Maybe in another life, in a parallel universe they could end up with each other. A universe where they are not deprived from happiness that they deserve, a universe where being happy with the person you love us not prohibited... A universe where the...
"Zyrah's POV" Nasa kwarto ako ngayon at nag-aayos ng mga gamit ko dahil susunduin daw ako ni Ward para sabay na kaming pumasok. Himala at ako ang sinundo niya at hindi si Angge. Si angge na lang kasi lagi ang sinusundo niya, nakakalimutan niya akong sunduin na bestfriend niya, nasaktan tuloy esophagus ko chariz. Kumatok si mommy sa pintoan ko at agad ko itong binuksan at bumungad sa akin ang fresh na mukha ng aking ina at ni Ajeah( pronounce as Ayah), kapatid ko.
"Anjan na si Ward Zy, bilisan mo na jan." Saad ni mama.
"Bilisan mo ate, mukhang wala sa mood yun." Saad naman ni Ajeah. Tumango lang ako at binitbit na ang mga gamit ko at agad na bumaba.
Pagbaba ko ay tama nga si Ajeah, nakabusangot nga ang isang toh. Mukhang wala na naman sa mood tong babaeng toh.
"Good morning Wardo." Bati ko sa kanya pero tanging tango lang ang sagot niya. Aba expensive ang sagot ha. "Bat ka ba nakabusangot ha?" Diretso kong saad.
"Wala." Tipid niyang sagot.
"Ano nga? Atsaka... Mukhang himala yata na ako ang sinundo mo at hindi si Angge? And speaking of Angge, asan ba siya?" Sunod-sunod kong tanong.
"Itanong mo kay Angel sila ang magkasama kahapon. " Parang naiinis na saad niya. Teka... Nagseselos ba toh? Wag mong sabihing inlove na ulit ang bff ko?
"Selos ka?" Pang-aasar ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Asa... Ang pangit kaya ng babaeng yun. "Defensive niyang sagot. "Sumakay ka na nga." Aalis na sana siya ng pigilan ko siya.
"Napaka ungentle woman mo naman yata kung di ko ako pagbubuksan noh?" Sarkastiko kong saad. Inirapan niya lang ako bago buksan ang pinto ng sasakyan niya.
"Ipamigay mo na lang kaya kamay mo noh kung tamad ka gamitin yan? Mas maganda." Sarkastiko niyang sagot bago pabalang na sinara ang pinto ng sasakyan na ikinagulat ko. Ang sungit talaga ng babaeng toh.
"Bubuksan naman pala andami pang kuda ng butchi mo." Natatawa kong saad.
Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe ay bigla kong nakita ang tweet ni Angge.
Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.
Aba aba aba. Nagdate pala tong dalawang toh? Ang bilis naman. May pa your welcome hon pa si Angel. Pinakita ko kay Ward ang tweet ni Angge at bigla namang nag-iba aura ng mukha niya.
"Sweet ni Angel oh." Saad ko at pinakita kay Ward ang bouquet of tulips na bitbit ni Angge.
"Sweet ba yan? That's so random kaya." Sagot naman niya. "Wala ba siyang ibang kaya gawin for Angge, flowers is just so old school." Pangongontra niya.
"Inggit ka lang di ikaw ang kasama ni Angge." Pang-aasar ko.
"Shut up!" Saad niya. Ewan ko bat ba ng init ng ulo ng babaeng toh. Hindi ko tuloy mapigilang kiligin sa iniisip ko na ang isang Reinalyn Ward maiinlove kay Angelica Jhane Gegante. Ackkkkk. Nakakakilig.