"Apologies"

366 42 0
                                        

"Angge's POV"
Hindi ko alam kung anong nakain ko at bigla ko siyang hinalikan, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, kasalanan na hinalikan ko siya pero parang tama naman.

Nakapikit ang mga mata ko habang pinapakiramdaman ang labi ni ward. I can feel the warmth of her lips, it was so magistic. Nagkalas na ang mga labi namin ngunit magkadikit pa din ang noo.

Dumilat ako at tinitigan si Ward na hinihingal habang nakapikit.

Unti-unti din siyang dumilat at parang naguguluhan kaya agad siyang kumalas sa pagkakadagan sa akin.

"A-angge.... I-i n-need to go." Agad niya akong iniwan sa kwarto niya at ito naman ako ngayon parang sising sisi sa nangyare.

"Ano ba kasi nakain mo Anggeee!!" Saad ko sa sarili ko.

Pano kung ayaw na ako kausapin ni Ward? Pano ayaw na niya ako maging kaibigan? Sunod sunod kong tanong sa sarili ko.

Ramdam ko pa din yung labi niya sa labi ko kaya di ko mapigilang mapangiti.

"Hayys, makatulog na nga." Pinikit ko
na ang mata ko at binalewala na muna ang  nangyare kanina.

"HOYYYYYY it's my turn kaya bat ikaw yung tumira?" Rinig kong saad ni Celine habang pababa ako ng hagdan.

"Eh kasi ambagal mo!"—Zyrah.

"Pag may natalo ha papalitan."—Jelly.

Ano kayang ginagawa ng mga toh ang ingay ingay.

"Penge ako Louise ha."—Coting.

Nakababa na ako at nakita ko naman silang naglalaro ng chess. Kaya pala ang ingay ng mga toh naglalaro pala.

"Angge, gising ka na pala... Lika upo ka."—Zyrah. "Di na ba masakit braso mo?" Nag-aalala niyang tanong.

"Hindi na medyo okay na ako." I smiled for reassurance at pinisil niya naman ang kamay ko.

Pareho talaga sila ni Ward, sobrang di sila nagshoshow ng feelings but trust me they cared so much about everyone who is close to them.

"Angge... " Rinig kong tawag ni Angel. Kakarating niya lang dito. San kaya toh galing.

"San ka galing?" Tanong ko.

"Nagcr lang ako." Umupo siya sa tabi ko at sinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Walang harutan guys ha, respeto sa walang kaharutan." Natatawang saad ni Celine.

"Siraulo." Nagtawanan na lang kami habang patuloy lang din sila sa paglalaro ng chess ng mapansin kong wala si Ward.

Gosh, just thinking about her made my cheeks hit up about what happened earlier. Nakakaloka pero I can still feel her lips on mine.

Tumigil ka na Angge!

I shook my head and throw my thoughts away dahil mas kinakabahan ako sa possible na mangyayare.

Nilibot ng mata ko kung nasan si Ward,pero wala siya... Ganun din si Cassy.

"Ward and Cassy went out nung natutulog ka pa..." Biglang saad ni Angel. Mind reader ba toh? Wala nga akong sinasabi eh.

"Wala akong sinabi."

"But your eyes are looking for someone else." Saad niya.

Aba ang ferson may alam.

"Sige... then i'll just look at you so you won't say i'm looking for someone else." Pang-aasar ko. Namula naman siya.

"I want you to see me but not like that para kang adik beh. " Tinawanan niya ako.

If Parallel Universe Exist (WANGGE)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum