"Preepy Butterflies"

Start from the beginning
                                        

"Because I thought it's not bleeding." Sagot ko din sa kanya. I was so focused on looking at her face. Gosh, Angge has grown too much beauty.

"Ayan na naman tayo sa akala." Tumigil siya saglit at tinignan ako. "Dati akala mo din mahal mo ako."

Natigilan ako sa sinabi niya kaya tinanong ko ulit. Baka guni-guni ko lang pala.

"Ano?"

"Wala... " Nilagyan na niya ng band-aid ang sugat ko at binitawan na ang kamay ko.

Tahimik lang kami matapos nun. Sa bawat takbo ng oras ay ang paglakas ng pintig ng puso ko. Kinakabahan ako. Sobrang kinakabahan. I just can't help being amaze by being this close to Angge again. Sobrang nakakamiss pa din yung mga araw na free akong lumapit o tumabi sa kanya. But now, boundaries with limitations, and sometimes can't even be this close with each other.

"Angge' s POV"
"Bat kasi di mo sinabing  may sugat ka pala." Mahina kong saad.

"Because I thought it's not bleeding." Sagot niya naman. Ewan ko paano ko nakaya dati ang pag-eenglish ng babaeng toh. Nakakainis na minsan.

"Ayan na naman tayo sa akala." Sagot ko at tumigil saglit habang sumulyap sa kanya. "Akala mo din dati mahal mo ako." Saad ko at it's a wrong move dahil parang narinig niya.

"Ano?" Salamat may pagka bingi din pala toh.

"Wala." Sagot ko naman.Tapos ko ng gamotin ang sugat niya kaya tahimik lang akong nakaupo dito sa gilid niya. Ang awkward pala nito gosh.

"You look amazing Angge." Biglang saad niya kaya tinignan ko naman sya. Feel ko pulang-pula ako ngayon.

"T-thank you.Ikaw din." Pagpuri ko naman pabalik. Walang halong biro, sobrang ganda ni Ward kung maganda sya dati ay mas lalo syang gumanda ngayon. I don't know why nung nasa US pa lang ako ay sinabi kong ayuko muna siyang makausap at makita pero ngayon katabi ko siya sa isang silid na kami lang dalawa ang tao.

Pinaglalaroan yata kami ng tadhana.

"How have you been back in US?"Tanong niya ulit sakin at tinignan ako. And there I found myself again being mesmerized by those eyes but I quickly avoided my gaze. Delikado.

"US is good. People there are good and nice, and also plano ko nga ituloy yung pangarap ko na sa Paris ako magtatayo ng bahay. There's just something about US that is so different from others." Saad ko.

"Paris." Pag-ulit niya sa sinabi ko. May naalala naman ako  sa sinabi niya.

Flashback

"Angge? If ever you'll have a chance to build a house sa ibang country what country would you want? " Tanong ni Ward habang nginunguya ang kinakain niyang popcorn.

"Paris." Diretso kong sagot. Yeah Paris was always been a dream to me, everything about that place seems so majestic. It's the city of love. Di natin alam afam pala talaga para sakin charottt. Afam na pala si Ward charrr.

"Why?" Tanong niya.

"Because I wanna make a promise to my partner, beneath that Eiffel tower that I would be forever there's. Gusto kong pangakoan siya ng walang hanggan. Na handa akong sumugal  basta sa kanya. And also  I want someone who also wanna go to Paris with me.  That's a vibe."

"Me too." Sagot niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Why?"

"Why? Ikaw lang ba pwede magpatayo ng bahay dun?" Sarkastiko niyang sagot kaya umirap ako. "Of course, just like what you've said. Paris is different from other places. Well in my case, I wanna experience how city of love treat me if ever may mahanap man akong mamahalin ko. Reality is not a fairytale, but at some point Paris is some fairytale place I want me and my partner to experience."

End of flashback

"Because you wanna make a promise to your other half. " Bulong niya.

"You still remembered that?" Tanong ko.

"Of course, yun pa ba."

Aba yabang ng ferson.

"Anyway, kamusta lovelife sa US?" Tanong niya ulit.

"Well,may mga manliligaw naman but hindi pasok sa standards ko. I want someone who is willing to wait for me no matter how long it takes. May there is communication or none, just someone who is far from me but close to my mind and heart. Also, I want someone who is like my anchor that no matter how strong the waves of the sea are, I am attached to my anchor who will tell me that they will always be by my side. Through hardships or success." Sagot ko.

Tinignan ko sya at nahuli ko syang nakatitig din sakin. And then there again, that butterflies. I don't know how this preepy butterflies get into  my stomach di ko naman sila kinain. Charizz.

Tinitigan niya ako at tinitigan ko din siya.

"Angge?" Bulong nya sapat na para marinig ko. Habang ang mga mata namin ay ayaw iwanan ang isa't isa..

"Hmm?"

"Can I be your anchor again?"

If Parallel Universe Exist (WANGGE)Where stories live. Discover now