"Ward's POV"
Nasa labas ako ng bahay nina Angge, ibabalik ko lang yung relo niya pero alam kong di ko siya nasabihan agad kaya tinext ko na lang siya pero walang sumagot kaya naisipan kong maghintay na may lumabas mula sa loob, baka may lalabas.
Habang nakaupo ako sa bench ng bahay nila ay biglang may humintong sasakyan sa tapat ng bahay nila.
Hinintay kong bumaba ang nasa loob at nagulat ako nakita ko si Angge.
Teka phone ko
Abala ako sa paghalungkat ng bag ko kaya nung nakita ko na ng hinahanap ko ay agad akong naglakad palapit pero nagulat ako sa nakita ko.
Angel was kissing Angge ...
Nakasandal si Angge sa sasakyan niya habang si Angel at patuloy siyang hinahalikan.
Hindi ko maintindihan pero para akong sinaksak.
Hindi ako makahinga, at unti-unti na lang pumatak ang mga luha ko.
Hindi ko kaya ang nakikita ko.
Masakit. Ayukong makaramdam ng ganito pero sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.
Sabi ko na mali na pumunta ako dito. Kung sana tumawag na lang ako sa kanya at sinabi na naiwan ang relo niya edi sana di ko toh nakita.
Tahimik kong nilisan ang bahay nina Angge at diretso ng umalis.
"Angge's POV"
*Three Days Later*
Ilang araw ko ng iniiwasan si Angel, hindi ko pa din nakalimutan ang ginawa niya. Hindi ko pa din mabura sa isipan ko ang nangyare.
Hindi ko maisip na ginawa niya iyon.
Napabuntong hininga na lamang ako at pinatay ang phone ko at diretsong bumaba.
Andun sina Mama, Papa, Kelly at Celine.
"Angge...may iniwan pala sa labas ng bahay ng gate ilang araw na daw yun. Para sayo daw yun." Saad ni Celine kaya agad ko siyang tinignan.
"Ha? Ano daw?"
"Walang sinabi eh, basta iniwan lang daw dun si manong driver ang nakakita." Sagot ni Celine.
"Andun lang ba sa gate?" Tanong ko.
"Oo daw."—Celine.
Tumayo si Kelly at tumabi sakin.
"Kunin mo dun Kelly wala ka namang ginagawa eh." —Papa.
"No ako na po." Tumayo ako at agad na lumabas ng bahay patungo sa gate.
Pagdating ko dun ay agad kong tinanong si manong kung meron bang iniwan dito at bigla niyang inabot sa akin ang relo.
Teka. This is my watch? San galing toh?
Nilapitan ko si manong at tinanong.
"Sino po nag-iwan nito?" Tanong ko kay Manong.
"Si ma'am po yata eh. Nahagilap ko siya dito nung isang araw eh." Saad ni manong.
"Kailan po?"
"Nung kasama mo po si ma'am Angel." Sagot ni manong.
Kinabahan ako. Baka nakita niya ang ginawa ni Angel. Hindi pwede.
"T-tapos po? Hinintay niya ba ako?" Nauutal kong tanong.
"Ewan ko ma'am eh, basta nawala siya ilang minuto ng pagdating niyo." Saad ni Manong.
Palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi niya naman siguro nakita ang ginawa ni Angel diba? Pumasok ako sa loob at agad na kinuha ang phone ko para tawagin siya pero pinapatayan niya ako ng tawag.
YOU ARE READING
If Parallel Universe Exist (WANGGE)
General FictionMaybe in another life, in a parallel universe they could end up with each other. A universe where they are not deprived from happiness that they deserve, a universe where being happy with the person you love us not prohibited... A universe where the...
