Chapter 11

10K 323 34
                                    

Tahimik akong nagbabasa dito sa library dahil free time naman namin ngayon. Actually hindi naman literal na nagbabasa dahil tumambay lang talaga ako. Props lang yung libro para di ako mabisto nitong taong tinitignan ko ilang milya ang layo sakin.

Kausap ni Doc Sol yung librarian kasama sila Ms. Mendoza at Ms. Rodriquez. Sarap talaga pagbubuholin nilang tatlo, ang mga tingin kasi parang lageng may kaaway.

Tiningnan ko lang si Ms. Soline ng palihim nakabusangot ang mataray nitong mukha. Di ko tuloy maiwasang mapangiti habang inaalala ang nangyare sa bahay niya ilang linggo na ang nakalipas.

~~~
I was walking my way downstairs pagkatapos kong ligpitin ang higaan sa guestroom ni Miss Sol. Nadatnan ko naman si Ma'am na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo sa hapag, hindi rin ito naka bihis ng pangalis.

"Morning ma'am di ka po ba papasok?."sabi ko dito at umopo sa kanan niya. Nasa gitnang long table kasi siya naka upo.

"It's saturday Lopez." tugon nito ,hindi man lang ako tiningnan. Napaismid nalang ako dito.

"Hi nay Sora." nakangiting sabi ko kay nanay na kakalabas lang ata ng kusina at may dalang pagkain.

"Oh ijah! buti naman at napabalik ka dito." nakangiting sambit nito sakin at nilapag ang pagkain sa harap ko.

"Kala ko kung sino ang hahandaan ko ng pagkain na bisita ni Soline , ikaw lang pala." natatawang dugtong pa nito.

"What do you mean?" sabat ni ma'am at binaba ang hawak nitong dyaryo tsaka nakakunot na tumingin kay nanay. Ang aga naman magkalat ng kagandahan nito. Nakasuot pa talaga sya ng salamin na mas nakapagpadagdag ng appeal. Umagang umaga inaakit ako.

"Ay oo nga pala, naalala mo ba yung babaeng sinabi ko sayong nagdala sayo dito nung lasing ka? Siya yun." masiglang sabi ni nanay Sora kaya naman napatingin si ma'am sakin na nakataas ang kilay. Sungit.

Kinindatan ko naman ito at nginitian kaya inirapan ako nito. Napatawa nalang ako sa reaction niya at kinain na yung hinanda ni nay sora.

Gov. Bernardo Pernites natagpuang walang buhay sa isang abandonadong building. Hindi mahagilap ang ibang parte ng katawan nito, wala rin ang mga lamang loob. Sa pagkamatay ni Gov. Bernardo ay syang paglabas naman ng mga illegal na gawain nito isa na doon ang Kidnapping. Inilagay naman rehabilitation center ang mga biktima nito. Ako si Maria Lepingco naguulat.

Napangisi naman ako sa narinig sa tv ni ma'am.
"Jusko, ansama na talaga ng panahon ngayon. Ewan ko ba kung maaawa ako o magpapasalamat na namatay yang matanda sa daming krimen na ginawa." Napapailing na sabi ni nay sora at naglakad papasok sa kusina.

Binalingan ko naman ng tingin si ma'am na nakatingin pala sakin kaya nawala ang ngisi ko at napatikhim.

"Bakit po?" sabi ko dito habang tiningnan ang mata niya.

Di ako sinagot nito at bumalik na sa pagkakape. Tumayo naman ako at pumasok sa kusina at nilagay na ang kinainan sa sink.

"Ma'am mauna na po ako, baka hinahanap nako sa bahay." sabi ko dito habang inaayos ang sarili.

"Kace." tipid na sabi nito kaya nagtatanong na napatingin ako sakanya.

"Call me kace when we're not in school." dugtong nito na di man lang ako tiningnan. Napamaang naman ako sa sinabi niya at kalaunay napangiti narin.

"Okay, Kace misis ko." sabi ko habang may malambing na ngiti kaya napatigil naman ito sa ginawa. Seryoso itong tumingin sakin at namalayan ko nalang na dumapo ang remote sa mukha ko.

"Get out." naiinis na sambit nito kaya naman napabilis ang takbo sa pintoan ng akmang babatuhin nanamn ako nito. Napatawa nalang ako paalis habang nakakamot sa pisnge kong natamaan niya.

~~
