Chapter 14

9.5K 333 39
                                    

Sariwang simoy ng hangin ang lumapat sa aking mukha. Mga ibon na nagliliparan sa ulap habang tinanaw ang malayang paglipad nito.

Dala-dala ko ang gitara galing sa music room ng mapadpad ako dito sa likod ng skwelahan. Nakatago ang maganda nitong tanawin. Di ko alam na may makikita akong tahimik na lugar dito sa loob ng campus.

Nilabas ko naman ang gitara sa lalagyan nito at sumandal sa ilalim ng puno. I started to strum the guitar.

🎶I've been attached with the feeling
Of love reciprocating and waking up with you by my side🎶

Napapikit ang aking mata at inalala ang mukha ng palaging bumabagabag sakin.

🎶Stuck in the same page for ages
But, baby, you're ageless
And fate is in our hands somehow🎶

Napangiti naman ako habang ginala ang mata sa langit.

🎶i'm happy with youu
I'm happy with youu🎶

Napamulat naman ako at napangiti nanaman ng malawak. You psycho fucktard rajim delikado kana.

Ilang minuto pa ay tumayo nako at pinagpag ang pwet ko. Nakaramdam naman ako na parang may nagmamasid kaya mabilis ko itong nilingon. Parang may nakita akong tao or maybe guni guni ko lang.

Nagsimula na akong maglakad habang pahumhum pa. Goodmood ako ngayon eh. Palundag lundag lang akong naglakad sa hallway at napapikit.

Napahinto naman ako nang tumama ang mukha ko sa likod ng kung sino kaya nagmulat ako.

Naabutan ko ang grupo ng lalaki na naninigarilyo. Wait diba bawal to dito? Napatingin naman sakin yung mataba na parang nakasuot ng basahan.

Yuck kaya naman pala mabaho dahil ito ang nabunggo ko. Shit i need alcohol right now.

"Oh miss, naliligaw ka ata?" nakangising sabi nito. Ampangit pota parang 1 year di nagsipilyo.

Tatlo silang lahat. Parehong mukhang adik. Seriously nakapasok to sa skwelahan ni aunt lian? Mas bagay sila sa selda.

"Pre mukhang masarap." nakangising sabi nito at dinilaan pa ang ibabang labi. Yuck mukha siyang ingrown.

"Tabi ampapangit niyo." saad ko dito at lalampasan na sana ng hawakan ako nito.

Nandilim naman ang paningin ko sa ginawa. Ayoko sa lahat yung hinahawakan ako ng pangit baka may bacteria pa siyang dala.

"Get your filty hands off me." mariing sambit ko dito. Di naman ito natinag at nginisian ako.

Sa inis ay pinilipit ko ang kamay nito. Napadaing naman ito sa sakit.

"Gago kang babae ka!" sabi naman ng kasama nitong tambor at sasampalin sana ako ng sinipa ko ito sa tagiliran.

Hinawakan naman ako nung isa pa niyang kasama. Shit kadiri naman nito. Sinapak ko naman ito sa mukha.

"Mga depungal kayo ampapangit ng mukha niyo." sambit ko pa nito. Nakatihaya na silang lahat.

"Magbabayad ka!" tumayo naman yung mataba na may dinampot na stick sa gilid niya at inambahan ako.

Kinuha ko naman ang gitara sa likod at malakas na hinampas sakanya. Nanlaki naman ang mga matang tumingin sakin ang dalawang kasamahan nito dahil sa nandurogong gilid ng noo na natamaan sa gitarang ngayon ay nawasak na.

"What's the meaning of this?!" nabalik naman ako sa wisyo dahil sa boses ni Ms. Soline kasama niya sila Jazer at ibang kaibigan ko na nakatingin sa hawak kong putol na gitara at sa tatlong taong nakahandusay sa harap ko.

Nilapitan naman agad ako nila Zayah. Na may pagaalala sa mukha. Teka bat sila napunta dito?

"Rajim we're on public place remember that." mariing bulong sakin ni Zayah. Dun naman ako nagising sa ginawa ko. Shit.

"What are you doing Lopez?!" sigaw ni ma'am sakin habang papalapit sa kinaroroonan ko at nanaliksik ang mga mata.

"I'm just defending myself miss." I calmly said while staring at her.

"All of you follow me." seryosong saad nito at naunang umalis. Dinalohan naman ng mga kaibigan ko ang tstlong lalaking nakahandusay at nanghihinang napatayo.

---
"Oh anong nangyare?" bungad ni aunt lian ng pumasok kaming lahat sa opisina nito.

"Ask her." mariing sabi ni ma'am habang napatingin sakin while crossing her arms in her chest.

"Binastos nila ako okay. I was just trying to defend myself ma'am."

"It doesn't justify your action lopez." napayuko naman ako dahil sa sinabi niya. Ba't parang mali ko pa ata na nabastos ako.

Tahimik lang na nakatingin si auntie sakin habang nakasandal sa upoan niya.

"Kayong tatlo."seryosong sabi ni aunt lian sa mga pangit na nasa sofa. Baka magkabacteria pa tong sofa ni aunt lilinisan ko mamaya.

"You're expelled."

Nanlaki namang napatingin ang tatlo kay auntie. Nice deserve.

"W-What? no! pagkakamali lang naman po yun. D-di na po namin uulitin." nagmamadaling sambit nung kasamahan ng tambor

"No buts. I want you out right now." seryosong sambit ni auntie dito kaya sinenyasan naman ni Miss Sol sila Jazer na alalayan ito paalis.

"Detention after class Lopez . You're also receiving a public service inside the campus."

Nakatanaw lang ako kay Miss. Sol na naglakad na paalis pagkatapos niyang sabihin yun. Seryoso ba siya? Okay na sana yung detention pero public service? Ano maglilinis ako ng cr?? Swerte nga yung tatlo yun lang inabot nila sakin, i'm still showing my mercy here. Napairap nalang ako sa kawalan.

"Yan tanga ka mambugbog nangalang di pa tuluyang pinatay."

Ewan ko ba kung matatawa o magalit kay aunt lian na seryosong sinabi sakin yun. Akala ko papagalitan niya ako.

"Ayos ka lang ba?." lapit nito sakin sabay abot ng pamunas at tubig.

"I'm good."

"Oh ayos kana?" bungad ni Leon sakin pagpasok nila sa loob ng opisina ni auntie.

"Gago ka sira yung gitara, nilakasan mo masyado buti nalang di namatay." natatawang sambit ni Jazer sabay upo sa tabi ko.

"Bobo di naman mamatay yun dahil sa kapal ng mukha , nakita mo ba yung tambor ampangit niya gago." nandidiring saad naman ni Cassidy na may kasama pang dura.

"Laitera." natatawang sambit naman ni Zayah dito.

"Helloo nagdedescribe lang ako."

"Stop it girls , wala ba kayong mga pasok?" sabat naman ni Auntie samin

"Wala po Tita, vacant namin ngayon."

"Ganun? Oh sya magsilayas kayo dito busy ako." bumalik naman si aunt lian sa mesa nito kaya napatawa nalang kami.

Nagsipaghalik naman kami sa pisnge ni Aunt Lian bago kami lumabas sa opisina nito.

"Sa susunod Rajim, kontrolin mo yang emosyon mo. Muntik kanang makapatay kanina dito sa school, pano nalang pag nabalitaan ni Lolo Ramon yang ginawa mo edi tayong lahat mapapahamak. Alam mo naman public place to Rajim buti nalang walang tao dun." mahabang sermon ni Zayah sakin habang naglalakad kami sa palabas ng building.

"Oo nga teh , kita mo yang gitarang sinira mo? May bakas ng dugo nang kinuha namin. Pero wag ka magalala niligpit na namin yun." sabi naman ni Leon habang inaayos ang kwelyo nito.

"I just let them taste a dose of their own medicine." kibit balikat na sabi ko.

Napatingin naman ako kay Miss Sol na naglalakad kasama yung boyfriend niya. Boyfriend niya ba talaga yan? Edi ouch.

Napangiti nalang ako ng malungkot habang inaalala ang nangyareng eksena kanina. Di man lang siya nagaalala sakin. Parang wala man lang pakealam. Sabagay studyante niya lang naman ako.

Napailing nalang ako at nagpatuloy naman kami papuntang parking lot. Mabilis naman ako sumakay sa sasakyan at pinasibad ito ng mabilis dahil sa inis na nararamdaman. Yeah right i'm just her student, who am i to complain.

Yesterday's Loaded BulletsWhere stories live. Discover now