"Wrong but it feels Right"

407 44 2
                                        

"Angge's POV"
Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Gosh, bat ba ang sakit nito... At nasaan ako? Bakit hindi ko toh kwarto? Nilibot ko ang paningin ko at napagtanto kong nasa school clinic pala ako.

Napansin ko namang may nakahawak sa kamay ko kaya tinignan ko ito.

"A-angel?" Tanong ko. Unti-unti naman siyang gumising at tumingin sa akin.

"Angge?..." Saad niya at kinurap ang mata niya, mukhang pagod siya. "How are you? Masakit pa ba katawan mo? Ayos ka lang ba?" Sunod-sunod niyang tanong. Ngumiti naman ako.

"Hmm... I'm fine now." Sagot ko. Naalala ko naman ang nangyare kanina kaya agad kong hinanap si Ward. Sana hindi nagkapasa yung babaeng yun.

"S-si Ward? Okay lang ba siya? Ayos ba siya?" Tanong ko rito.

Sumasabat kasi yung babaeng yun eh, yun tuloy nagkagulo na.

" She's okay... Andun siya sa field ulit." Nagulat naman ako dahil bat nila pinabalik dun eh kung andun pa yung lalaki.

"Don't worry, pinalabas na yung isang lalaki kasama ang girlfriend niya." Nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig ko ang sinabi niya.

"Ikaw? Are you okay?" Tanong ko sa kanya.

"Don't worry about me... Di ako nasugatan." Saad niya at ngumiti.

Ang ganda niya talaga lalo na pag ngumiti.

"Ikaw wala na bang masakit sayo?" Tanong niya ulit sakin

"Wala na."

Akmang aayusin niya ang buhok ko ng biglang bumukas ang pinto at bumungad ang nag-aalalang mukha ni Ward.

"A-angge??" Agad siya tumakbo sakin at umupo sa kama. "Thank God, your okay." Niyakap niya ako bigla ng sobrang higpit at magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi lumakas ang kabog ng puso ko.

"I'm so glad your okay Angge." Niyakap niya ako ulit.

Juskooo ward mukhang malulunod ako sa mga yakap mo.

"Ehem." Napaghiwalay kami ng biglang umepal si Angel charizzzz.

"A-ahm, s-sorry dahil nanggulo pa ako kanina." Saad niya.

"Miss Angelica I'm glad your awake... As far as I examined your fracture wala namang mali but we advice you to take a rest muna para di ka mabinat." Saad ng nurse.

"Thank you po." Umalis na siya at naiwan naman kami nina Ward at Angel. Mabuti at walang bad blood ang dalawang toh ngayon kung hindi baka mas sasakit ulo ko.

"Asan pala si Celine?" Takang tanong ko. Baka inabanduna ako ng bestfriend ko yun makutungan ko talaga yun.

"May binili lang." Sagot naman ni Angel.

Maya-maya pa ay dumating na din si Celine na kasama sa Zyrah at agad agad akong nilapitan.

"Angge okay ka lang ba?" Tanong niya. "Dahan-dahan lang baka masakit pa katawan mo." Saad niya at inalalayan akong tumayo.

"Okay lang ako wag ka mag-alala." Natatawa kong saad. Ang oa talaga ng babaeng toh minsan eh.

"Gusto ko ng umuwi...pwede na ba?" Tanong ko sa kanila.

"Sige hatid na kita." Saad ni Angel na agad namang ikinataas ng kilay ni Ward.

"Ward's POV"
Iba din tong si Angel eh, ihahatid niya daw eh araw araw niya ngang hatid sundo tong babaeng toh eh.

"Ako na." Sabat ko naman sa kanya.

"Ayan na naman sila." Naiiritang sabi ni Celine kaya tumigil ako." We can do a sleepover if you want?"

If Parallel Universe Exist (WANGGE)Where stories live. Discover now