"Hoy para kang timang kanina kapa." nagising naman ang diwa ko dahil sa sinabi ni Andrea. Oo nga pala kasama ko ito sa gilid dito sa library may assignment ata.

"Kanina kapa nakatingin jan sa librarian, crush mo ba yan?" nakangising sabi nito sakin kaya napatingin ako dito. Yuck tanda na nun tapos papatusin ko.

"Gago! may iniisip lang epal ka." tugon ko dito , tinawanan lang ako amp. Binalik ko ang tingin sa gawi ng librarian , nakaalis na pala sila Miss. Di ko man lang namalayan dahil sa paglipad ng utak ko.

"Oh nga pala may meeting tayo sa music club mamayang 3pm." napatingin naman ako sakanya dahil sa narinig. Sa music club nalang ako sumali para walang masyadong gawin, kasama ko si Andrea dun dahil siya ang President sa club na yun. Magkaiba kami ng club na sinalihang lima ng mga kaibigan ko. Ewan ko kung ano pinili nila.

Ilang oras pa kaming tumambay sa library at nagkwentohan nalang ng mapagpasyahang umalis na. Nagkahiwalay naman kami ng daan palabas dahil pupunta akong DPO.

Habang nag lalakad ay may narinig akong parang nagtatalo. Napakunot naman ang noo ko ng makitang si Cassidy at si Ms. Alex yun. Ginagawa ng mga to?? Natigil lang sila ng mamataang papalapit ako sa kinaroroonan nila. Umalis naman si Ms. Alex habang si Cassidy naman ay malungkot na nakatanaw dito?

"Anong nangyare sayo?." baling ko sabay hawak sa balikat niya.

"Wala naman." tipid na ngiti nito at di makatingin sakin.

"Alam mo namang kasal siyang tao diba?" I calmly said to her na di parin makatingin sakin. Kahit di niya sabihin alam at nararamdaman ko.

"I'm aware of it." seryosong sabi nito pero parang nakikipagtalo ito sa sarili niya kaya tinapik ko nalang ang balikat at nauna ng umalis. It's not my story to tell.

----
Nakaupo lang ako sa dulo habang naglalaro ng cod sa cp ko. I'm in the music hall kung saan gaganapin ang meeting na sinasabi ni Andrea. Naramdaman kong dumami na ang mga tao sa paligid pero di ko parin inangat ang tingin ko at nagfocus sa laro.

"I am your music adviser along with Ms. Ramirez." natigil naman ako dahil sa narinig kaya agad akong napatingin sa harap.

Nakita ko naman yung instructor namin na bading pala ang nagsalita habang pinaypayan ang sarili. Napunta naman ang tingin ko kay Miss. Sol na walang emosyong nakatingin sa mga tao dito.

"Me and Ms. Soline will be the one to prepare the events na mangyayari 1 month from now." sabi ni Sir Jessy. Ang aga naman ata?

"Excuse me sir , ano po ang event na sinasabi niyo?" rinig kong sabi ng isang kaclubmate ko.

"It's a battle of music from different genre. Maglaban-laban ang iba't ibang school dito." Di kaya ma apektuhan ang mga gawain namin nito??

"We will be choosing five students in The Rock, eight students in folk and twelve students in classical music." dugtong niya kaya nagbulong bulongan naman yung mga studyanteng myembro dito.

"Ang aga naman po ata sir kung next month pa pala magaganap?"

"Mabuti ng mas maaga para marami tayong oras magprepare baka mahectic ang sched niyo pagsumabay sa midterm exams niyo." paliwanag ni sir.

Napatingin naman ako kay Ms. Sol na tahimik lang na nagmamasid. Nahinto ang tingin nito sakin kay nginitian ko ito. Nakatanggap lang ako ng irap naknang.

"Hi excuse me, can I borrow Doc Sol for a moment?" Napunta naman ang tingin ko sa taong nagsasalita palapit sa taas. Yung lalaking kasama ni ma'am sa cafeteria , yung boyfriend kuno.

"Hala shit ang pogi." yuck mukha bang pogi yan. Panay pa cute lang ang alam pota.

"Sure! kahit di mo na ibalik." malanding saad ni Sir Jessy dito kaya napairap nalang ako sa kawalan.

Tiningnan ko lang sila habang naglalakad paalis. Napahawak naman ako sa dibdib kong sumisikip. Napailing iling nalang ako.

Yesterday's Loaded BulletsWhere stories live. Discover now