"Game"

372 44 3
                                        

Halos gusto ko na lang lamunin ng lupa ng narinig nila ang sinabi ko.

Jusko Ward! Bat kasi bumulong-bulong ka pa yan tuloy!

"Edi ligawan mo na."-Zyrah.

"A-ano? I-ibig kong sabihin what if may manligaw sayo na hindi sweet? What would you do?" Pagpapalusot ko.

Sana lang kumagat siya.

"A-ah... Okay?" Kunot noo niyang sagot. " Ahm, if ever naman hindi sweet yung tao, it depends kasi eh, if I fell for that person kahit na wala siyang pinapakita mahuhulog at mahuhulog ako yun kung ako ang naunang mahulog even just by things na nararamdaman ko... It depends kasi eh, pag hindi showy ang person minsan imbes na ipakita nila pinaparamdam naman nila." Sagot ni Angge. Gosh, she always got words to say. Impressive. "Love is not about affection, it's about the feelings, about the hearts who feel the love." Dagdag niya.

"Sabagay... Mas maganda kapag hindi lang puro salita ang tao, dapat maramdaman mo din." Dagdag ni Celine.

Nanahimik na lang ako habang sumusulyap kay Angge, juskoo nakakahiya yung sinabi ko buti na lang talaga.

"Angge's POV"
Juskooo... Akala ko ano na ang sinasabi ni Ward. Pulang-pula ang pisngi ko dun, yung titig niya lakas makapanghina ng tuhod. Jusko sayo Ward.

Sumasakit yung bato ko, kanina pa pala ako ihing-ihi pero pinipigilan ko kaya nagpaalam ako na iihi dahil mukhang di ko na kaya

"Guys, restroom lang ako." Saad ko.

"I'll come with you." Saad ni Ward na ikinatigil ko. Naiihi din ba toh o gusto niya lang talaga sumama?

"Ako na sasama sa kanya Ward." Saad ni Celine at ngumiti. Buti naman at tumango lang sya, hindi naman pala naiihi eh gusto niya lang talaga ako samahan.

"Liligawan uyyy." Pang-aasar ni Celine ng makaalis kami kaya sinamaan ko siya ng tingin

"Tigilan mo nga Joyjoy!" Naiinis long saad.

"Liligawan ka talaga yung narinig ko, halata namang palusot niya lang yung sinabi niya eh." Saad niya. Siraulo talaga, nagkaka false alarm tuloy ako. Sure din ako na iba ng narinig ko na sinabi ni Ward.

"Tama na Celine." Saad ko. Maya maya pa ay nakarating na kami sa restroom kaya agad akong pumasok sa isa sa cubicles.

"Angge?" Biglang tanong niya sa labas.

"Hmmm?"

"Gusto mo ba si Ward?" Natahimik ako sa tanong niya. Hindi niya pa pala alam yung feelings ko since di ko binanggit.

"No." Tipid kong sagot.

Hindi ko gusto si Ward.

Mahal ko si Ward, sobrang babaw lang kapag sinabing gusto. I love ward eversince I met her... And I am not afraid to admit that I am inlove with her kahit na hindi ko alam kung ganun din siya sakin.

"What? "

"Mahal ko siya Celine.and likings is not enough to describe what I feel about her... There's no point lying here, I admit na minahal ko na siya kahit nung simula pa. I know na mahal ko na siya the moment I had a chance to get a glimpse of her smile. Mahal ko siya Celine... And no one can divert my feelings to someone else. Atleast not on anybody who's not Ward." Sagot ko. Lumabas na ako sa cubicle at agad na naghugas ng kamay habang si Celine naman ay nakaupo sa sahig ng restroom. Jusko naman baka kay bacteria dito kahit kailan talaga tong babaeng toh.

"Anong ginagawa mo jan?" Takang tanong ko sa kanya.

Tumayo naman siya.

"Eh kasi nangangalay ako." Paliwanag niya habang tinatagtag ang pantalon niya.

"Tara na." Akmang aalis na ako ng bigla niya akong hilahin pabalik.

"Mag-usap muna tayo... So ano nga? Mahal mo si Ward? Yun ba yun? I mean like pano? Pano ka nahulog?"

"Ewan ko... Everything just came rushing towards me and ayun... Naging ganun na lahat. I slowly fall inlove with her sa di ko malaman lamang mga dahilan... It's maybe because of the way she cared about me... And sometimes even when she's not doing anything I always fall for her. She did things na sa kanya ko lang naramdaman at naranasan." Paliwanag ko.

"Eh paano si Angel?"

Hayys, here we go again... Angel, this is the hardest question I am always ask "pano si Angel" I don't know how to tell Angel na hindi ko siya kayang mahalin tulad ng pagmamahal na gusto niyang matanggap sakin. Ayuko maging unfair din kay Angel... And I am planning on telling her to stop courting me.

"I don't know. But I am planning on telling her to stop pursuing me." Sagot ko at hinila na siya.

"Pero si Ward talaga mahal mo diba?"Tanong niya ulit.

Curious talaga tong babaeng toh eh... Kaloka

"Siya lang naman kahit may iba." Sagot ko at bumalik na kasama sina Ward.

Maya-maya pa ay lumipat si Celine sa tabi ni Zyrah habang si Ward naman ay umusog palapit sakin.

Ang bango talaga ng babaeng toh.

"How's you and Angel doing?" Tanong niya bigla.

"Okay lang naman... We're doing good." Sagot ko. "Kayo ni Cassy?" Tanong ko pabalik.

"We're good too."-Ward.

"And talking about Cassy? Asan pala siya?"

"She's not here... Pinatawag siya ng daddy niya." Sagot niya. Kaya pala di niya kasama ang bruhildang yun. I don't know why I am pissed off about her kasi dikit sya ng dikit kay Ward.

"Zyrah's POV"
Lumapit sakin si Celine na ngiting-ngiti. Kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Oh ano? Confirmed?" Tanong ko sa kanya.

"Oo she admitted everything to me." Sagot niya.

"Tapos ano gagawin natin?" Tanong niya.

"Gagawin naba natin dito yung plan? Like now that everything is clear to us then tayo na ang gumawa ng paraan."

"Pero Zy... We're not sure about Ward... She's consistent with Kyle."-Celine.

"Pero asan yang Kyle niya? Patay na diba?"

"Kaloka naman kasi. Akala ko straight si Angge at Ward. Ngayon binaliko nila ang isa't isa."-Celine.

"Kaya nga gawan na natin ng paraan." Sagot ko sa kanya. Ilang minuto pa ay nag-isip siya hanggang sa bigla niya akong tinignan.

"Guys... Laro tayo mamaya." Bigla niyang sabi.

"Ng ano naman?" Tanong ni Angge. Tinignan ako ni Celine at ngumiti.

Mukhang may balak ang babaeng toh.

"Seven minutes in heaven."

Natigilan ako sa sinabi niya. Iba din tong isang toh eh, may isip din pala toh.

"Ayuko nga "-Ward.

"Sige na... Alam naman ni Zyrah yun. Siniko niya ako

"A-ah oo Wardo alam ko yun." Saad ko at tumango. Nanatili kami sa field hanggang sa dumating na sina Chariz kaya agad din kaming umalis.

If Parallel Universe Exist (WANGGE)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum