"Sealed"

406 58 17
                                        

"Ward's POV"
Nasa kwarto ako ngayon kasama si Cassy habang kumakain ng tahong. Pinabili ko si Mang Regor kanina, wala eh nagcrave ako ng tahong bat ba.

Ang bilis maubos ni Cassy ang kanya jusko tong babaeng toh. Mas daig pa ako eh mas ako pa yung nagcrave eh.

"Gosh namiss ko tong tahong Ward." Saad niya habang sinisipsip ang laman ng shell.

Favorite namin toh out of all the foods.

"Ako din." Sagot ko sa kanya

Habang sinisipsip ko ang shell ay biglang tumingin sakin si Cassy sabay ngisi.

"What?!" Takang tanong ko.

Gumapang siya palapit sa akin habang unti-unti akong dinadaganan.

"Pwede ko bang kainin ang tahong mo?" Saad niya habang bumubulong sa tenga ko. Ano na naman kayang trip ng babaeng toh.

Tinulak ko siya ng kunti at inilayo ang bitbit kong tahong.

"Wag Cassy." Reklamo ko at tinulak siya palayo sakin pero ewan ko  kung anong saltik ng utak nito at dinadaganan ako.

"Shhhh let me." Ngumingisi si Cassy kaloka. Diniin niya ang kamay ko at unti-unting inaabot ang tahong na natitira.

"Wag Cassy hmm.—"Natigilan ako ng bigla niyang pinisil ang dibdib ko. Juskoo. Siraulo tong babaeng toh ah. Tinawanan nya ako at kinain ang tahong na nasa kamay ko at di pa din tumitigil kakasiksik sa leeg ko.

Nakatube lang ako ngayon kaya kita ang braso at part ng dibdib ko habang si Cassy naman ay nasa ibabaw ko. Akmang itutulak ko siya patayo ng biglang bumukas ang pinto at sumalampak si Angge sa sahig ng kwarto ko.

Hindi ako makapagsalita. Anong ginagawa niya dito? Atsaka kanina pa ba siya sa labas ng kwarto ko?

Ano kailangan ng babaeng toh?

Unti-unti siyang umangat at tinignan ako at si Cassy habang lumipat naman ang tingin niya sa kamay ni Cassy na nakahawak sa kamay ko at agad na tumayo at lumabas.

"Problema nun?" Tanong ni Cassy.

"Dunno." Tipid kong sagot at nagkibit balikat na lang.

"A-ah... Ma'am w-wala po akong nakita ha. Wala po talaga" Saad ni Manang  at tumakbo palabas.

Teka ano bang problema ni—HALAAAAAAA SHITTTTTT wala pala akong damit. Tapos nakadagan sa akin si Cassy at nasa ilalim kami ng kumot. Juskoooo! Kaya ba lumabas agad si Angge?! Juskooo.

"Angge! Angge teka lang!!"

Tinulak ko ng malakas si Cassy dahilan para mahulog sya sa sahig at agad akong tumakbo palabas at sinundan si Angge.

Baka isipin niyang may ginagawa kami ni Cassy jusko hindi pwede toh.

"Mii! Si angge?!" Diretso kong tanong kay mommy ng makababa ako.

"Nagmadali yun eh, ano ba nangyare? Di na nga napansin na andito kami.".Saad ni mommy kaya agad akong tumakbo palabas.

Jusko naman eh. Medyo malaki laki din ang bahay namin kaya matagal akong nakarating sa gate.

Pagdating ko sa labas ay ang pagharurot din ng sasakyan nina Angge.

Hindi ko alam pero para akong nanglumo habang pinagmamasdan ang sasakyan nilang papalayo.

"Gosh, what is she doing here?" Tanong ko sa sarili ko at napaupo na lang sa gilid ng gate.

"Hoyyy!!! Ginagawa mo jan?"—Cassy.

"Wala." Sagot ko. Wala na ako sa mood.

"Ano nga? Atsaka... What is Angge doing here? What's with the run?" Tanong niya sakin.

If Parallel Universe Exist (WANGGE)Where stories live. Discover now