Chapter 15

10.4K 383 59
                                    

Di ko alam anong meron ngayon dahil sinabihan lang ako ni Andrea na pumunta sa music hall. Ilang araw na rin pala ang lumipas dahil dun sa mga nangyareng away sa pagitan namin ng mga pangit.

"Pinatawag ko kayo dahil part kayo ng magprepresent ng school natin sa darating na battle of music na mangyayari mismo dito sa Custadio since tayo ang host ngayon."

Napatingin naman ako kay Andrea dahil sa sinabi nito. Teka anong part? Kasali ako??

"I have the list of names that were selected by our 2 advisers to perform on stage."

Kinuha naman nito ang folder na mukhang may mga pangalan ata.

"For the folk , we have..."

Nagsimula ng magtawag si Andrea sa taas ng mga kasali sa folk genre at ganun rin ang ginawa niya sa classical music.

"In the rock we have Jecho,Jace,Liam,Karen and lastly...Rajim."

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nito. Gago? Ano namang maiambag ko jan sa banda?? Alam ko namang may boses ako pero hanggang videokehan lng to oi.

"Let's call it a day shall we? You can start practice na rin para marami pang panahon para makabisado."

Isa-isa ng nagsialisan ang mga tao dito sa music hall pero ako di ako papayag na kasama ako. Nilapitan ko naman si Andrea.

"Hoy pwede bang iba nalang?? Ayokoo."

Tinawanan lang nito ang reklamo ko. Ayokong sumali gago di naman ako confident sa boses ko.

"You don't have a choice but to accept it rajim. Si miss soline mismo ang nag rekomenda sayo kay sir jessy kaya sinama ka."

Ano?? Bakit naman gagawin ni Miss Sol yun?? Jusko naman mapapahiya lang ako nito eh.

"I'll talk to her. Ayoko talaga sumali Andrea."

Nginitian lang ako nito bago nagpatuloy sa sinasabi.

"Go on. If you can convince her to replace you edi maghahanap kami ng ipapalit sayo."

Nakatanaw lang ako kay Andrea palabas. Kailangan kong mahikayat si ma'am na di ako isali. Bahala nanga bwesit.

Naglakad naman ako papuntang opisina ni Miss Soline para kausapin siya. Kinatok ko ang pinto pero wala namang sumasagot kaya naman ay pinihit ko na ang siradora nito. Di ba siya naglolock? Nakabukas ito buti nalang ako lang ang pumasok , pano nalang kung ibang tao pumasok at magnakaw dito noe.

Napagpasyahan kong umopo muna sa sofa niya at dito nalang siya hintayin. Ilang minuto pa ay nakarinig ako ng mga yabag.

"Babe baka malate ako mamaya sa dinner may mee--."

Napatayo naman ako ng biglang bumukas ang pinto at sumalubong sakin si Miss Sol at yung lalaking kasama niya. Boyfriend.

"What are you doing here?"

Napunta naman ang gulat na tingin ni Miss sakin. Kaya nginitian ko lang ito ng matipid.

"Pwede ko po ba kayong makausap saglit ma'am?"

Binalik naman ni Miss Sol ang tingin niya sa lalaking nagmamasid lang sa gilid namin.

"I think i should go. Susunduin nalang kita mamaya."

Napaiwas naman ako ng tingin nang halikan niya si Miss Sol sa pisnge.

"What is it Lopez?" pumunta naman ito sa swivel niya at nilapag ang mga gamit. Mukhang kakagaling niya sa klase.

"Ahm regarding po sa battle of music Miss. Pwede bang iba nalang kunin niyo? Ayoko talagang sumali."

Seryosong tiningnan lang ako nito habang nakasandal sa upoan nito.

"No." napasimangot naman ako sa tugon nito.

"We already talked and finalize everything Lopez. You can't do anything but to accept it."

Napakamot naman ako sa ulo dahil sa sinabi niya. Nakalimutan kong sintigas pala ng pader sa great wall of china tong si miss.

Napatango naman ako at walang ganang tumayo. Lalabas na sana ako nang maalala ang tanong na bumabagabag sakin.

"Ah miss boyfriend mo ba yung lalaki kanina?"

Humarap ako dito at tiningnan siya habang nakangiti pero sa loob loob ay kinabahan na ako sa isasagot niya.

"Yes."

Nawala naman ang ngiti sa mga labi ko. So totoo palang may boyfriend na talaga siya. Pero bakit iba ang nararamdaman ko dahil sa kinikilos niya? Or baka ako lang ang nag assume.

Tumikhim naman ako at binuksan ang pinto. Bumuka naman ang bibig nito na parang may gusto pang idagdag pero umalis na ko. Masyado na kasing masakit sa tenga.

Walang patutunguhan tng damdaming kakasimula palang umusbong sakin. I should get rid of this as soon as possible.


----

"You cannot solve your problems with the same thinking you used when you created them."

Napasimangot naman si Cassidy dahil sa sinabi Zayah sakanya. Nasa cafetiria kami tumatambay at dinalohan si Cassidy na problemado kay Miss Alex. Mukhang nabiktima ata kaming magkakaibigan sa masusungit na mga gurong yun.

"Ewan naguguluhan na ako. Ginayuma ata ako nun e. Nawawala na ako sa ulirat."

Napahiga naman ang ulo ni Cassidy sa mesa at nakatingin samin. Binaba ko naman ang juice na ininom ko at tumingin ulit sa nakasimangot na mukha nitong isa.

" Refresh your mind before it takes your sanity and morality away from you. Kung bakit ba naman kasi sa kasal na tao kapa nagkandarapa."

Inirapan lang ako nito matapos ko siyang sabihan. Sabing sakit sa ulo lang yung magkakaibigan na yun eh.

"Our most important human endeavor is the striving for morality in our actions. Our inner balance and even our very existence depend on it. Only morality in our actions can give beauty and dignity to our life."

Seryosong sambit ni Zayah sakanya kaya mas lalong napasimangot si Cassidy.

"Let me educate you. Kasal na tao yan Cassidy kaya itigil mo yang kabaliwan mo. Nandito tayo sa school for education not for flirtation."

Napatawa naman kami ni Leon sa sinabi ni Jazer. Pota san niya nakuha yan. Flirtation ampota.

"Education is not the learning of facts but the training of the mind to think."

Napaamaang naman kami sa sinasabi ni Zayah. Luh pinaglalaban nito?

"Since you don't have a mind, your training is useless." dugtong pa niya kaya humagalpak kaming tatlo ni leon at jazer sa kakatawa. Burn!

"If you want to live a peaceful happy life, tie to goals not to people."

Nakangiting saad pa ni Zayah. Talino talaga ng bruhang to. She's not our brain for nothing. Napailing iling nalang ako sa pinagusapan namin. Ang sakit talaga sa ulo magkagusto sa nakatali na sa iba.

I should avoid her if i want to save the remaining dignity in me. Ayoko rin siyang mapahamak lalo na't may kinakaharap pa akong problemang kailangan ng masolusyonan. I don't want to drown in temporary emotion.It'll just wreck my whole damn existence because of reckless action.

The difference between stupidity and genius is that genius has its limit.

Yesterday's Loaded Bulletsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن