Chapter 12 - Bye Baby

Start from the beginning
                                    

Wala rin imik si Raven. Palinga linga lang ito sa paligid. Mahaba ang hall way na dinadaanan nila. Maya maya ay may kinausap si Rufus, tapos may itinuro ito'ng daan at sinamahan sila.

Malayo ang distansya nila sa lalaki ni Nikko. Sumusunod lang sila rito. Hanggang sa may pinto ito'ng pinsukan, at doon nila nalaman na ito ang opisina kung saan makakausap ang mga nangangasiwa ng DSWD.

Ipinaliwanag ni Rufus ang nangyari at mataman naman na nakikinig ang kausap nito, patango tango. Sila rin ni Nikko ay tahimik lang. Rufus has a smart mouth, wala syang masasabi. Iba pala ito magsalita. Business like, pero tipong may simpatya.

"My client here, Mr. Montenegro, has been responsible for this kid for almost a week now. They cared for the child until he felt better since he suffered a flu due to the changing weather. And now, they decided to do the right thing and to turn over this kid where we know he will be properly taken cared of." Pantapos nito.

May ilang katanungan pa ang babae na kausap nila at inililista nito iyon. Alam nila na kailangan ma authenticate ang kwento nila. Kakaiba naman kasi. Pero hello, halata naman na mayamna si Nikko. Sino ang mag aakala na mag tuturn over ito ng bata kung kamag anak nito iyon.

At sya, lalo naman na hindi sya mukhang may bahay ng lalaki.

May tinawag ang babae at ipinakuha mula sa pagkaka karga nya si Raven. Masakit sa loob nya na iabot ang bata sa babae na kumuha rito. Kita nya sa mata ni Raven na tila alam nito ang nangyayari. Bigla ito'ng umiyak ng kinuha ng babae.

"Sshhhh." Inaalos nya ito habang karga na ng babae.

Kinuha na rin ang bag na dala ni Nikko.

"And since my client here felt that what you do is really a patriot thing for the country," May inilabas ito'ng check book mula sa pocket na nasa loob ng coat nito at pina pirma si Nikko. "My client would like to donate this small amount as his token for gratitude."

Nanlaki ang mata nya ng makita na isa'ng milyong piso ang isinulat ni Nikko roon. Walang reaction ang mukha nito.

Masaya na inabot ng babae ng check.

"Nako, pagpalain po kayo. Maraming salamat Mr. Montenegro." Nakipag kamay ang babae kay Nikko na wala pa rin emosyon ang mukha.

Nasa isa'ng tabi lang sya.

"But it would be more appreciated if we keep this just to our self. Nais lang ng client ko na makatulong kami." Sabi pa ni Rufus, hinting that huwag na sanang ipaalam ang pangyayari na ito.

Agad naman na nakuha ng babae ang nais nitong sabihin.

Nasa kotse na sila at wala silang kibuan. Pakiramdam ni Roxanne ay nawalan sya ng gana sa lahat ng bagay. Parang nararamdaman nya pa ang bigat ni Raven sa mga kamay nya.

"Idederetso na ba kita sa apartment nyo?" Tanong ng lalaki na naka focus sa pagda drive.

"Oo. Salamat." Yun lang ang tangi nilang napag usapan.

Nagpasalamat na lang sya ulit ng maibaba na sya nito at ng makuha nya na ang mga gamit nya sa back seat ng sasakyan nito.

Lulugo lugo syang umakyat.

Agad syang yinakap ni Yna ng makita sya, ngunit agad nito napansin ang lungkot sa mukha nya.

"Oh, ano'ng nangyare? Bakit naka busangot ka?"

Huminga sya ng malalim. "Eh kasi, tinurn over na namin si Raven sa DSWD kanina lang."

Napawi rin ang ngiti ni Yna. "Hay. Nakakalungkot nga, pero alam mo naman na yun ang tama diba? Kasama mo ba si Papa Nikko?"

Faking It (Published)Where stories live. Discover now