"Talaga? Sasama ka? Weh di nga?" Parang hindi pa naniniwala ito sa kaniya huh. Mukha ba siyang nagbibiro sa kaniyang sinabi?

"Oo nga pero nakakahiya lang sa magulang mo," seryoso na sabi niya dito. Siyempre magiging honest siya dito, magulang na ni Fredrick ang mga 'yon 'no.

"Huwag kang mahihiya, alam nga nila na dadalhin kita doon e. Ako ang bahala sa'yo huwag kang mahiya, hindi mo ba alam na magiging magulang mo na rin sila sa susunod?" binato niya ng tsinelas si Fredrick dahil sa huli nitong sinabi. Wala  na siyang pakialam kahit marumihan ang damit nito.

"Kung anu-ano ang sinasabi mo mamaya marinig ka nila tatay,"inis niyang sabi dito. Natatawa lang ang lalaki.

"Asus. Doon naman talaga ang punta e tsaka alam ko naman na papayag sila tito sa gusto ko na maging asawa na kita. Alam naman nila na maaalagaan kita ng mabuti kapag nasa akin kana."

Nang-iinis talaga ang lalaki na 'to dahil pakindat-kindat pa siya. Hindi niya ba napapansin na namumula na ang aking mukha dahil sa kaniyang pinagsasabi.

"Oo na, alam ko naman na kinikilig ka kaya tanggalin mona 'yang pamumula ng pisngi mo kung ayaw mong magkaroon ng asawa kaagad ngayon." Binato niya ulit si Fredrick ng tsinelas pero nasalo niya iyon.

"Nakakainis ka huh!" inis niyang sabi dito. Ang bilis niya talagang mainis kung si Fredrick ang nandiyan. Ang galing niya rin kasi na mang-inis.

"Oh sorry na, huwag ka ng mainis diyan." Sabi ni Fredrick sa kaniya. Nakita niya ito na nagpipigil na tumawa dahil napapakagat labi pa ito. Inirapan nalang niya ito."Wait lang may kukunin pala ako sa kotse ko. Hintayin mo ako dito huh tiyak na mawawala 'yang inis mo sa akin kapag nakita mo ang aking dala."

Hindi na siya nakapagsalita pa dahil kaagad nang lumabas ng bahay si Fredrick. Pinakalma nalang niya ang kaniyang sarili para mawala ang kaniyang inis.

Hindi rin nagtagal ay nakabalik na si Fredrick. May hawak-hawak na ito na paper bag.

"Ano naman ang laman niyan?" kunot noong tanong niya dito.

"Pagkain," mabilis na sagot ni Fredrick sa kaniya at mukha pa ito na natutuwa."Luto ko ito kaya tiyak na magugustuhan mo talaga," mas lalo na kumunot ang kaniyang noo.

"Luto mo? Saan ka rin nagluto? Umuwi ka pa sa condo mo para magluto?" umiling ito sa kaniyang tanong.

"Sa office ako nagluto. May lutuan ako doon, ginagamit ko iyon kapag ayaw ko na lumabas para kumain o ayaw kong mag-order ng pagkain." Naks naman."Oh kainin mo na 'to para mabawasan 'yang kainitan ng ulo mo," natatawa pa ang loko.

Dahil pagkain iyon ay hindi na siya nagdalawang isip na kunin ito.

"Sabayan mo akong kumain. Katatapos lang namin na nananghalian pero dahil naaamoy ko 'yong bango ng pagkain ay kakain ulit ako," happiness talaga siya ng lalaki na 'to dahil natatawa na naman siya.

"Sige sasabayan na kita para mas ganahan ka," napairap nalang siya. Nagtungo na siya sa kusina para ayusin iyong kakainin nila. Si Fredrick naman ay tinatanggal niya ang kaniyang suit.

Nang matapos na ito sa kaniyang ginagawa ay lumapit na rin ito sa kaniya.

"Bakit ka nagluto ng okra e ayaw na ayaw mo naman ito?" nagtatakang tanong niya dito nang makita niya sa isang ulam na may okra doon.

"Hindi ko naman 'yan kakainin, ikaw naman ang kakain diyan. Iyang pizza nalang na ginawa ko ang kakainin ko," hindi nalang siya umimik dahil sa sagot ni Fredrick.

Nag-umpisa na rin sila na kumain ni Fredrick at talagang iyong pizza talaga ang kinain ng loko.Naiilang pa siya minsan na sumubo dahil minsan ay nakatitig ito sa kaniya.

Seducing That Half Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now