"Ganoon na ba talaga kayo kagalit sa akin? Pasensya ka na kung lumagpas ang mga kilos ko sa pagiging kaibigan," naupo si Jeric sa tabi niya. "Noong una, gusto lang talaga kitang pagtripan pero habang tumatagal, nababaitan ako sa 'yo. Ikaw lang ang babaeng nakikinig ng mga problema ko. Oo, mahal ko si Trina pero madalas na wala siyang panahon sa akin dahil bawal kaming magkita sa labas ng Westbridge dahil strict ang parents niya. Madalas ding kasa-kasama niya ang mga kaibigan niya kaysa sa akin. Ikaw lang ang nakakauna at nakakatiis sa akin, Zia. Isa pa, naaawa rin ako sa 'yo. No offense ha, ang ganda mo kasing bigyan ng mga bagay-bagay kasi kahit na ang simple lang, sobrang saya mo na. Na-appreciate mo 'yon samantalang sa iba kong kaibigan, marami pang sinasabi na kesyo bakit ganito lang ang bigay ko sa kanila o bakit ang mura lang. Sa 'yo, appreciated ang lahat. Kaya nga ikaw ang madalas kong kinakausap. Sayang lang at babae ka dahil nami-misinterpret nila," malungkot na sabi ni Jeric saka tumayo. "I'm always here for you, Zia. Isang tawag mo lang at ipagtatanggol kita kung kailangan mo."

"Salamat, Jeric."

"By the way, sana pagbigyan mo ako. Punta ka sa birthday ko sa Sabado," ani Jeric sabay abot ng invitation letter sa kanya. "Aasahan kita."

"Hindi ako makapangako," ani Zia na wala talagang balak na pumunta.

Nang makaalis si Jeric, tinago niya sa bag ang invitation letter.

Maghapon niyang iniwasan sina Jeric at Trina. Pauwi na sya nang tumawag si Mario na nasa parking lot ito kaya dali-dali siyang pumunta. Agad namang pinagbuksan ng driver ng pinto para makapasok siya at hindi makita ng ibang estudyante.

"S—Sir..." alanganing wika niya nang makita si Reon sa loob ng sasakyan na may ginagawa sa laptop na nasa lap nito.

Tumingin si Reon sa kanya at pinatay ang laptop saka itinago sa backseat nila.

"Bakit gulat na gulat ka?"

"S—Saan ho tayo pupunta?" alanganing tanong niya. Naramdaman niya ang pag-usad ng sasakyan.

"Mall."

"Ho?"

"May bibilhin lang ako."

"Sige, hintayin na lang kita sa sasakyan."

Hindi na sumagot ang binata kaya inabala niya ang sarili sa pagce-cellphone.

"Kailan mo ba balak na gamitin ang bigay kong iPhone?" pikong tanong ni Reon.

"Ah, saka na ho. Maayos pa naman itong cellphone ko."

"Maayos!" ulit ni Reon at napasulyap ang lumang cellphone ng dalaga. "E lagi ngang patay."

"Battery lang niya ang sira."

"Ayaw mo ba ng bago?"

"Gusto naman kaso magtataka sila kung saan ko kinuha, eh, mahirap lang ako."

"Regalo nga! Alam na ng lahat."

"Marami pa ring hindi naniniwala."

"May magbabago ba? Bakit ba mahalaga sa 'yo ang opinion ng iba?" Sinuot ni Reon ang mask nang tumigil sa tapat ng mall. "Hintayin mo kami sa parking lot, Mario."

Un-tie (R-18)Where stories live. Discover now